Kampo ni VP Sara naghain ng ika-3 petisyon sa SC vs impeachment

0

MANILA, Philippines - Naghain noong Biyernes ang mga tagasuporta ni Vice President Sara Duterte ng ikatlong petisyon sa Supreme Court of the Philippines na kumukuwestiyon sa nagpapatuloy na impeachment proceedings sa House of Representatives. Ayon sa 14 na petitioner, kabilang ang dating Commission on Higher Education (CHED) Commissioner Ronald Adamat, nais nilang kuwestiyunin ang tinawag nilang “constitutionally defective” na proseso...

Higit 1,400 Pinoy humiling ng repatriation sa MidEast – DFA

0

MANILA, Philippines - Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Biyernes, Abril 10, na patuloy ang pagdami ng mga Pilipinong humihiling ng repatriation dahil sa umiigting na tensyon sa Middle East. Ayon sa datos ng DFA, umabot na sa 1,451 ang kabuuang repatriation requests mula sa overseas Filipinos (OFs). Sa bilang na ito, 945 ang naiuwi na o natulungan...

3-term school calendar sa SY 2026–2027, pinaghahandaan ng DepEd

0

MANILA, Philippines - Naghahanda ang mga paaralan sa buong bansa para sa paglipat sa three-term school calendar sa School Year 2026–2027, habang nagsasagawa na ang Department of Education (DepEd) ng serye ng orientation para sa mga guro at school leaders. Layunin ng rollout na matulungan ang pagpapatupad ng mga reporma sa learning system at maagang maihanda ang mga paaralan para...

Indian nat’l arestado sa panunuhol sa proseso ng kaniyang NBI clearance

0

ILOCOS NORTE, Philippines - Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) – Ilocos Regional Office ang isang dayuhang Indian national sa entrapment operation noong Abril 6 matapos umanong tangkain suhulan ang isang opisyal para mapabilis ang pagproseso ng kanyang NBI clearance. Ayon sa mga awtoridad, nag-apply ang suspek ng NBI clearance noong Marso 17. Ngunit nagkaroon ito ng “with hit”...

Malaking tapyas sa presyo ng diesel, posibleng umabot ng P10.80/L

0

MANILA, Philippines - Posibleng bumaba ang presyo ng diesel ng hanggang ₱10.80 kada litro sa susunod na linggo dahil sa inaasahang resulta ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran. Ayon sa isang source sa industriya noong Biyernes, ang rollback sa diesel ay maaaring umabot mula ₱8.80 hanggang ₱10.80 kada litro, mas malaki kaysa sa naunang tantiya. Ang gasolina...

342 OFWs mula Abu Dhabi, naka-uwi na sa Pinas – DMW

0

MANILA, Philippines - Tinanggap ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagbabalik ng 342 Pilipino mula Abu Dhabi, United Arab Emirates, matapos dumating ang ikawalong chartered flight ng pamahalaan sa Villamor Air Base sa Pasay City noong Biyernes ng hapon. Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, 203 sa mga ito ay overseas Filipino workers (OFWs) habang ang iba...

Comprehensive plan ipinanawagan ng mga advodate para sa mga Pinoy na may autism

0

MANILA, Philippines - Nanawagan ang mga advocate noong Biyernes, Abril 10, na dapat gumawa ang pamahalaan ng komprehensibong plano para tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino na may autism spectrum disorder (ASD). Ayon sa Autism Society Philippines (ASP), isa sa bawat 100 Pilipino ay may autism. Ibinahagi ng grupo na may mga kakulangan pa sa serbisyo at maraming panukalang batas—hindi bababa...

Food security measures, pinalalakas ng DA dahil sa mahal na langis, banta ng El Niño

0

MANILA, Philippines - Sinabi ng Department of Agriculture (DA) noong Biyernes na pinalalakas nito ang mga hakbang para matiyak ang seguridad sa pagkain sa bansa sa gitna ng pagtaas ng presyo ng fuel dahil sa krisis sa Middle East at banta ng El Niño. Ayon kay DA Undersecretary Asis Perez sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing, naghahanda ang ahensya para sa...

2 utas sa pagbangga ng ambulansya sa NegOcc

0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines - Dalawa ang nasawi, kabilang ang isang 70-anyos na babaeng pasyente, matapos maaksidente ang sinasakyan nilang ambulansya habang tinatahak ang daan patungo sa ospital sa Pontevedra, Negros Occidental. Batay sa ulat, naganap ang insidente sa Barangay Recreo noong Miyerkules habang dumaraan ang ambulansya sa naturang lugar. Ayon sa imbestigasyon, umiwas umano ito sa isang sasakyan sa kalsada...

DepEd: “All systems go” sa NSPC 2026

0

MANILA, Philippines - Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara noong Biyernes na “all systems go” na para sa 2026 National Schools Press Conference (NSPC). Ang limang araw na national event na may temang “Mapanuri, Mapanindigan, at Mapanagutang Pamamahayag” ay gaganapin sa Ormoc City, Leyte mula Abril 13 hanggang 17. Ayon kay Angara, mahalaga ang NSPC sa paghuhubog ng mga kabataang mamamahayag...