Pagbabawal ng vape sa kabataan, sinuportahan ng mga health group
MANILA, Philippines - Suportado ng mga health at child rights advocates ang panawagan ni Health Secretary Teodoro Herbosa na itaas ang minimum age sa pagbili ng vape at tobacco products sa 25 taong gulang at dagdagan ang buwis sa nicotine products. Ayon sa Philippine Tobacco Control Coalition, kailangan ang mas mahigpit na regulasyon upang maprotektahan ang kabataan laban sa nicotine...
Social media ipagbabawal sa mga 16-anyos pababa mula Marso 28
JAKARTA, Indonesia - Ipinahayag ng Indonesia na ipagbabawal ang paggamit ng social media para sa mga batang wala pang 16 taong gulang simula Marso 28, 2026. Layunin ng hakbang na protektahan ang mga bata mula sa online pornography, cyberbullying, panlilinlang sa internet, at pagka-adik sa social media. Ayon kay Meutya Hafid, Communications Minister, “Accounts belonging to children under 16 on high-risk...
Kampo ni VP Sara walang kinalaman sa mga banta kay Madriaga: We want him alive
MANILA, Philippines - Iginiit ng legal team ni Sara Duterte na wala itong kinalaman sa umano’y death threats na natanggap ni Ramil Madriaga, na nagpakilalang “bagman” ng bise presidente. Ayon kay Salvador Paolo Panelo Jr., abogado ni Duterte sa kasong perjury laban kay Madriaga, nais pa nga umano ng bise presidente na manatiling ligtas ito upang makapagbigay ng pahayag sa...
83% Pinoy: Pag-aalaga sa tahanan, pamilya, pangunahing papel ng kababaihan – SWS
MANILA, Philippines - Mahigit 80 porsiyento ng mga Pilipino ang naniniwala na ang pangunahing papel ng babae ay ang pag-aalaga sa tahanan at pamilya, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong Nobyembre 24 hanggang 30. Sa survey, 83 porsiyento ang sumang-ayon sa pahayag na “A man’s job is to earn money; a woman’s job is to...
Piso bumagsak kontra Dolyar kasabay ng tumitinding tensyon sa MidEast
MANILA, Philippines - Bumagsak sa pinakamahinang antas sa mahigit isang buwan ang Philippine peso noong Biyernes matapos magsara sa 59 laban sa US dollar, kasabay ng patuloy na pagtaas ng halaga ng dolyar habang nagpapatuloy ang digmaan sa Middle East. Nagtapos ang linggo ng kalakalan na nasa 59 ang piso kontra dolyar—37 sentimo na mas mahina kumpara sa naunang pagsasara....
Duterte mananatili sa detensyon ng ICC
THE HAGUE, Netherlands - Pinagtibay ng Appeals Chamber ng International Criminal Court (ICC) ang desisyon ng Pre-Trial Chamber I na manatili sa detensyon ang dating Pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte. Sa pahayag ng ICC, nagkakaisang ibinasura ng Appeals Chamber ang lahat ng argumento ng depensa at kinumpirma ang naunang desisyon na panatilihin si Duterte sa ICC Detention Center...
Trump: “Unconditional surrender” ng Iran, tanging paraan sa pagtapos ng giyera
WASHINGTON, United States - Iginiit ni US President Donald Trump, na ang “unconditional surrender” ng Iran ang tanging katanggap-tanggap na paraan upang matapos ang labanan, kasabay ng pangakong tutulungan itong muling bumangon ang ekonomiya kapag sumunod ito. “There will be no deal with Iran except UNCONDITIONAL SURRENDER,” ani Trump sa kanyang Truth Social post. “Iran will essentially be in a place...
Malaking sunog sumiklab sa residential area sa Kyusi
MANILA, Philippines - Higit sa 30 trak ng bumbero ang rumesponde matapos lamunin ng malaking apoy ang isang residential area sa NIA Road, Barangay Pinyahan, Quezon City, gabi ng Biyernes, March 6. Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection Quezon City, nagsimula ang sunog dakong alas-9:00 ng gabi. Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang karamihan...
Suspek sa pamamaril sa condo sa P’que, arestado
MANILA, Philippines - Inaresto ng mga awtoridad ang suspek sa pamamaril sa isang condominium sa Parañaque City na ikinamatay ng dalawang lalaki at ikinasugat ng apat pang iba nitong linggo. Ayon sa paunang ulat, naaresto ang suspek ng mga operatiba ng Parañaque City Police Station kasama ang iba pang yunit ng pulisya bandang alas-9 ng gabi sa loob ng isang...
Butanding season sa Sorsogon, nagsimula na!
SORSOGON, Philippines - Nagsimula nang magpakita ang mga whale shark o “butanding” sa Donsol Bay sa bayan ng Donsol, Sorsogon kasabay ng pagsisimula ng taunang interaction season. Dahil dito, pinaalalahanan ng World Wide Fund for Nature Philippines ang mga turista na mahigpit na sundin ang no-feeding policy. Ayon kay Manuel Narvadez Jr., manager ng WWF Philippines Donsol Integrated Conservation Program,...












