Affidavit ni Chavit, inihahanda na sa Senate flood control probe
MANILA, Philippines – Iginiit ni dating Ilocos Sur governor Chavit Singson na handa siyang isumite ang kanyang sworn affidavit para sa nakatakdang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng flood control projects, at itinangging siya ang dahilan ng pagkaantala nito. Ayon kay Singson, ikinagulat niya ang pagpapaliban sa pagdinig na orihinal na itinakda sa Abril 14. Isa sa mga...
Senate probe vs ‘di susunod na gasolinahan sa oil price rollback, ibinabala
MANILA, Philippines – Nagbabala si Senator Sherwin Gatchalian na posibleng magkaroon ng imbestigasyon sa Senado kung hindi maipapakita sa lokal na presyo ng gasolina at iba pang produktong petrolyo ang kamakailang pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. Sinabi ni Gatchalian, chair ng Senate Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy (PROTECT) Committee, na mahigpit na...
Singil sa kuryente sa Abril, tataas!
MANILA, Philippines — Tataas ang singil sa kuryente ng mga customer ng Manila Electric Co. (Meralco) ngayong Abril matapos ianunsyo ng power distributor ang dagdag na P0.53 kada kilowatt-hour (kWh) sa kanilang rates. Ayon sa Meralco, ang pagtaas ng singil ay bunsod ng mas mataas na generation charge, na pangunahing naapektuhan ng patuloy na paghina ng piso laban sa US...
Labi ng piloto at asawa sa bumulusok na Cessna plane sa Dinagat, narekober na
MANILA, Philippines — Narekober na nitong Biyernes ng umaga ang mga labi ni Pilot Jose Ortoll at ng kanyang asawa, dalawang araw matapos bumagsak ang kanilang Cessna plane sa Dinagat Islands, ayon sa mga awtoridad. Nawawala noong Miyerkules ang Cessna 172 na may registry RPC2444 habang patungo sa Siargao Island. Ayon sa mga awtoridad, ang eroplano, na pinaniniwalaang nagmula sa...
Sana oil! Japan siniguro sa mamamayan sapat na langis ‘gang 2027
TOKYO – Tiniyak ni Prime Minister Sanae Takaichi na nakapag-secure na ang Japan ng sapat na suplay ng langis upang matugunan ang pangangailangan ng bansa hanggang unang bahagi ng 2027. Sa pakikipag-usap sa mga mamamahayag sa prime minister’s office, sinabi ni Takaichi na bunga ito ng hakbang ng pamahalaan na dagdagan ang pag-aangkat ng langis mula sa United States at...
‘Di awtorisadong taas-presyo ng bilihin, babantayan ng PNP
MANILA, Philippines – Paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang pagmomonitor sa mga pangunahing bilihin at iba pang produkto sa mga pamilihan at grocery matapos tiyakin ng mga manufacturer na mananatiling walang dagdag-presyo ang kanilang mga produkto hanggang Abril 30. Ayon sa PNP, alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Interior Secretary Jonvic Remulla na mapanatili ang...
Bagong Tourism Chief, itinalaga ni PBBM
MANILA, Philippines - Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si trade diplomat Dita Angara-Mathay bilang bagong kalihim ng Department of Tourism, ayon sa inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Biyernes. Inilarawan ng PCO si Angara-Mathay bilang “a seasoned public servant with decades of experience in trade, investment, and international economic engagement.” Ayon sa PCO, ipinapakita ng kanyang appointment ang...
Nagsusugal sa lamay, hinuli sa ‘Safer Manila’ ops
MANILA, Philippines - Huli sa akto ang ilang kalalakihan habang umano’y nagsusugal sa isang lamay sa Sampaloc, Maynila, sa operasyon ng pulisya na nagresulta rin sa pagkakaaresto ng mahigit 50 violators sa paligid ng University Belt. Ayon sa mga awtoridad, ilan sa mga nahuli sa lamay ay kamag-anak pa mismo ng namatay, ngunit inaresto pa rin sila. Giit naman ng...
Mga magsasaka sa Laoag at Benguet, lugmok sa taas-krudo at bagsak-presyo ng ani
MANILA, Philippines - Nahaharap ngayon sa matinding pagkalugi ang mga magsasaka sa Laoag City at Benguet dahil sa tumataas na presyo ng krudo, mababang buying price, at problema sa transportasyon, dahilan para mabulok na lamang ang kanilang mga ani sa bukid at bodega. Sa Laoag City, napilitang itapon ng mga magsasaka ang hanggang 10 toneladang nabubulok na mangga dahil hindi...
Nanita ng maingay: Kelot tigok sa bugbog
MANILA, Philippines - Patay na nang matagpuan ang isang 29-anyos na lalaki sa Leganes, Iloilo matapos umano siyang gulpihin ng tatlong suspek na pinagsabihan niyang huwag maingay dahil matutulog na siya. Base sa CCTV camera ang komosyon sa entrada ng plaza sa Leganes dakong alas-3 ng hapon noong Abril 8. Pagsapit ng alas-5:30 ng hapon, natagpuan na ang bangkay ng...












