IRAN – Inanunsyo ni US President Donald Trump nitong Linggo, Marso 1 na pinalulubog ng US military ang Navy ng Iran, kasabay ng pagkakasira sa siyam na Iranian warships at pagsira pa sa mas marami nito.
Ang anunsyo ni Trump ay kasunod ng pinaigting na pambobomba sa militar ng Iran.
Ipinadala ng US ang B-2 stealth bombers para targetin ang mga underground Iranian missile facilities na may 2,000-lb bombs.
Tinarget din ng mga strike ng US ang naval headquarters ng Iran na nagtamo ng matinding pinsala.
Bilang ganti ay sunod-sunod ang pagpapadala ng Iran ng mga missile at drone.
Samantala, kinumpirma ng US ang pagkasawi ng tatlong US service members nitong Linggo.
Mayroon namang limang nasaktan sa kaguluhan, ayon sa US military Central Command.
“They will soon be floating at the bottom of the sea,” ani Trump na tumutukoy sa mga barko ng Iranian Navy.
“Other than that, their Navy is doing very well!” RNT/JGC