115 pamilya sa Obando apektado ng usok sa nasunog na Navotas Sanitary Landfill, inilikas
BULACAN, Philippines - Umabot na sa 115 pamilya na apektado ng nakakasulasok na usok mula sa nasusunog na Navotas Sanitary Landfill ang dinala sa evacuation center ng pamahalang bayan ng Obando. Sa ulat, ang 115 pamilyang apekrado ng usok ay pawang residente ng isla na sakop ng Brgy. Salambao at Brgy. Binuangan, Obando. Ayon sa ulat, ang mga pamilyang ito ay...
Higit sa ayuda, paglikha ng direktang suporta sa Pinoy tuwing may krisis, hirit sa Senado
MANILA, Philippines - Hinimok ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” M. Lacson ang pamahalaan nitong Martes na lampasan ang tradisyunal na “ayuda” at pag-aralan ang mas tiyak at nakatutok na hakbang upang matulungan ang mga Pilipinong apektado tuwing may krisis sa langis na sanhi ng tensyon sa Gitnang Silangan — kabilang ang posibleng fuel subsidy. Ayon kay Lacson, maaaring...
Higit 17,000 sundalo, lalahok sa Balikatan 2026
MANILA, Philippines - Aabot sa mahigit 17,000 sundalo mula sa pitong bansa ang lalahok sa “Balikatan” exercises na gaganapin mula Abril 20 hanggang Mayo 8. Ayon kay Philippine spokesperson Marine Col. Dennis Fernandez, ang mga kalahok ay mula sa Pilipinas, Estados Unidos, Australia, Japan, Canada, France, at New Zealand. Isasagawa ang mga pagsasanay sa lupa, dagat, himpapawid, at cyberspace. Sa kauna-unahang...
Lalaking may 7 bilang ng Statutory Rape, nadakip sa Valenzuela
MANILA, Philippines - Swak sa hoyo ang isang construction worker na akusado sa pitong bilang ng Qualified Statutory Rape nang matimbog ng pulisya sa manhunt operation sa Valenzuela City. Sa ulat, noong April 7, 2026 nang mag-isyu ang Family Court, Branch 16, Valenzuela City ng arrest warrant laban sa 35-anyos na akusado para sa kasong Statutory Rape (7 counts). Dahil dito,...
Mga sesyon ng sanggunian dapat sa loob ng nasasakupan – DILG
MANILA, Philippines - Nagpaalala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng local government units (LGUs) na dapat isagawa ang mga sesyon ng sanggunian sa loob ng kanilang nasasakupan, dahil maaaring kuwestiyunin sa korte ang mga sesyong ginanap sa labas nito. Ayon sa DILG, ang pagsasagawa ng sesyon sa labas ng hurisdiksyon ay maaaring maglimita sa...
DAR, NCIP nagtulungan sa pagsuporta sa mga magsasaka, pamayanang katutubo sa VISTA Project
MANILA, Philippines - Upang suportahan ang mga magsasaka at pamayanang katutubo nagsanib-puwersa ang Department of Agrarian Reform (DAR) at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) upang ipatupad ang Value Chain Innovation for Sustainable Transformation in Agrarian Reform Communities (VISTA) Project. Pinagtibay ang kanilang pagtutulungan sa pamamagitan ng paglagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) na ginanap sa Emancipation Lounge, DAR Main...
Dayalogo sa pagitan nina Marcos, Duterte ipinanawagan ng CBCP
MANILA, Philippines - Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng dayalogo at pagkakasundo sa gitna ng umiigting na alitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Public Affairs Chairman Archbishop Ricardo Bacay, patuloy nilang isinusulong ang kapayapaan. “The Church as a whole promotes the dialogue towards achieving our goals....
Pantay na distribusyon ng tulong sa mga apektado ng sigalot sa MidEast, iniutos ni PBBM
MANILA, Philippines - Iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Martes sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan na tiyakin ang pantay na distribusyon ng tulong para sa lahat ng naapektuhan ng sigalot sa Middle East. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang ikatlong pagpupulong ng Unified Package...
Publiko pinagiingat sa tigdas, food at water borne diseases ngayong tag init – QC LGU
MANILA, Philippines - Pinayuhan ng Quezon City Health Department ang publiko laluna ang mga QCitizens na mag-ingat sa sakit na tigdas at iba pang sakit sa balat ngayong tag init gayundin sa mga kinakain at iniinom na tubig. Sinabi ni Dra Patricia Bonifacio ng QC health Department, kapag tag init ang sakit na tigdas ay mabilis kumalat dahil sa mabilis...
4 sangkot sa droga, kulong sa Valenzuela
MANILA, Philippines - Kulungan ang kinasadlakan ng apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos maaresto sa magkakahiwalay na operation ng pulisya sa Valenzuela City. Sa tinanggap na ulat ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, alas-11:45 ng gabi nang maaresto at makuhanan ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ng mga tauhan ng Police Sub-Station 8, si alyas...












