Calatagan, Batangas niyanig ng M3.4 lindol
BATANGAS, Philippines - Isang magnitude 3.4 na lindol ang tumama sa karagatan malapit sa bayan ng Calatagan, Batangas nitong Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Ayon sa Phivolcs, naganap ang tectonic na lindol alas-10:01 ng umaga. Natukoy ang epicenter nito 19 kilometro timog-kanluran ng Calatagan at may lalim na 52 kilometro. Ang tectonic na lindol...
Panukalang pagdedeklara ng Jesus Worship Day at Lady of Guadalupe Day, lusot na sa Kamara; Abril, itinalagang Veterans Month
MANILA, Philippines - Lusot na sa huli at ikatlong pagbasa sa House of Representatives ang dalawang panukalang batas na magtatakda ng pagdiriwang para sa Jesus Reigns National Day of Worship at Feast of Our Lady of Guadalupe Day. Ayon kay House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, na siyang nanguna sa pagpasa ng House Bill 7368, ang panukala...
Rumespondeng pulis, minartilyo sa ulo, grinipuhan pa; suspek, todas
MANILA, Philippines - Todas ang isang lalaki nang gantihan ng putok ng isang rumespondeng pulis-Maynila na kanyang minartilyo sa ulo at sinaksak sa tagiliran sa Sta. Ana, Maynila. Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang napatay na suspek na si Christopher Glenn Miralles, 41 anyos, residente ng Punta, Sta. Ana. Sa imbestigasyon ng MPD, nakatanggap ng tawag sa 911 ang mga...
7 Tsino arestado sa iligal na pagmimina sa Bukidnon
MANILA, Philippines - Pitong Chinese nationals ang naaresto dahil sa umano’y illegal na pagmimina sa Libona, Bukidnon, ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) noong Miyerkules. Pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang raid sa lugar noong Martes, Pebrero 9, kung saan natuklasan ang malaking underground tunnel na ginagamit sa pagkuha ng mineral, pati na rin...
Mataas na opisyal ng NPA, utas sa sagupaan
MANILA, Philippines - Isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa engkwentro laban sa pwersa ng pamahalaan sa Camarines Norte noong Martes, ayon sa ulat ng 9th Infantry Division (9ID). Kinilala ang rebelde sa alyas na “Ino,” na nagsilbing sekretaryo ng Sub-Regional Committee 1 ng Bicol Regional Party Committee. Ayon kay Maj. Frank Roldan, tagapagsalita ng...
Pagsugpo sa illegal online sabong, tututukan ng Senado
MANILA, Philippines - Nanawagan ang Senate Committee on Games and Amusement ng mahigpit na aksyon laban sa illegal online sabong, partikular sa mga pisikal na “studio” o lugar kung saan ini-stream at kinukunan ng video ang sabong, sa halip na simpleng pagbabara lamang ng mga website. Sa ikatlong pampublikong pagdinig ng komite, binigyang-diin ni Senador Erwin Tulfo na dapat bisitahin...
DOLE sa mga kompanya: Empleyado payagang mag-leave para sa tigdas vax ng mga anak
MANILA, Philippines - Hinimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga kumpanya na payagan ang mga empleyadong may anak na wala pang limang taong gulang na mag-leave upang samahan ang kanilang mga anak sa bakuna kontra tigdas at rubella. Ayon sa Labor Advisory No. 02-2026, hinihikayat ng DOLE ang mga employer na suportahan ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity...
2 Tsino na nagpapanggap na Pinoy, arestado ng BI
MANILA, Philippines - Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Chinese nationals sa magkahiwalay na operasyon sa Luzon at Mindanao dahil sa pagpapanggap bilang mga Pilipino. Ayon kay Fortunato Manahan Jr., hepe ng BI Intelligence Division, naaresto si Jucan Hong noong Pebrero 2 sa Barangay Bitano, Legazpi City dahil sa pagpapanggap bilang Pilipino upang makakuha ng mga government ID,...
Pinas hinimok Tsina sa diplomatikong ugnayan matapos ang ‘Kalayaan 16’ ban
MANILA, Philippines - Hinimok ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang China na panatilihin ang konstruktibong ugnayan at pagpapalakas ng people-to-people exchanges matapos pagbawalan ang tinaguriang 'Kalayaan 16' na mga lokal na opisyal ng Kalayaan, Palawan na makapasok sa China, kabilang ang Hong Kong at Macau. Ang hakbang ng China ay sumunod sa deklarasyon ng Kalayaan municipal government na persona...
Panibagong Trillion Peso March, kasado sa EDSA sa Pebrero 25
MANILA, Philippines - Inihayag ng mga grupo ng simbahan at civil society na gaganapin ang ikatlong Trillion Peso March sa Pebrero 25 sa EDSA Shrine, bilang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Ang martsa ay inorganisa ng Caritas Philippines, Buhay ang People Power Campaign Network (BAPP), at Simbahan at Komunidad Laban sa Katiwalian, na nakatuon sa tatlong...












