Pagdonate ng Villar group ng lupa para sa LRT-1 Cavite Extension, kasado na
MANILA, Philippines - Ayon sa Department of Transportation (DOTr) na pinal na ang kasunduan sa Villar Group of Companies para sa donasyon ng mga lupa na kailangan sa LRT-1 Cavite Extension project sa bahagi ng Las Piñas. Nagkasundo ang DOTr at Villar Group sa tatlong pangunahing kondisyon: unconditional permit to enter, waiver of subrogation laban sa gobyerno, at pagkansela ng...
10 ‘maleta boys,’ arestado sa kasong perjury
MANILA, Philippines - Inaresto ng pulisya ang 10 sa 18 umano’y bagmen ni dating kongresista Zaldy Co, na tinatawag na “maleta boys,” matapos silang mabigong makapagpiyansa sa apat na kasong perjury noong Biyernes. Bawat isa sa kanila ay may inirekomendang piyansang ₱18,000 bawat kaso, ayon sa warrant na inilabas ni Judge Kathryn Sabado ng Las Piñas City Regional Trial Court....
Aviation training, magkakaroon na sa BulSU
BULACAN, Philippines - Nilagdaan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Bulacan State University (BulSU) ang isang kasunduan upang palakasin ang teknikal na kaalaman at pagsasanay sa larangan ng aviation. Isinagawa ang paglagda sa Civil Aviation Training Center (CATC), ang pangunahing sentro ng pagsasanay ng CAAP para sa mga kursong pang-aviation na naglalayong tiyakin ang kaligtasan at kahusayan...
SUV driver, inaresto matapos suntukin traffic enforcer sa Iloilo
ILOILO, Philippines - Inaresto ang isang SUV driver matapos umanong suntukin ang isang traffic enforcer sa Iloilo City dahil sa pagtatalo tungkol sa illegal parking noong Agosto 5, 2026. Makikita sa dashcam video ang suntukan ng driver at ng 61-anyos na traffic enforcer na si Chris sa Quezon Street, Barangay Ed Ganzon, bandang 10:00 a.m. Napigilan lamang ang away nang...
Walang nanalo sa Ultra Lotto, Mega Lotto; jackpot umabot sa P188.65M
MANILA, Philippines - Walang nakakuha ng jackpot sa Ultra Lotto 6/58 at Mega Lotto 6/45 na binola noong Biyernes, Agosto 7, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Sa Ultra Lotto 6/58, ang lumabas na kombinasyon ay 43-51-14-09-11-12, at umabot na sa ₱188.65 milyon ang jackpot prize. Sa Mega Lotto 6/45, ang lumabas na kombinasyon ay 12-06-21-32-25-03, habang nananatili sa ₱15...
Desisyon sa extradition ni Quiboloy, nais mapabilis ng US
MANILA, Philippines - Sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na “very eager” ang Estados Unidos na maresolba agad ng Pilipinas ang kahilingan nitong ipa-extradite si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy. Ayon kay Romualdez, naipasa na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pormal na kahilingan sa Department of Justice (DOJ), kaya nasa kamay...
Target koleksyon ng BIR mula Enero gang Hulyo, mas mataas ng 5.16%
MANILA, Philippines - Nakakolekta ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng ₱1.998 trilyon mula Enero hanggang Hulyo, mas mataas ng ₱100 bilyon o 5.16% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon at ₱9 bilyon na lampas sa target. Ayon kay BIR Commissioner Charlito Mendoza, nasa tamang landas ang ahensya upang maabot ang buong taong target na ₱3.393 trilyon. Kasabay nito, isinusulong...
Opisyal ng BFP arestado sa P150K extortion sa aplikante
MANILA, Philippines - Inaresto ang isang opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa isang entrapment operation na isinagawa ng BFP Regional Office 1 at Philippine National Police (PNP) sa Dagupan City, Pangasinan noong Agosto 5 dahil sa umano’y paghingi ng ₱150,000 sa isang aplikante. Isinagawa ang operasyon matapos magsampa ng reklamo ang 25-anyos na aplikante laban sa suspek na...
Medical Leave: Pagbiyahe sa ibang bansa, huwag iugnay sa imbestigasyon – Legarda
MANILA, Philippines - Hiniling ni Sen. Loren Legarda sa publiko na huwag magbigay ng hindi makatwirang konklusyon tungkol sa kanyang medical leave at pagbiyahe sa ibang bansa. Kinumpirma ni Legarda na naghain siya ng pormal na medical leave sa Senado mula Agosto 3 hanggang 5, 2026, alinsunod sa mga patakaran ng Senado. Ayon sa kanya, hindi dapat iugnay ang kanyang paglalakbay...
Istilo ng Duterte supporters, ipinakita sa pag-urong ng 4 “maleta boys” – Palasyo
MANILA, Philippines - Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na ang pag-urong o recantation ng apat sa 18 “maleta boys” ay nagpapakita umano ng “style” ng mga Duterte supporters sa pagpapakalat ng walang basehang paratang laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang apat na “maleta boys” ay pumirma ng affidavits of recantation kung saan sinabi nilang hindi totoo ang...












