Siklista, natagpuang patay sa Cavite
CAVITE, Philippines - Isang siklista ang natagpuang duguan at wala ng buhay sa parking area ng isang memorial park sa Silang, Cavite kamakalawa ng umaga. Ayon sa report, inaalam pa ang pagkakakilanlan sa lalaking biktima na duguan at katabi ang isang bisikleta na pag-aari nito. Base sa ulat, bandang alas-7:50 kamakalawa ng umaga nang nakatanggap ng tawag ang Tactical Operation Cnter...
Jeepney drayber, binaril sa loob ng kaniyang bahay, patay
CAVITE, Philippines - Namatay habang ginagamot sa Emilio Aguinaldo College (EAC) ang isang 43-anyos na jeepney driver makaraaang pasukin sa loob na kanyang bahay at pagbabarilin ng dalawang di pa nakikilalang suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo sa Dasmariñas City, Cavite, Martes ng madaling araw. Kinilala ang nasawing biktima na si alyas Roderick, may live-in partner sa Diamond Village, Salitran...
Palasyo ipinatupad ang SEAGIFT sa Tawi-Tawi
TAWI-TAWI — Naghatid ang Malacañang ng panibagong sigla sa ekonomiya ng bansa matapos pormal na ipatupad ng Office of the Special Assistant to the President (OSAP) ang Seaweed Economic Assistance and Government Initiative for Tawi-Tawi (SEAGIFT), isang programang layong gawing haligi ng kapayapaan at kaunlaran sa kanayunan ang lokal na industriya ng seaweed. Pinangunahan ni Special Assistant to the President...
Impeachment complaint vs PBBM pawang ‘di impeachable offense – solon
MANILA, Philippines - Malinaw na hindi “sufficient in substance” ang impeachment complaint na inihain laban kay Pangulong Bongbong Marcos dahil ang mga reklamo ay pawang hindi impeachable offense, ayon kay House Committee on Justice Vice Chairman Mauricio Domogan. Ayon kay Domogan bagsak sa “sufficiency in substance” ang reklamo dahil ang mga alegasyon laban sa Pangulo ay pawang walang personal knowledge...
Trak ng LGU, bumulusok sa bangin sa NegOr, 9 utas
NEGROS ORIENTAL, Philippines - Siyam ang patay, kabilang ang driver ng isang local government-owned truck matapos mahulog sa bangin sa Barangay Kalamtukan, Bayawan City, Negros Oriental Miyerkules. Ayon kay Police Capt. Stephen Polinar, ang truck ay nagdadala ng langis at gasolina para sa mga sasakyan ng pamahalaan. Inaalam pa kung ilan ang sakay ng nasabing trak, ngunit sa ngayon ay kinumpirma...
AFP, Coast Guard, dadagdagan ng pondo vs bullying ng China – Pangilinan
MANILA, Philippines - Hiniling ni Senador Francis Pangilinan sa Senado na dagdagan ang suportang pinansiyal para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG), dahil mahalaga ang malakas na pondo na kailangan sa pagpapatupad ng ating karapatan sa West Philippine Sea (WPS). Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan na kailangan ang karagdagang pondo para pagpapalakas ng depensa...
4 Davao solon tutol sa pag-extend ng suspensyon ni Barzaga
MANILA, Philippines - Tutol ang 4 na mambabatas mula sa Davao City sa pagpapalawig ng suspension laban kay Cavite Rep Kiko Barzaga sa katwirang ang ginagawa ng Kamara ay pagtanggi sa constitutional rights ng mga bumoto sa mambabatas. Sa isang sulat na ipinadala kay House Speaker Faustino Dy sinabi nina Reps. Paolo Duterte (first district), Omar Vincent Duterte (second district),...
3 akusado, hinatulang guilty ng Manila RTC sa pagpasok ng P1-B shabu sa Pinas
MANILA, Philippines - Hinatulang 'guilty' ng Manila Regional Trial Court ang tatlong akusado na nagtangkang magpasok sa Pilipinas ng halos isang bilyong piso na halaga ng shabu. Kabilang sa nahatulan sina Muktasil Asinmuddin, Emanuel Delos Reyes, at George Fernandez matapos matukoy ng Manila RTC Branch 21 ang kanilang partisipasyon sa pag-angkat ng higit-100 kilo ng shabu na nakatago sa saka-sakong...
2 bangkay narekober sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3; bilang ng nasawi, umakyat sa 45
MANILA, Philippines - Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na ang patuloy na search and rescue operations para sa nawawalang mga indibidwal sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3 ay nagresulta ng pagkarekober ng dalawa pang bangkay sa karagatan malapit sa Baluk-Baluk Island, Basilan noong Miyerkules. Sa isang ulat, sinabi ng PCG na ang mga bangkay ay narekober sa tulong...
Cancer screening isinagawa sa Quezon City Hall
MANILA, Philippines - Bilang paggunita sa National Cancer Awareness Month ngayong Pebrero, pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang Cancer Screening Activity na ginanap sa Quezon City Hall, kung saan isinagawa ang Breast, Cervical, Prostate, at Lung Cancer Screening para sa mga kawani ng pamahalaang lungsod. Kabilang sa prayoridad ng lungsod ang pagpapalawak ng suporta sa mga programang pangkalusugan upang mapababa...












