14K Pinoy napamahagian ng P361M ayuda sa AICS
MANILA — Umabot sa ₱361 milyon ang naipamahaging emergency assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mahigit 14,000 Pilipino sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program nitong unang buwan ng 2026. Batay sa datos ng Crisis Intervention Program, kabuuang ₱361,119,371 ang naipagkaloob sa 14,738 benepisyaryo na tinulungan sa Crisis Intervention Unit satellite office...
Barangay chairman, pinasok sa bahay, pinagbabaril-patay
ILOILO CITY — Naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay nang matagpuan ang isang punong barangay sa loob ng kanyang bahay sa bayan ng San Joaquin. Kinilala ang biktima na si Richard Sapalo, 53-anyos, chairman ng Barangay Ginot-an. Batay sa report ng San Joaquin Municipal Police Station, dakong 10:00 p.m. noong Miyerkules nang umuwi ang biktima sa kanyang bahay at...
Galunggong sa Cavite, lumiliwanag!
MANILA, Philippines — Nagulat ang isang babae sa Dasmariñas, Cavite matapos umanong magliwanag sa dilim ang galunggong na binili niya sa palengke, na ayon sa isang marine biologist ay maaaring dulot ng bioluminescent bacteria. Ayon sa babae na napansin niyang may blue-green na mga spot na umiilaw habang nililinis ang isda. Sa kabila nito, niluto pa rin umano niya ang...
Embahada ibabalik ugnayan ng China-Pinas sa tamang direksyon
MANILA, Philippines — Nangako ang Chinese Embassy sa Maynila na paiigtingin ang mga hakbang upang maibalik sa tamang direksyon ang ugnayan ng China at Pilipinas kasunod ng pulong ni Chinese Ambassador Jing Quan at Senate Foreign Relations Committee chair Erwin Tulfo. “The Chinese Embassy will continue to actively promote dialogue and exchanges, enhance mutual understanding and trust, and bring bilateral...
Sindikato sa likod ng Valenzuela shabu lab, tutugisin ng PNP
MANILA — Nangako ang Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes na tutugisin ang sindikatong nasa likod ng nadiskubreng shabu laboratory sa Valenzuela City kung saan nakumpiska ang iligal na droga na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱6.6 bilyon. “We will conduct follow-up operations as we believe that what we discovered in Valenzuela City was being operated by a huge syndicate,” ani PNP...
Digong walang direktang utos sa patayan sa war on drugs – Kaufman
MANILA, Philippines — Walang direktang utos si dating Pangulong Rodrigo Duterte na pumatay ng mga hinihinalang drug suspect sa ilalim ng kanyang kampanya kontra ilegal na droga, ayon sa kanyang abogado na si Nicholas Kaufman sa International Criminal Court (ICC) nitong Huwebes. Sa ikatlong araw ng confirmation of charges hearing sa ICC Pre-Trial Chamber I, sinabi ni Kaufman: “There is...
Unworthy of our respect: Ex-Marines sa ‘kickback delivery’ kinondena ng PH Marine chief
MANILA, Philippines — Kinondena ni Philippine Marine Corps commandant Major General Vicente Blanco III ang mga dating miyembro ng Marines na lumahok sa isang press conference kaugnay ng umano’y paghahatid ng pera sa mga politiko. “It is unfortunate that in the recent presscon called by a private lawyer, three retired Marines involved themselves,” ani Blanco sa isang pahayag na ipinadala...
Taas-SSS pension aarangkada sa 2026
MANILA, Philippines — Makakatanggap ng panibagong 10% pagtaas sa kanilang buwanang pensiyon ang mga retirement at disability pensioner ng Social Security System (SSS) simula Setyembre 2026. Bahagi ito ng tatlong-taong pension reform program ng SSS kung saan may nakatakdang pagtaas tuwing Setyembre mula 2025 hanggang 2027. Sa Setyembre 2026, may karagdagang 10% ang matatanggap ng retirement at disability pensioners na...
Davao journo sa ICC prosecutor: Mag-public apology sa maling paggamit ng bidyo
MANILA, Philippines — Humihingi ng 'public apology' ang isang mamamahayag mula Davao laban sa isang prosecutor ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng umano’y hindi awtorisadong paggamit ng kanyang video sa confirmation of charges hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa isang notarized affidavit na may petsang Pebrero 26, hiniling ni Ben Tesiorna ang public apology mula kay ICC Prosecutor...
2 sugatan sa sunog sa Brgy. UP Campus
QUEZON CITY — Dalawang katao ang nasugatan matapos sumiklab ang sunog na tumupok sa tatlong bahay sa kahabaan ng CV Francisco Street sa Barangay UP Campus madaling araw ng Biyernes. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bandang alas-5 ng umaga at umabot sa first alarm. Sinubukan ng mga residente na apulahin ang apoy bago dumating ang mga...












