Bata, nilamon ng ilog sa Bulacan
Bulacan — Patay na nang marekober ng mga awtoridad ang batang iniulat na nawala matapos malunod sa ilog malapit sa ilalim ng tulay sa Hagonoy nitong Biyernes ng hapon, Marso 20. Sa ulat at sa Facebook post na nag-viral tungkol dito, kinilala ang bata sa alyas na “Alfredo,” 13, residente ng Brgy. San Pedro. Ayon sa ulat at base sa lumabas...
Ginang timbog sa P1.6M iligal na yosi
Bataan — Dinakip ng pulisya ang isang 58-anyos na ginang matapos makumpiskahan ng umano’y mga ilegal na sigarilyo (untaxed) na nagkakahalaga ng P1.6 milyon sa ikinasang buy-bust operation sa Sitio Araro, Barangay San Vicente, Orion. Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez. Naaresto ang suspek matapos umanong maaktuhang nagbenta ng limang (5) master cases ng...
64 nasawi, 89 sugatan sa pag-atake sa Sudan healthcare facility –WHO
MANILA, Philippines - Umabot sa 64 katao ang nasawi at 89 ang sugatan matapos tamaan ng pag-atake ang isang pasilidad pangkalusugan sa Sudan, ayon sa World Health Organization (WHO). Nauna nang nagpahayag ng pagkabigla ang United Nations humanitarian office sa insidente sa East Darfur, na iniulat na kumitil ng buhay ng maraming sibilyan kabilang ang mga bata. Ayon sa grupong...
P102M tobats nasabat sa Malaysian nat’l sa NAIA
MANILA, Philippines - Inaresto ng pulisya ang isang Malaysian na babae sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos makumpiskahan ng mahigit 15 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng higit P102 milyon. Nadiskubre ang ilegal na droga bandang alas-12:47 ng madaling araw sa Arrival Lobby Custom X-ray area ng NAIA Terminal 1, kung saan narekober ang 15,024 gramo ng hinihinalang...
Suplay ng pagkain sapat, pero sirit-presyo nakaumang sa mahal ng langis – DA chief
MANILA, Philippines - Maaaring bahagyang tumaas ang presyo ng pagkain sa bansa sa kabila ng sapat na suplay, dulot ng pagtaas ng gastos sa transportasyon at freight na kaugnay ng krisis sa Middle East, ayon sa Department of Agriculture (DA). Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nananatiling stable ang suplay ng mga pangunahing pagkain ngunit posibleng magkaroon ng...
Gulaman vendor pinagkamalang ‘asset’, binaunan ng bala sa ulo
MANILA, Philippines - Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naganap na shootout sa San Fernando, Cebu matapos lumabas na posibleng nag-ugat ito sa mistaken identity, na ikinasawi ng isang vendor ng gulaman at ng suspek, habang nasugatan ang isang pulis. Batay sa ulat ng pulisya, binaril umano ng suspek na kinilalang si Jay Castañares ang biktimang si Emilio Miñoza Sabroso...
4 utas, 2 grabe sa ‘rido’ sa Iloilo
MANILA, Philippines - Patay ang apat katao habang dalawa pa ang malubhang nasugatan matapos mauwi sa madugong sagupaan ang alitan ng dalawang pamilya sa Barangay San Isidro, La Paz, Iloilo City, Sabado ng gabi. Ayon sa Iloilo City Police Office (ICPO), naganap ang insidente bandang alas-9:40 ng gabi sa pagitan ng mga miyembro ng pamilyang Muya at Provido, na kapwa...
AFP, PCG, US nagsagawa ng maritime drills
MANILA, Philippines - Nagsagawa ng magkasanib na maritime drills ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), at United States Indo-Pacific Command sa Manila Bay at karagatang sakop ng Mariveles, Bataan bilang bahagi ng pagpapalakas ng koordinasyon at kakayahang mag-operate nang magkakasama. Isinagawa noong Marso 20 ang Maritime Cooperative Activity 26-3.1 na nakatuon sa maritime security at...
Mangingisdang 5-araw nagpalutang-lutang sa dagat, nasagip ng PCG
MANILA, Philippines - Nasagip nang buhay ang isang mangingisdang taga-Zambales matapos magpalutang-lutang sa dagat sa loob ng limang araw, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) na nagsagawa ng search and rescue operations malapit sa Bajo de Masinloc. Kinilala ng PCG ang biktima bilang 32-anyos na residente ng Barangay Wawanway, Subic, na naiulat na nawawala noong Pebrero 15 matapos hindi makabalik...
Roblox babantayan ng PNP vs child exploitation issue
MANILA, Philippines - Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang pagbabantay sa mga online gaming platform kasunod ng ulat ng posibleng child exploitation na iniuugnay sa popular na larong Roblox. Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., nag-utos na siya ng mas mahigpit na intelligence monitoring sa cyberspace, lalo na sa mga platform na maraming batang gumagamit,...












