Home OPINION NCRPO MASUSUBUKAN SA NATIONAL RALLY FOR PEACE NGAYONG LUNES (PART 2)

NCRPO MASUSUBUKAN SA NATIONAL RALLY FOR PEACE NGAYONG LUNES (PART 2)

DAHIL ilan-ilan ang nakatalagang pulis at sundalo, napakadali lang sa mga libong deboto na maputol at makatawid sa barikada ng mga pulis.
Marami rin ang nagpupumilit na mga debote este debotong nakainom ng alak ang nagpupumilit makasampa sa andas na dapat sana ay tanging mga hijos ang nakasakay. Napilitan na tuloy na ilagay sa itaas ng andas ay mga pulis na pipigil sa pag-akyat upang makahalik sa imahe ng Nazareno.

Umabot ng dalawampung oras at 45 minutos ang prusisyon bago nakabalik sa kanyang tahanan ang Nazareno. Gayunman, may mga pulis at ilang pa ring volunteers ang hindi iniwan ang kanilang pwesto hanggang matapos ang traslacion. Salamat sa inyong pagtitiyaga.

Ang NCRPO director hinahanap nang magkaroon ng problema sa lugar. Mabuti nga at nandoon ang DRDO ng NCRPO na si Peñones.

Sa Lunes, Enero 13, magkakaroon ng National Rally for Peace na pangungunahan ng Iglesia Ni Cristo bilang pagpapakita ng suporta kay Pangulong Bongbong Marcos sa kagustuhan nitong huwag na sampahan ng impeachment case si Vice President Sara Duterte na para nga sa pinakamataas na puno ng bansa ay pag-aaksaya lang ng panahon.

Hindi pinakinggan ng marami sa mga mambabatas ang kahilingan ng Pangulo kung kaya’t nagpakita ng suporta ang pamunuan ng INC na gaganapin nga sa Lunes kaya naman ang mga tanggapan ng pamahalaan sa mga lungsod ng Pasay at Maynila kasama ang lahat ng antas sa paaralan ay walang pasok o suspendido ang trabaho.

Dito masusubukan ang husay ni Aberin at ang kanyang ‘AAA’ program kung saan sinasabi niya na ito ay “back to basic” para sa kanyang mga tauhan.

Ipakikita rito ni Aberin ang Able, Active at Alliance. Dapat lang dahil dapat niyang suportahan ang rally na ito dahil siya ay kabilang sa mga ito. Dito mapatutunayan ang husay ng NCRPO top cop.

Aber nga Gen. “AAA” ipakita ang husay ngayong araw.