Dating NBI exec: MMDA post ni Torre posibleng “secondment”, ‘di retirement
MANILA, Philippines - Pinabulaanan ni dating NBI-NCR director Ricardo Diaz ang pahayag na mandatory retirement ni dating PNP chief Gen. Nicolas Torre III matapos siyang italaga sa MMDA. Ayon kay Diaz, ang appointment ni Torre ay maaaring isang “secondment,” karaniwang practice sa gobyerno kung saan ang isang opisyal ay pansamantalang inililipat sa ibang ahensya habang nananatiling nasa payroll ng parent...
Impeachment vs VP Sara, puwede mabalik sa Senado kung pabor sa SC
MANILA, Philippines - Maaaring maibalik sa Senado ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte kung pabor ang Supreme Court (SC) sa House motion for reconsideration (MR) mula sa 19th Congress, ayon kay Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro. “Kung ma-grant nila ang MR, ibig sabihin babalik tayo sa impeachment process. Ibig sabihin, maaring ma-reinstate ang impeachment complaint sa...
17 Taiwanese nat’l, idineport ng BI
MANILA, Philippines - Ayon sa Bureau of Immigration (BI), 17 Taiwanese na wanted sa kanilang bansa dahil sa malalaking online scam ang na-deport noong Enero 21. Nahuli sila noong Mayo ng nakaraang taon sa isang subdivision sa Cebu City ng NBI at mga intelligence forces. Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony M. Viado na ang mga deportado ay idineklarang “undesirable aliens”...
Bulkang Mayon nagtala ng 253 rockfall sa loob ng 24 oras
ALBAY, Philippines - Nananatili sa Alert Level 3 ang Mayon Volcano at nagtala ng 253 rockfall events, isang volcanic earthquake, at isang episode ng tuloy-tuloy na pagyanig sa loob ng 24 oras mula alas-12 ng madaling araw ng Enero 24 hanggang alas-12 ng madaling araw ng Enero 25, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Ayon pa sa...
Liberal Party, nagtalaga ng mga bagong opisyal
MANILA, Philippines - Inanunsyo ng Partido Liberal ng Pilipinas (LP) ang pagtatalaga ng mga bagong opisyal sa isinagawang National Executive Council and Officers (NECO) meeting noong Biyernes. Itinalaga si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan bilang party chair emeritus. Sa kanyang talumpati, iginiit niya na ang LP ay nananatiling isang anti-political dynasty, anti-authoritarian, at pro-democracy na partido. Tinalakay rin ni Pangilinan ang nalalapit na...
Masusing imbestigasyon sa smuggling ng sigarilyo, iniatas ng PNP
MANILA, Philippines - Inatasan ni Philippine National Police (PNP) acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang masusing imbestigasyon upang matukoy at maaresto ang mga nagpopondo sa malawakang operasyon ng cigarette smuggling sa bansa. “Your Philippine National Police has been successful in confiscating every smuggled cigarette that we monitor in our intelligence radar. While arrests were also made, we...
PCG nakiramay sa pamilya ng yumaong tauhan sa Davao City
MANILA, Philippines - Personal na ipinahatid ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, Admiral Ronnie Gil L. Gavan, ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng yumaong tauhan nito sa Davao City. Ito ay matapos bumisita si Admiral Gaban sa burol ni Lieutenant Junior Grade (LTJG) Glennick Ytang PCG sa Coast Guard District Southeastern Mindanao (CGDSEM), Sasa Wharf, Davao City. Kasama ni Admiral Gavan...
250-K deboto nakibahagi sa parada ng Sto. Niño Festival sa Pasay
MANILA, Philippines - Mahigit 250,000 deboto ang nakibahagi sa ginanap na grand procession sa pista ng Santo Niño Festival 2026 sa Pasay City na nilahukan ng mga nananalig sa poon sa iba’t-ibang sulok ng Metro Manila nitong Linggo, Enero 25. Ang Santo Niño Festival 2026, na inorganisa ng lokal na pamahalaan ng Pasay sa pakikipag-ugnayan ng Congregacion del Nombre de...
Mayor ng Maguindanao Sur, ligtas sa ambush; 3 suspek, utas
MAGUINDANAO DEL SUR, Philippines - Nakaligtas si Shariff Aguak, Maguindanao del Sur Mayor Akmad Ampatuan matapos tambangan ang kanyang convoy na binubuo ng dalawang sasakyan noong Linggo ng umaga. Dalawa sa kanyang security detail ang nasugatan. Tatlong umano’y ambusher naman ang napatay sa isinagawang pursuit operation ng pinagsanib na puwersa ng pulis at militar. “The mayor is safe,” ayon kay Anwar Kuit...
Pagpapatigil sa mga ilegal terminal, hihigpitan ng LTFRB
MANILA, Philippines - Sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong Linggo na paiigtingin nito ang operasyon laban sa mga ilegal na pampublikong terminal dahil sa panganib sa kaligtasan ng mga pasahero. Bahagi ng hakbang ang pagdeploy ng mga “mystery passengers” para magsagawa ng pagmamanman. Ayon sa LTFRB, hindi sumusunod sa pamantayan ng ahensya ang mga ilegal na terminal...












