Paglusaw sa travel tax, ikinasa ni Kiko sa Senado; ‘Pahirap sa OFWs’

0

MANILA, Philippines - Naghain ng isang panukalang batas si Senador Francis “Kiko” Pangilinan upang lusawin ang travel tax na sinisingil sa bawat Filipino na nagpupunta sa abroad na nagpapahirap sa pasanin ng oversea Filipino workers (OFWs). Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan na nagsisilbi lang pabigat ang travel tax sa mamamayan na sumasagka sa karapatan ng paglalakbay ng mga mamamayang may...

Bilang ng nasawi sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3, umakyat sa 58

0

MANILA, Philippines - Umakyat na sa 58 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa lumubog MV Trisha Kerstin 3 sa Baluk-Baluk Island, Basilan. Sa pinakahuling update, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na 293 naman ang bilang ng kabuuang survivor at mayroon pa ring 21 indibidwal na nanatiling nawawala. Binibigyang-diin ng PCG na ang mga bilang na ito ay mula sa...

Pinadali, pinabilis na social services sa LGUs, inihain sa Kamara

0

MANILA, Philippines - Ipinapanukala nina Solid North Party-list Rep. Ching Bernos at Abra Lone District Rep. JB Bernos ang House Bill No. 7465 para sa pagtatayo ng Accelerated Citizen-Centered Social Services (ACCESS) System sa lahat ng LGU. Layunin nito na magkaroon ng isang access lamang para sa lahat ng social services, parehong sa pisikal na opisina at digital platform, upang...

6 local holidays idineklara ni PBBM ngayong Pebrero, Marso

0

MANILA, Philippines - Nagdeklara si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng special non-working days sa anim na lugar para payagan ang mga residente na ganap na magpartisipa sa kani-kanilang lokal na pagdiriwang. Sa katunayan, tinintahan ni Executive Secretary Ralph Recto ang Proclamation No. 1162, nito lamang Pebrero 9, na nagdedeklara sa Marso 20 bilang isang special non-working day sa City of...

Jinggoy, 4 iba pa bawal umalis ng bansa; PHDO, inihain – Manila RTC

0

MANILA, Philippines - Naglabas ng precautionary hold departure order (PHDO) ang Manila Regional Trial Court (RTC) laban kay Senador Jinggoy Ejercito Estrada at apat niyang kasamang respondents kaugnay ng kasong plunder na nakabinbin sa Department of Justice (DOJ). Ayon kay DOJ Spokesperson Prosecution Attorney Raphael Niccolo L. Martinez, natanggap niya ang impormasyon na noong Pebrero 10, 2026, naglabas ang Branch...

P3,000 buwanang pensyon, insurance sa mga magsasaka, isinusulong sa Kamara

0

MANILA, Philippines - Isinusulong sa House of Representatives ang House Bill No. 7663 o Comprehensive Farmers’ Pension and Social Protection Act, na magbibigay ng P3,000 buwanang pensyon at life, accident, at disability insurance para sa mga kwalipikadong magsasaka. Ayon kay Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez, layunin ng panukala na mabigyan ng seguridad sa pananalapi ang matatanda at mahihirap...

1 patay, higit 360 nawalan ng tirahan sa 2 sunog sa Iloilo

0

ILOILO, Philippines - Isang tao ang nasawi at mahigit 360 katao ang naapektuhan sa dalawang magkahiwalay na sunog sa Jaro District, Iloilo City, noong Pebrero 16. Kinilala ang nasawi na si Rustom Ancieta, 24-anyos at criminology graduate, na na-trap sa loob ng isang car repair shop sa Barangay Balabago. Ayon sa ulat, umano’y nakainom siya nang husto bago ang insidente at...

ICC, ‘di makikialam sa mosyon ng depensa ni Duterte vs mga abogado ng biktima

0

MANILA, Philippines - Inihayag ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court (ICC) na hindi ito kukuha ng posisyon sa mosyon ng depensa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ipawalang-bisa ang pagtatalaga sa mga external legal representatives ng mga biktima sa kanyang kaso. Sa tatlong pahinang dokumento na may petsang Pebrero 16, sinabi ni Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang...

10 raid vs Atong Ang, bigo — Remulla

0

MANILA, Philippines - Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na nabigo ang mga awtoridad na mahanap si negosyanteng Atong Ang matapos ang 10 raid na isinagawa noong nakaraang linggo. Ayon kay Remulla, batay ang mga operasyon sa bagong intelligence reports ngunit wala si Ang sa mga pinuntahang lugar. “Naka-sampong raids kami last week, negative lahat ng sites...

Pangilinan naghain ng “Last Mile Schools Act” para sa liblib na paaralan

0

MANILA, Philippines - Naghain si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ng Senate Bill 1842 o ang “Last Mile Schools Act” upang gawing permanente ang suporta sa mga pampublikong paaralan na nasa liblib, mahihirap, at conflict-affected na lugar. Ayon sa panukala, maituturing na “last mile school” ang isang paaralan kung ito ay may mas mababa sa apat na silid-aralan, kulang sa limang...