Mas akmang polisiya para sa TNVS, mototaxi, giit ng ex-LTFRB chief sa gitna ng oil crisis
Nananawagan si dating Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Winston Ginez ng mas angkop na polisiya para sa transport network vehicle service (TNVS) at motorcycle taxi sectors, lalo na sa gitna ng tumataas na presyo ng langis. Ayon kay Ginez, may maling pagkakaintindi sa sistema ng regulasyon na maaaring magdulot ng hindi magandang epekto sa mga lehitimong tsuper...
3-day transport strike, umarangkada na; ‘di pagsuspinde ng excise tax sa diesel, gas inireklamo
MANILA, Philipines - Umarangkada na nitong Miyerkules ang tatlong araw na transport strike ng mga public utility vehicle driver at operator upang igiit ang mas malawak na ayuda mula sa pamahalaan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, sa pangunguna ng MANIBELA at sinabayan din ng PISTON. Maagang nagsagawa ng protest action ang mga miyembro ng MANIBELA...
Hulog sa GSIS, SSS pinasasagot muna sa gobyerno sa epekto ng krisis sa langis – Gatchalian
MANILA, Philippines - Maaaring pansamantalang akuin ng pamahalaan ang premium contributions sa Government Service Insurance System at Social Security System upang maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis at inflation sa mga manggagawa, ayon kay Senator Sherwin Gatchalian nitong Martes. Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Gatchalian na layunin ng panukala na madagdagan ang maiuuwi ng mga...
“Weakest link”: Mga pahayag ni Madriaga, sinalag ng kampo ni VP Sara
MANILA, Philippines - Tinawag ng legal counsel ng kampo ni Vice President Sara Duterte na si Salvador Paolo Panelo Jr. ang sinasabing bagman na si Ramil Madriaga na “weakest link” at iginiit na hindi nito napabulaanan ang ebidensiyang hawak ng depensa. Sa isang pahayag, sinabi ni Panelo na hindi sinagot ng pinakahuling isinumiteng salaysay ni Madriaga ang umano’y “clear and...
326 PNPA grads, nanumpa na bilang mga bagong parak
MANILA, Philippines - Hinimok ni Philippine National Police chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. nitong Martes ang 326 bagong nagtapos sa Philippine National Police Academy na tumulong sa pagbabagong-anyo ng hanay ng pulisya bilang “true protectors” ng bansa, kasabay ng pangakong paiigtingin ang mga reporma laban sa hazing sa loob ng akademya. Sa isinagawang oath-taking ceremony sa Camp Crame, pinangunahan...
Sunod-sunod na oil price rollback, ‘di sigurado – DOE
MANILA, Philippines - Sinabi ng Department of Energy na walang katiyakan na masusundan agad ng panibagong rollback ang malalaking bawas-presyo sa produktong petrolyo na ipinatupad ngayong linggo. Sa Palace press briefing, sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na ang pinakahuling rollback ay bunsod ng pansamantalang pagbaba ng world oil prices matapos ang anunsyo ng ceasefire ng United States at Iran....
17K sundalo mula sa 7 bansa, lalahok sa 2026 “Balikatan” exercises
MANILA, Philippines - Mahigit 17,000 sundalo mula sa pitong bansa ang lalahok sa 2026 “Balikatan” exercises na gaganapin mula Abril 20 hanggang Mayo 9, sa itinuturing na isa sa pinakamalaki at pinaka-komplikadong edisyon ng taunang war games. Kabilang sa mga kalahok na bansa ang Pilipinas, United States, Australia, Japan, Canada, France, at New Zealand. Sinabi ni Philippine “Balikatan” spokesperson Marine...
Pagbabayad ng delivery at pass-through fees sa NCR, sinuspinde
MANILA, Philippines - Sinuspinde ng pamahalaan ang pangongolekta ng delivery at pass-through fees na may kinalaman sa pagbiyahe ng mga kalakal sa Metro Manila bilang bahagi ng hakbang upang mapanatiling matatag ang presyo ng mga bilihin sa gitna ng umiiral na pressure sa suplay at transportasyon. Inanunsyo ang hakbang nitong Martes ni Metropolitan Manila Development Authority Chair Don Artes. Saklaw ng...
Ex-konsi tinadtad ng bala, tigok
NEGROS OCCIDENTAL - Patay ang isang dating konsehal ng Isabela, Negros Occidental matapos pagbabarilin sa bayan ng Binalbagan nitong Martes, habang sinisilip ng pulisya na posibleng may kinalaman sa isyu ng land grabbing ang pamamaslang. Kinilala ang biktima na si Rodulfo Fajardo, 72 anyos. Ayon kay Police Regional Office in Negros Island Region spokesperson Lt. Col. Joem Malong, ilang beses binaril...
Balik-face mask? Kalidad ng hangin sa Metro Manila, ibinabala ng OCD
MANILA, Philippines - Hinimok ng Office of Civil Defense ang mga residente ng Metro Manila na magsuot ng face mask kapag lalabas ng bahay habang patuloy ang paglala ng air quality sa kalakhang Maynila. Sa advisory na ibinahagi rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, partikular na pinayuhan ang mga vulnerable group gaya ng mga may respiratory condition,...












