Subsidiya ng langis mula gobyerno, ‘di sapat – transport group
MANILA, Philippines - Iginiit ng mga transport group na hindi sapat ang fuel subsidy ng pamahalaan para maibsan ang epekto ng malaking pagtaas ng presyo ng langis sa mga public utility vehicle (PUV) driver. Sa pagdinig ng House Committee on Transportation nitong Miyerkules, sinabi ni Manibela President Mar Valbuena na halos kalahati ng kita ng mga traditional jeepney driver ang...
3 barko sa Strait of Hormuz, pinasabugan
Tatlo pang barko ang tinamaan ng mga projectile sa Strait of Hormuz nitong Miyerkules, ayon sa mga maritime security at risk firms, na nagdala sa hindi bababa sa 14 na sasakyang-dagat na tinamaan sa rehiyon mula nang magsimula ang sigalot sa Iran. Halos huminto ang paglalayag sa makitid na rutang pandagat matapos maglunsad ng pag-atake ang United States at Israel...
Mga paliparan pinaghahanda ng DOTr sa Holy Week exodus sa kabila ng sirit-presyo ng langis
MANILA, Philippines - Nakikipag-ugnayan ang Department of Transportation (DOTr) sa mga airline upang mapangasiwaan ang inaasahang pagdagsa ng mga biyahero sa Holy Week sa gitna ng tumataas na presyo ng langis at nagpapatuloy na tensyon sa Middle East. Sa isang Palace briefing nitong Miyerkules, sinabi ni Transportation Secretary Giovanni Lopez na “still holding on” ang mga airline sa kabila ng...
Presyo ng gulay nagbabadyang tumaas sa epekto ng sirit-presyo ng langis
MANILA, Philippines - Posibleng tumaas ang presyo ng gulay dahil sa pagtaas ng presyo ng langis na maaaring magtulak sa ilang magsasaka na ihinto ang pag-aani ng kanilang mga produkto. Ayon sa mga trader, nalulugi na umano ang mga magsasaka sa Cordillera dahila sa sirit-presyo ng langis, at hindi na maiiwasan ang pagtaas ng presyo ng gulay na dinadala sa...
44 pang OFWs na hagip ng US-Iran tension, nakauwi na ng Pinas
MANILA, Philippines - Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Miyerkules ang 44 overseas Filipino workers (OFWs) mula Israel at Dubai, United Arab Emirates (UAE) sa gitna ng nagpapatuloy na sigalot sa Middle East. Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), 16 OFWs mula Israel ang tumawid sa Taba Border patungong Egypt bago lumipad papuntang Oman at tuluyang makabalik...
Panukalang special powers kay PBBM sa fuel excise tax, umusad na sa Kamara
MANILA, Philippines - Inaprubahan ng House of Representatives nitong Miyerkules sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas na magbibigay ng emergency powers kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang suspendihin o bawasan ang excise tax sa langis sa gitna ng nagpapatuloy na sigalot sa Middle East. Sa pamamagitan ng viva voce voting, ipinasa ng mga mambabatas ang House Bill No. 8418 na...
P60M lotto jackpots, mailap sa mananaya
MANILA, Philippines - Walang nakasungkit ng jackpot sa mga pangunahing lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules, Marso 11. Ayon sa PCSO, walang nakahula ng tamang kumbinasyong 19-36-10-23-31-20 para sa Megalotto 6/45, na may jackpot prize na P15,000,000.00. Nanatili ring walang nanalo sa jackpot na P45,000,000.00 ng Grand Lotto 6/55 matapos walang makatama sa numerong 50-24-34-21-45-03. Ginaganap ang draw...
Pinas uulanin sa amihan, buntot ng bagyo
MANILA, Philippines - Magdadala ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ang Northeast Monsoon o amihan, habang makaaapekto naman sa silangang bahagi ng Mindanao ang trough ng Tropical Storm Nuri na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA nitong Huwebes. Ayon sa PAGASA, alas-3 ng madaling araw nang mamataan...
WALANG PONDO PARA SA OFWs
NAKALULUNGKOT ang naging tanawin sa embahada ng Pinas sa Bahrain kamakailan.Wala umanong pondo ito para asistihan ang mga Pinoy, kasama ang mga overseas Filipino worker na na naiipit at nawawalan na ng hanapbuhay at seguridad dahil sa digmaan sa pagitan ng Iran at United States at Israel.Makaraang tumakbo roon ang mga Pinoy para magpatulong, pinaalis sila dahil wala umanong...
‘HINDI PAREHAS’ NA PAGTRATO
PATULOY ang pagtatago ni Charlie ‘Atong’ Ang matapos maisyuhan ng ‘Warrant of Arrest’ sa kaso ng mga “Missing Sabungeros” nitong Enero 2026 at kahit pa may “patong” si Atong na P20 milyon para maaresto, wala pa ring nangyayari.Muling nasira ang “kamada” ng mala-haring buhay ni Atong dahil sa testimonya ng isa niyang dating tauhan na si Julie ‘Dondon’ Patidongan....












