Maymay, LPA na lang

0

MANILA, Philippines - Humina na bilang low pressure area ang bagyong Maymay nitong Biyernes, dahilan upang ibaba ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang lahat ng tropical cyclone wind signal sa bansa. Gayunman, sinabi ng PAGASA na makararanas pa rin ng malalakas hanggang gale-force na bugso ng hangin ang malaking bahagi ng bansa dahil sa southwest monsoon...

Senator-judges ‘di dapat nakikipagdebate sa witnesses – Malakanyang

0

MANILA, Philippines - PARA sa Malakanyang, hindi dapat nakikipag-debate ang ilang senator-judges sa mga testigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na dapat ay 'clarificatory questions' lamang ang ibinabato ng mga ito sa mga testigo. "Hindi po sila dapat nakikipag-debate ng witness. Ang mandato nila ay...

2-anyos na ‘di matigil sa pag-iyak, utas sa gulpi ng amain sa Biliran

0

MANILA, Philippines - Patay ang isang dalawang taong gulang na batang lalaki matapos umanong suntukin at itulak ng kaniyang amain sa Barangay Catmon, Naval, Biliran noong Agosto 1, ayon sa pulisya. Natagpuang walang malay ang bata malapit sa kanilang bahay at isinugod sa Biliran Provincial Hospital, ngunit idineklarang dead on arrival. Nagtamo siya ng mga pinsala sa katawan at matinding...

5 Dawlah Islamiyah tigok sa operasyon sa Cotabato

0

MANILA, Philippines - Limang hinihinalang miyembro ng Dawlah Islamiyah-Hassan Group, kabilang ang ilang matataas na most wanted person, ang napatay habang nagsisilbi ng mga warrant of arrest ang mga awtoridad sa Pikit, Cotabato, nitong Huwebes, Agosto 6. Kinilala ni Col. Michael John Mangahis, director ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office, ang mga nasawi na sina Marhum Esmael, alyas “Marhom”;...

DPWH district engineer sa CamSur, sinibak sa road safety lapses

0

MANILA, Philippines - Inalis ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon sa puwesto si DPWH-Camarines Sur 1st District Engineer Ramon Anselmo Calagos matapos ang aksidente sa isang ginagawang kalsada na ikinasugat ng tatlong katao. Sa memorandum na inilabas noong Agosto 5, binanggit ni Dizon ang iniulat na kakulangan ng sapat na warning signs at traffic safety devices...

DOTr: Taas-pasahe sa PUV, suspendido pa rin

0

MANILA, Philippines - Nananatiling suspendido ang mga dagdag-pasahe na inaprubahan noong Marso, ayon kay Transportation Secretary Giovanni “Banoy” Lopez. “‘Yung fare hike nung March 2026 that was suspended, nung panahon na ‘yon nagsimula ang mga problema natin dahil sa Middle East, tumaas ang presyo ng langis. We suspended the implementation of that fare hike at mananatili pong suspended ‘yan ngayon,”...

Comelec, target 75% voter turnout sa kauna-unahang BARMM poll

0

MANILA, Philippines - Target ng Commission on Elections na makapagtala ng hindi bababa sa 70 hanggang 75 porsiyentong voter turnout sa kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections sa Setyembre 14. Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na umaasa ang poll body na lalahok ang malaking bahagi ng 2,393,202 rehistradong botante sa rehiyon sa makasaysayang halalan. “We hope...

6 patay kay Maymay – PNP

0

MANILA, Philippines - Anim na katao ang nasawi sa mga pagguho ng lupa at pagkalunod dulot ng pinagsamang epekto ng Tropical Storm “Maymay” at pinaigting na southwest monsoon o habagat, ayon sa Philippine National Police nitong Huwebes. Sinabi ni PNP spokesperson Col. Allen Rae Co na nasawi ang isang 20-anyos na lalaki at 22-anyos na babae sa insidente ng rockfall...

VP Sara: Walang masama sa pagdalaw kina Estrada, Marcoleta sa kulungan

0

MANILA, Philippines - Ipinagtanggol ni Vice President Sara Duterte ang pagdalaw niya kina Senators Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta at dating House lawmaker Mike Defensor sa Quezon City Jail sa Payatas, at sinabing walang masama sa pagbisita sa mga persons deprived of liberty. Sa panayam sa Davao City, sinabi ni Duterte na itinuturing niyang mga kaibigan ang tatlong mambabatas at...

Mataas na singil sa kuryente sa Pinas, sinita ng World Bank

0

MANILA, Philippines - Nananatiling kabilang sa pinakamataas sa Southeast Asia ang presyo ng kuryente sa Pilipinas, na nagpapabigat sa gastusin ng mga pamilya at nagpapahina sa kakayahan ng mga lokal na negosyo na makipagkumpitensya, ayon sa pinakabagong Philippine Economic Update ng World Bank. Sinabi ng Washington-based multilateral lender na umaabot sa average na $0.21 kada kilowatt-hour ang residential electricity rate...