DOH Code White sa Semana Santa

0

MANILA, Philippines - Ilagagay ng Department of Health (DOH) sa Code White Alert ang mga mga ospital bilang paghahanda para sa Semana Santa Magsisimula ang Code White sa Marso 30 at magtatapos sa Abril 6, isang araw pagkatapos ng Pasko ng Pagkabuhay, ayon sa pahayag ng DOH nitong Biyernes. Sa ilalim ng Code White, naka-standby palagi ang mga health emergency team,...

1 utas, 1 sugatan sa pamamaril ng security guard sa Cebu

0

CEBU, Philippines - Isang security guard ang inaresto matapos umanong barilin ang dalawang lalaki sa Barangay Calamba, Cebu City noong Biyernes, Marso 27, na ikinamatay ng isa at ikinasugat ng isa pa. Ayon sa pulisya, posibleng personal na alitan ang motibo sa insidente, matapos umanong sabihin ng suspek na matagal na siyang binu-bully ng mga biktima. Gayunman, patuloy pa ring...

Iran, nagbabala: Hotels na may US troops sa MidEast, posibleng target

0

TEHRAN, Iran - Nagbabala ang militar ng Iran na maaaring gawing target ang mga hotel na kinaroroonan ng mga sundalong Amerikano sa iba’t ibang bahagi ng Middle East sa gitna ng nagpapatuloy na digmaan ng Iran laban sa Estados Unidos at Israel. Ayon kay Abolfazl Shekarchi, tagapagsalita ng armed forces ng Iran, kapag nasa isang hotel ang mga sundalong Amerikano,...

P25M pekeng luxury bags, nasamsam sa Maynila; 6 arestado

0

MANILA, Philippines - Kinumpiska ng Philippine National Police (PNP) ang tinatayang ₱25 milyong halaga ng mga pekeng bag sa isang operasyon sa Maynila, na nagresulta sa pagkakaaresto ng anim na indibidwal. Ayon sa PNP, isinagawa ang operasyon sa isang condominium sa Barangay 292, Binondo noong Huwebes ng gabi. “Ang arrest ay kasunod ng verification sa pamamagitan ng social media intelligence at...

Lahat ng TNVS drivers, dapat makatanggap ng cash aid – DSWD

0

MANILA, Philippines - Muling iginiit ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na dapat maisama ang lahat ng kwalipikadong TNVS drivers at delivery riders sa cash relief assistance ng pamahalaan, kasabay ng pagkuwestiyon sa kakulangan at problema sa isinumiteng listahan ng ilang transport network companies (TNCs). Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, may mga isyu sa listahan na isinumite...

Bayan, Piston: Emergency powers ni Marcos, ‘walang silbi’ sa oil price hike

0

MANILA, Philippines - Binatikos ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at transport group Piston ang emergency powers na ibinigay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng idineklarang national energy emergency, dahil umano hindi nito nararamdaman ang tulong ng mga drayber at operator sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. Ayon kina Bayan secretary general Mong Palatino at Piston...

Basura sa Manila Bay, bumaba; plastik, pangunahing polusyon pa rin — pag-aaral

0

MANILA, Philippines - Ipinakita ng tatlong taong survey (2023–2025) na bumaba ang marine litter o basurang dagat sa baybayin ng Manila Bay, ngunit nananatiling dominado ito ng plastik. Ayon sa ulat ng EcoWaste Coalition of the Philippines na inilabas nitong Biyernes, nabawasan ang dami at bigat ng basura kada metro sa baybayin ng Manila Bay sa loob ng tatlong taon. Gayunman,...

Dose-dosenang pating, nakita sa mababaw na dagat sa Cebu

0

CEBU, Philippines - Viral online ang video ng isang freediving guide sa Cebu matapos makuhanan ang paglangoy ng dose-dosenang pating sa mababaw na bahagi ng dagat sa Samboan. Ayon sa Samboan tourism officials, normal lang ang presensya ng mga pating sa lugar, lalo na sa Colase Marine Sanctuary, kung saan madalas silang makita. Dagdag pa nila, panahon talaga ngayon ng paglabas...

Ayuda ipinamahagi sa 694 MC taxi drivers sa Malabon

0

 PERSONAL na binisita ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval kasama si DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang Hulong-Duhat Oval, sa Malabon para sa pamamahagi ng Cash Relief Assistance sa 694 motorcycle taxi (MC Taxi) drivers, na kabilang sa mga apektado ng patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo dahil sa kaguluhan sa Middle East. JOJO RABULAN

Vice, ‘di bet mag-ampon ng baby!

0

Manila, Philippines - Sumalang sa truth or lie challenge si Vice Ganda nang maging panauhin siya sa vlog ni Kris Bernal. Sinadya pa kasi ng aktres si Meme sa noontime show nito para makapanayam. Ani Vice, wala raw sa plano nila ng partner na si Ion Perez ang mag-ampon ng baby. Sa tanong naman kung ano ang mas importante sa kanya kung...