Peace talks sa pagitan ng US at Iran, posibleng umarangkada muli
WASHINGTON - Maaaring maipagpatuloy ng United States at Iran ang usapang pangkapayapaan sa Pakistan sa mga susunod na araw sa kabila ng ipinatupad ng Washington na blockade sa mga pantalan ng Iran, isang hakbang na lalong nagpaigting sa tensyon kahit may mga palatandaang muling bubukas ang negosasyon. Sinabi ni U.S. President Donald Trump na may maaaring mangyari “over the next...
Halos P50M puslit na yosi nasabat sa NegOcc
MANILA, Philippines - Nasa P49.3 milyon halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes ang narekober sa magkakahiwalay na police operations sa Bacolod at Himamaylan cities sa Negros Occidental, ayon sa ulat ng Police Regional Office-Negros Island Region. Sa Bacolod City, isinuko ng dalawang lalaki—isang van driver at kanyang helper—ang hinihinalang smuggled cigarettes matapos ipaalam sa mga pulis na nagbabantay sa checkpoint sa...
DA sinigurong matatag suplay ng bigas sa Pinas
MANILA, Philippines - Tiniyak ng Department of Agriculture nitong Martes na mananatiling matatag ang suplay ng bigas sa buong taon sa kabila ng epekto ng pandaigdigang oil price pressures, dahil sa malakas na lokal na ani at sapat na suplay sa pandaigdigang merkado. Sa isang pahayag, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na nananatiling ligtas ang suplay ng...
DepEd sa campus journos: Ugaliing mag-fact check sa gitna ng AI age
MANILA, Philippines - Hinimok ng Department of Education ang mga campus journalist na panindigan ang katotohanan at manguna sa fact-checking habang lalong binabago ng artificial intelligence ang media landscape, kasabay ng pagbibigay-diin sa papel ng mga student journalist sa paglaban sa misinformation at disinformation. Ginawa ang panawagan sa pagbubukas ng 2026 National Schools Press Conference sa Ormoc City noong Lunes,...
Mag-asawa himas-rehas sa P6.8M droga
MANILA, Philippines - Inaresto ng pulisya ang isang mag-asawa sa isinagawang buy-bust operation sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte noong Lunes ng hapon, kung saan nasamsam ang tinatayang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon. Kinilala ni Lt. Col. Esmael Madin, hepe ng Sultan Kudarat Municipal Police Office, ang mga suspek sa kanilang mga alias na “Gemma,” 28,...
Rider utas, angkas sugatan matapos masyut sa bangin
MANILA, Philippines - Patay ang isang motorcycle rider habang nasugatan ang kanyang kasama matapos mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Banaue, Ifugao noong Lunes ng gabi, ayon sa pulisya. Sinabi ni Capt. Leo Pablo ng Police Regional Mobile Force Battalion 15 na naganap ang aksidente dakong alas-9:45 ng gabi sa Sitio Awan Igid, Viewpoint. Kinilala lamang sa pangalang Justine...
P125M confi funds na ginastos 24 oras, pinabulaanan ng kampo ni VP Sara
MANILA, Philippines - Mariing itinanggi ng kampo ni Vice President Sara Duterte nitong Miyerkules ang alegasyong inilabas ang P125 milyon na confidential funds sa loob lamang ng 24 oras sa utos umano ng Bise Presidente, at iginiit na walang basehan ang paratang habang kinukuwestiyon ang kredibilidad ni witness Ramil Madriaga. Sa isang panayam, sinabi ni legal counsel Atty. Salvador Paolo...
2 insidente ng pamamaril sa iskul sa Pinas, ikinokonekta sa Roblox
MANILA, Philippines - Hindi bababa sa dalawang naiulat na insidente ng school shooting sa bansa ang iniuugnay ng mga awtoridad sa impluwensiyang nagmula umano sa online gaming platform na Roblox, dahilan upang ikonsidera ng mga senador ang paglalagay dito sa tatlong buwang probation period. Sa pagdinig sa Senado, sinabi ng Philippine National Police na isang Grade 10 student sa Marikina...
P73M confi funds ipinababalik ng COA sa OVP
MANILA, Philippines - Obligado si Vice President Sara Duterte at iba pang opisyal ng Office of the Vice President na isauli ang mahigit P73 milyon na confidential funds matapos ibasura ng Commission on Audit ang kanilang petition for review kaugnay ng notice of disallowance, ayon sa isang opisyal ng COA na humarap sa House justice committee nitong Martes. Sa pagdinig...
Mas akmang polisiya para sa TNVS, mototaxi, giit ng ex-LTFRB chief sa gitna ng oil crisis
Nananawagan si dating Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Winston Ginez ng mas angkop na polisiya para sa transport network vehicle service (TNVS) at motorcycle taxi sectors, lalo na sa gitna ng tumataas na presyo ng langis. Ayon kay Ginez, may maling pagkakaintindi sa sistema ng regulasyon na maaaring magdulot ng hindi magandang epekto sa mga lehitimong tsuper...












