Donasyon sa simbahan, iba’t-ibang uri ng pera narekober sa Cavite

0

CAVITE, Philippines - Isang lalaking kasabwat sa pagnanakaw sa isang simbahan kung saan iba't-ibang foreign currencies at mga donasyon rito ang narekober makaraang ipagyabang nito ang dala niyang malaking halaga ng pera sa Gen Trias City, Cavite Lunes ng umaga. Nasa kustodiya na ng General Trias Component City ang suspect na si alyas Ronald, 32 ng Brgy Adela Height, Gandara...

Bam Aquino pabor sa paglilitis ng EJK cases sa PH courts

0

MANILA, Philippines - Pabor si Senador Bam Aquino na dapat litisin sa korte ng Pilipinas ang lahat ng extra-judicial killing cases na nakahain sa International Criminal Court (ICC) laban sa ilang personalidad na sangkot sa madugong drug war sa panahon ng Duterte Administration. Inihayag ito ni Aquino matapos pangalanan sina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at Bong Go bilang co-conspirators...

Kalayaan 16, pinarangalan sa West Philippine Sea Heroes Award

0

Miyembro ng Akbayan Partylist sa West Philippine Sea Heroes Award “Kalayaan 16” sa Quezon City noong Pebrero 17, 2026. Pinaparangalan dito ang 16 municipal officials ng Kalayaan para sa kanilang matatag na pagtatanggol sa soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea. DANNY QUERUBIN

Batas vs illegal online gambling, hihigpitan pa ng Senado – Gatchalian

0

MANILA, Philippines - Itinutulak ni Senador Win Gatchalian ang mas matapang na aksyong lehislatibo upang sugpuin ang paglaganap ng iligal na pagsusugal sa online platform lalo na’t hindi magkamayaw ang mga hindi lisensyadong betting sites sa pag-akit sa milyung-milyong Pilipino tungo sa adiksyon. “Parang kabute ang mga ito – kahit ma-block ngayon, bukas andyan na naman. Walang katapusan. Dapat putulin...

2 holdaper ng magkakarne nasukol ng mga parak sa Bulacan

0

BULACAN, Philippines - Arestado ang dalawang lalaking nangholdap ng magbababoy sa follow - up operation ng pulisya sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong madaling araw ng Pebrero 15. Sa ulat ni PLTCOL Reyson Bagain, hepe ng SJDM police station, kinilala ang mga suspek na sina alyas “Darwin”, 30 at alyas “Daniel”, 24, kapwa residente ng Pabahay 2000,...

43 armas, isinuko ng mga sibilyan sa Maguindanao del Sur

0

MAGUINDANAO DEL SUR, Philippines - Isinuko ng mga sibilyan sa Maguindanao del Sur ang 43 assorted unlicensed firearms sa militar noong Lunes, ayon sa ulat. Kabilang sa mga baril ang M16 rifles na may M203 grenade launchers at caliber 50 sniper rifles, bahagi ng Small Arms and Light Weapons Management Program ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation...

Pagpapalakas sa early learning education, iginiit ni Sen. Legarda

0

MANILA, Philippines - Naghain si Senadora na si Loren Legarda ng panukalang K to 3 Foundational Learning and Nurturing Care Act na nakatuon sa pagtugon sa krisis sa maagang edukasyon. Layunin ng panukala na palakasin ang pagbasa, pagbibilang, at socio emotional learning sa mahahalagang taon ng Kindergarten hanggang Grade 3, upang maikonekta ang maagang pagkalinga sa bata at ang pormal...

Ombudsman: Bulacan, “epicenter” ng ghost flood control projects

0

MANILA, Philippines - Tinawag ng Office of the Ombudsman si Bulacan bilang “epicenter of ghost flood control projects” sa bansa. Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, karamihan ng naiulat na ghost projects ay nasa Bulacan, ngunit patuloy nilang binabantayan ang ibang bahagi ng bansa. Maraming organisasyon, tulad ng Bisto.ph o “Bisto Proyekto”, ang tumutulong sa citizen monitoring ng mga proyekto upang...

PBBM sa mga Pinoy: Fire Horse energy gamitin sa pag-unlad

0

MANILA, Philippines - Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Martes, ang mga filipino na pantayan ang simbolismo ng katapangan at pasulong na galaw ng Fire Horse na may disiplina, pagsusumikap at pamamahala. “I invite all Filipinos to move with purposeful haste — swift when necessary; measured when it matters most. Momentum can be energizing, but direction is what...

Paglusaw sa travel tax, ikinasa ni Kiko sa Senado; ‘Pahirap sa OFWs’

0

MANILA, Philippines - Naghain ng isang panukalang batas si Senador Francis “Kiko” Pangilinan upang lusawin ang travel tax na sinisingil sa bawat Filipino na nagpupunta sa abroad na nagpapahirap sa pasanin ng oversea Filipino workers (OFWs). Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan na nagsisilbi lang pabigat ang travel tax sa mamamayan na sumasagka sa karapatan ng paglalakbay ng mga mamamayang may...