363 Pinoys, 20 labi ng OFWs mula MidEast nakauwi na ng Pinas
MANILA, Philippines — Umabot sa 363 Pilipino at mga labi ng 20 overseas Filipino workers ang naibalik sa bansa mula sa Middle East noong Miyerkules, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW). Sinabi ng ahensya na ang mga labi ng 20 OFWs ay dumating mula Kuwait nang madaling-araw ng Miyerkules. Ayon sa DMW, isang pastor at isang pari ang nagsagawa...
Imee kay Madriaga: Sinungaling ka
MANILA, Philippines — Itinanggi ni Senador Imee Marcos noong Miyerkules ang alegasyon ng umano’y “term-sharing” deal sa pagitan ni Vice President Sara Duterte at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at tinawag na “sinungaling” si Ramil Madriaga kaugnay ng naturang pahayag na naungkat sa pagdinig ng Kamara sa impeachment case. Hinimok din niya ang Pangulo na ituwid sa publiko ang...
‘Zero accomplishment’: P92.8M Bulacan flood project ni Revilla, ininspeksyon
MANILA, Philippines — Isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagsabi sa Sandiganbayan na walang nakikitang estruktura sa P92.8-milyong flood control project sa Pandi, Bulacan na bahagi ng kasong malversation laban kay dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. at iba pa, sa isinagawang inspeksyon ng korte noong Miyerkules. Ayon kay Kenneth Fernando, officer-in-charge ng DPWH Bulacan...
Registered solo parent may #LibrengSakay sa MRT mula Abril 15-18
MANILA, Philippines — Maaaring makasakay nang libre sa MRT-3 ang mga rehistradong solo parent mula Abril 15 hanggang 18, 2026, bilang bahagi ng paggunita sa Solo Parents Week, ayon sa advisory na inilabas ng rail line noong Miyerkules. Maaaring i-avail ang libreng sakay mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi...
Pagtatayo ng foreign military facilities sa M’danao tinutulan ng Davao City LGU
MANILA, Philippines - Tinutulan ng Davao City government ang anumang planong magtayo ng foreign military facilities sa loob ng nasasakupan nito kasunod ng mga ulat tungkol sa isang panukalang US-linked fuel storage facility sa Mindanao. Sa isang pahayag na inilabas nitong Martes, Abril 14, sinabi ng lokal na pamahalaan na “does not welcome and will oppose any plan to build...
Higit 100 tsuper, nganga pa rin sa cash aid
MANILA, Philippines - Muling nadismaya at umalma ang ilang jeepney driver sa Maynila matapos hindi na naman mapasama sa listahan ng mga benepisyaryo ng special payout ng cash assistance ng Department of Social Welfare and Development. Ayon sa mga tsuper, ikalawang pagkakataon na itong hindi lumabas ang kanilang mga pangalan kahit nauna na silang nagsumite ng mga hinihinging dokumento sa...
Task force Navotas Sanitary Landfill, binuo
NAVOTAS - Nagsagawa na ng pagpupulong ang binuong Task Force Navotas Sanitary Landfill upang matukoy ang wastong mga hakbang para tuluyang masugpo ang sunog sa naturang landfill na mahigit limang araw nang nagpapatuloy. Binubuo ang Task Force Navotas Sanitary Landfill ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources (DENR),...
Binatilyo nabagsakan ng ginigibang bahay, putol binti, kamay
MANILA, Philippines - Naputol ang kamay at binti ng isang binatilyo matapos maipit sa bumagsak na bahagi ng isang bahay na ginigiba sa Tondo, Maynila noong Lunes. Nagtulong-tulong ang ilang residente upang maalis ang biktima sa pagkakaipit sa guho at isinugod sa ospital, kung saan kasalukuyang ginagamot dahil sa matinding pinsalang tinamo. Ang biktima ay may kasamang isa pang binatilyo na...
National Security Adviser Eduardo Año, nagbitiw na sa puwesto
MANILA, Philippines - TINANGGAP ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagbibitiw sa puwesto ni National Security Adviser Eduardo Año. Si Año ay nagdesisyon na magretiro na mula sa public servce matapos ang dekada ng patuloy na pagseserbisyo sa gobyerno at sa militar. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na...
Kyline, may paayuda sa mga driver ng jeep!
Manila, Philippines – Sa gitna ng patuloy na oil price hike, may naisip na ambag ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara. Aniya, “I’m going to do something to help the jeepney drivers as my homage to my lolo who used to be one in Bicol.” Ang balak ni Kyline, pumunta sa isang fuel station somewhere in Quezon City or elsewhere. Pero...












