Walang malubhang insidenteng naitala sa Dinagyang fest – PNP
MANILA, Philippines - Iniulat ng Security Task Group (STG) na na-deploy para sa 2026 Dinagyang Festival sa Iloilo City na walang naitalang malalaki o malubhang insidente sa pagdiriwang, kabilang ang Linggo kung kailan tinatayang umabot sa 350,000 ang dumalo. Sinabi ni Iloilo City Police Office officer-in-charge Col. Wilbert Parilla na ang Dinagyang 2026 ay “powerful, vibrant and full of life,”...
2 Tsino, 22 iba pa timbog sa illegal mining raid sa MisOr
MANILA, Philippines - Nangako ang pulisya sa Northern Mindanao na tututukan ang mas malalaking network sa likod ng ilegal na pagmimina matapos ang isang raid sa Misamis Oriental nitong Linggo na nakapagtala ng P30.8 milyon halaga ng kagamitan at pag-aresto sa 24 suspek, kabilang ang dalawang Chinese nationals. Ayon kay Brig. Gen. Christopher Abrahano, direktor ng Police Regional Office 10,...
China Embassy muling sinita ni Tarriela sa ‘blatant disrespect’ sa PH officials
MANILA, Philippines - Binalaan ni Philippine Coast Guard Commodore Jay Tarriela nitong Lunes ang Chinese Embassy sa Maynila dahil sa mga pahayag na kanyang tinawag na “brazen and abrasive” laban sa mga halal na opisyal ng Pilipinas. Sinabi ni Tarriela, na tagapagsalita ng PCG para sa West Philippine Sea, na ang mga pahayag ng embahada ay “blatant disrespect against Philippine...
‘Diverticulitis’ operation ni PBBM, fake news — Malakanyang
MANILA, Philippines - Sinabi ng Malakanyang na “fake news” ang kumakalat ngayon sa social media na sasailalim sa medical operation si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos ma-diagnose na may diverticulitis. “Wala pong ganoong balita na maibibigay po tayo dahil ngayon po ang Pangulo ay nasa meeting. So, yan po ay fake news,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at...
P60 kada dolyar, posible – BSP
MANILA, Philippines - Inamin ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Eli Remolona Jr. na posible ang pag-depreciate ng piso hanggang P60 kada dolyar, ngunit iginiit niyang hindi ito malamang mangyari sa lalong madaling panahon. Sa 2026 Annual Reception for the Banking Community sa Pasay, sinabi ni Remolona na hindi awtomatikong mag-iintervene ang central bank kahit pa maabot ng piso ang...
P40-M tobats nasabat sa NAIA
MANILA, Philippines - Dinakip ng mga operatiba ng Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ang isang senior citizen na South African national matapos ang tangkang pagpupuslit sa bansa ng anim na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P40 milyon sa NAIA Terminal 3, Lunes ng umaga, Enero 26. Base sa inisyal na ulat ng IADITG, naganap ang pagdakip sa...
Digong ‘fit to take part’ sa pre-trial sa Peb. 23 – ICC
MANILA, Philippines - Itinuturing na “fit to take part” si dating pangulong Rodrigo Duterte sa pre-trial proceedings ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kanyang kaso sa crimes against humanity, ayon sa anunsyo ng Pre-Trial Chamber I. Sinabi ng ICC na magsisimula nang pormal ang confirmation hearing ni Duterte sa Feb. 23. Dati nang humiling ang kampo ni Duterte ng...
24 nawawala pa rin sa lumubog na passenger vessel sa Basilan; 18 utas
MANILA, Philippines - Mahigit 317 pasahero at tripulante ang nasagip matapos lumubog ang passenger vessel na M/V Trisha Kerstin 3 sa layong 2.75 milya hilagang-silangan ng Baluk-Baluk Island sa Basilan nitong Lunes, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG). Sa incident report ng PCG, sinabi na 24 katao ang nawawala pa habang 18 ang kumpirmadong nasawi hanggang alas-11:21 ng umaga. Umalis...
2 impeachment complaint vs PBBM, iniakyat na sa House Committee on Justice
MANILA, Philippines - Iniakyat na ng House of Representatives nitong Lunes ang dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa House Committee on Justice, na hudyat na rin ng pagpatupad ng isang taong pagbabawal sa paghahain ng panibagong impeachment laban sa Pangulo hanggang Enero 26, 2027. Isinagawa ang referral sa plenary session ng Kamara noong Enero 26. Ang unang...
P50-M lotto jackpots, ‘di napanalunan
MANILA, Philippines - Walang nanalo ng jackpot sa mga pangunahing lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ng gabi, Enero 26, ayon sa ahensya. Sinabi ng PCSO na walang tumama sa winning combination na 25-22-24-42-04-33 ng Megalotto 6/45 na may jackpot na P8,910,000.00. Wala ring nanalo sa Grand Lotto 6/55 matapos na walang makakuha ng kombinasyong 19-01-37-07-41-51 na...












