Ikalawang peace talks, muling isasagawa ng US-Iran
ISLAMABAD, Pakistan - Pinag-uusapan ng Estados Unidos at Iran ang posibleng ikalawang round ng peace talks sa Pakistan matapos mabigo ang unang negosasyon na layong tapusin ang digmaan sa Middle East, ayon sa mga opisyal ng US. Sinabi ni White House Press Secretary Karoline Leavitt na “would very likely” sa Islamabad ang susunod na pag-uusap at umaasa ang US na...
Kahit ‘di bayad sa school fees, estudyante dapat magmartsa sa graduation – solon
MANILA, Philippines - Hindi hadlang ang utang para hindi makamartsa sa kanyang graduation ang isang estudyante. Ito ang nakapaloob sa House Bill 8618 na inihain ni Paranaque Rep. Brian Yamsuan. Sa ilalim ng panukala ay aalis na ang kondisyon sa mga paaralan na “ban” ang estudyante sa graduation ceremonies kung mayroong utang sa eskuwelahan, giit ni Yamsuan, karapatan ng mag-aaral na...
Illegal recruiter, nanloko ng 17 aplikante patungong Japan, arestado sa Mandaluyong
MANILA, Philippines - Arestado sa Mandaluyong City ang isang hinihinalang illegal recruiter na umano’y nanloko sa hindi bababa sa 17 aplikante na nais magtrabaho sa Japan, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Batay sa ulat, mula Hulyo hanggang Nobyembre 2025, sangkot umano ang suspek sa recruitment at placement activities nang walang awtorisasyon mula sa Department of Migrant Workers...
PNP: Intelligence ops paiigtingin matapos masamsam P2.7M ilegal yosi sa Cotabato
MANILA, Philippines - Tinitingnan ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapalawak ng intelligence-driven operations matapos masamsam ang tinatayang P2.7 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa Cotabato City noong Miyerkules. Sa pahayag ng PNP nitong Huwebes, sinabi ng ahensya na ang matagumpay na operasyon ay bunga ng tip mula sa isang informant. "The tip was very critical," ani PNP chief Gen....
OPM artist Hev Abi, inaresto ng CIDG dahil sa ilegal na armas
MANILA, Philippines - Inaresto ang OPM artist na si Hev Abi matapos isilbi ang search warrant kaugnay ng umano’y ilegal na mga armas, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Huwebes. Sinabi ni CIDG Public Information Office chief PMaj. Helen Dela Cruz na maglalabas pa sila ng opisyal na pahayag hinggil sa pag-aresto na naganap noong Abril 14. Si...
Probable cause sa impeachment case ni VP Sara, malinaw pa sa sikat ng araw – Ridon
MANILA, Philippines - Para kay Bicol Saro Partylist Rep Terry Ridon malinaw na may probable cause para ituloy sa paglilitis ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay Ridon, miyembro ng House Committee on Justice, na nang kanyang balikan ang record ng April 14 impeachment hearing ay masasabi nitong malinaw na naesbalisa na may probable cause ang...
Prosekyutor na tumanggap ng pera mula kay VP Sara, pinagpapaliwanag
MANILA, Philippines - Inatasan ng Office of the Ombudsman si Assistant Special Prosecutor Ryan Quilala na magpaliwanag kaugnay ng alegasyon ni Ramil Madriaga na nakatanggap umano siya ng milyon-milyong halaga mula kay Vice President Sara Duterte, ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano nitong Huwebes. Tinutukoy ni Clavano ang mga pahayag ni Madriaga sa House justice panel impeachment hearing laban sa...
DA magpapatupad ng loan moratorium para sa magsasaka, mangingisda
MANILA, Philippines - Magpapatupad ang Department of Agriculture (DA), sa pamamagitan ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC), ng moratorium sa pagbabayad ng utang para sa mga kwalipikadong magsasaka at mangingisda bilang bahagi ng hakbang ng gobyerno laban sa krisis sa enerhiya at patuloy na pagtaas ng gastos sa produksyon. Ayon sa DA sa pahayag nitong Huwebes, nakabatay ang hakbang sa...
Inang nagbenta ng anak online, maaaring makulong ng ‘gang 9 nataon — DOJ
MANILA, Philippines - Maaaring maharap sa hanggang 9 na taong pagkakakulong ang isang ina na umano’y nagbenta ng kanyang anak sa internet, ayon sa Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes. Sa pahayag ng DOJ, kinilala ng Regional Trial Court (RTC) Branch 94 sa Quezon City ang akusadong ina na nagkasala sa paglabag sa Republic Act No. 7610 o Special Protection...
P73M disallowed funds pinasosoli ng solon kay VP Sara
MANILA, Philippines - Bilang pagpapakita ng accountability, hinamon ni Deputy Speaker at La Union Rep Paolo Ortega si Vice President Sara Duterte na ibalik sa kaban ng bayan ang P73.287 million confidential expenses na dinis-allow ng Commission on Audit (COA). “Kung talagang nais ni VP Sara na ipakita ang kanyang accountability bilang public servant, mas mabuting isauli na lang ang...












