Home ENTERTAINMENT Netizens, umalma sa Gabi ng Parangal 2024; Uge, ginawang ‘patay’!

Netizens, umalma sa Gabi ng Parangal 2024; Uge, ginawang ‘patay’!

Manila, Philippines – Naloka ang maraming netizens sa isang part ng katatapos lang na MMFF 2024 Gabi ng Parangal.

Tribute kasi ito sa artists at napagitna ang picture ni Eugene Domingo sa pumanaw nang sina Cherie Gil at Eddie Garcia.

“First, inisnab n’yo ang isang Eugene Domingo na isa sa beteranang actress at nagbigay ng walang tapong na performance sa ATBWI. Ngayon, ginawa n’yong patay,” sey ni user @deeplyfrost sa X.

Napansin din nila na sa lyrics ng kantang ‘Minsan ang Minahal ay Ako’ na sa “bagong tuluyang lumisan” part pa napatapat ang mukha ni Uge.

Hindi lang ito ang pang-ii-snub kay Uge sa Best Supporting Actress category ang napansin nila kundi ang animo’y pagiging “uninvited” ng pelikulang Uninvited mismo sa nominations dahil well-received ang performance ni Aga Muhlach bilang Guilly Vega pero ni hindi siya nominated sa Best Actor o sa Best Supporting Actor categories.

Marami rin ang hindi natuwa na mahaba masyado ang screen time ng mga pulitiko na present sa awards night gaya nina Jinggoy Estrada at Bong Go.

Pero ang pinakamalaki nilang reklamo ay kung bakit hindi si Zig Dulay ang nanalong Best Director para sa Green Bones, na siyang big winner ng MMFF 2024, dahil ito ang nag-uwi ng 4 major awards na Best Film, Best Screenplay, Best Actor (Dennis Trillo), at Best Supporting Actor (Ruru Madrid).

May sagot kaya ang MMFF dito o dedma ulit sila tulad ng pananahimik nila sa issue ng diumano’y sobrang unfair na distribution ng cinemas sa entries? Trixie Dauz