Listahan ng proyekto na iniuugnay kay Rep. Gardiola, pinakukumpirma ni Leviste

0

MANILA, Philippines — Humiling si Batangas 1st district Rep. Leandro Legarda Leviste sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na kumpirmahin ang listahan ng umano’y ₱22 bilyong proyekto na iniuugnay sa Construction Workers Solidarity (CWS) Party-list Rep. Edwin Gardiola. Ayon kay Leviste, ang dokumento ay ipinadala sa kanya ng isang “whistleblower” mula sa ahensya. Sa isang press conference noong Miyerkules,...

Lacson: Sunod na Blue Ribbon hearing tututok kay Bonoan

0

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na maaaring tutukan ng susunod na pagdinig ng Blue Ribbon Committee ang mga hindi pa nalulutas na isyu kaugnay ng dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan. Itinuro ni Lacson ang pagkuha ni Bonoan ng isang house and lot sa 30 Tamarind Road, South...

11°C naitala sa Baguio

0

MANILA, Philippines — Naitala sa Baguio City ang pinakamababang temperatura ngayong “amihan” season na umabot sa 11 degrees Celsius noong Huwebes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Sinabi ng PAGASA weather specialist na si Chenel Dominguez na inaasahang magpapatuloy ang mga pag-ulan at paglamig dulot ng amihan ngayong linggo. Ilan sa mga lugar na nakapagtala ng malamig...

Fresh grads hinimok makibahagi sa reporma vs korapsyon sa DPHW

0

MANILA, Philippines - Hinimok ni Public Highways Secretary Vince Dizon ang mga kabataan o fresh graduates na makibahagi sa reporma sa kagawaran para labanan ang korapsyon. Sa kanyang pagdalo sa pagsisimula ng DPWH Campus Job Fair sa Mapúa University sa Intramuros, Maynila, sinabi ni Dizon na bahagi ng direktiba ng Pangulo ang humikayat ng mga dynamic at idealistic young professionals...

DSWD nagpasalamat sa relief donation ng India

0

MANILA, Philippines — Nagpasalamat ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Miyerkules sa People and Government of India sa donasyong non-food humanitarian assistance para sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong “Tino” at “Uwan” noong Nobyembre noong nakaraang taon. Opisyal na inabot ang donasyon ni Indian Ambassador to the Philippines His Excellency Shri Harsh Kumar Jain kay DSWD Undersecretary...

Masusing imbestigasyon, mabilis na pagbayad ng insurance iniatas sa malagim na disgrasya sa Isabela

0

MANILA, Philippines — Iniutos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang imbestigasyon at mabilis na pag-release ng insurance payout para sa mga biktima ng nakamamatay na salpukan ng isang trak at passenger jeepney sa Luna, Isabela noong Miyerkules ng umaga. Ayon sa pahayag, sinabi ni LTFRB Chair Vigor Mendoza II na sumusunod ang ahensya sa utos ni Pangulong...

US ‘di na gagamit ng puwersa, sirit-taripa sa Greenland – Trump

0

DAVOS, Switzerland — Biglang umatras si U.S. President Donald Trump mula sa mga banta ng taripa at posibleng pag-angkin ng Greenland, at inihayag na may naabot nang “framework” para sa isang kasunduan na magtatapos sa pagtatalo tungkol sa Danish territory. Sa kanyang pagbisita sa World Economic Forum sa Davos, sinabi ni Trump na hindi na gagamitin ang puwersa, at na...

Pandaigdigang demand sa langis, tumaas sa 2026 – IEA

0

MANILA, Philippines - Itinaas ng International Energy Agency (IEA) ang forecast nito para sa paglago ng pandaigdigang demand sa langis sa 2026, na nagpapahiwatig ng bahagyang mas maliit na surplus sa merkado ngayong taon. Sa pinakabagong monthly oil market report nito, sinabi ng Paris-based energy watchdog na inaasahan nitong tataas ang global oil demand ng 930,000 barrels per day (bpd)...

Pasig LGU nagpamahagi ng libreng gamot para sa mental health

0

MANILA, Philippines - Nagbibigay ang lokal na pamahalaan ng Pasig ng libreng gamot sa mga pasyenteng naka-enroll sa Mental Health Program ng lungsod. Ayon sa Mental Health Office ng Pasig, mula Enero 19, may 22 uri ng gamot para sa mental health na ibinibigay ng Department of Health (DOH). Maaari rin itong makuha ng mga hindi residente ng Pasig. Ang mga...

P15-B ghost projects itinanggi ng AFP

0

MANILA, Philippines — Muling itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong Huwebes ang mga paratang tungkol sa umano’y P15-bilyong “ghost projects” sa organisasyon, at sinabi nitong tumutukoy ang halagang ito sa TIKAS Program na eksklusibong pinamamahalaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Sa isang pahayag, sinabi rin ng AFP na “completely false” ang mga alegasyon na...