PH, US, lumagda sa P42B kasunduan sa kalusugan
MANILA, Philippines - Lumagda ang Pilipinas at Estados Unidos sa isang limang taong Health Strategic Objective Agreement na maglalaan ng hanggang ₱42 bilyon upang palakasin ang pagtukoy, paggamot, at pag-iwas sa HIV at tuberculosis (TB), at mapabuti ang health security ng bansa. Ayon sa U.S. Embassy sa Pilipinas, ang kasunduan ay nilagdaan noong Hulyo 22 kasama ang Department of Health...
Pampublikong konsultasyon sa mga panukalang batas, inilunsad ng Kamara
MANILA, Philippines - Bilang katuparan ng kanyang pangako na gawing mas bukas, mapagpahalaga, at may pananagutan ang House of Representatives, inilunsad ni Speaker Faustino "Bojie" Dy III nitong Biyernes ang LegisHear, isang nationwide public consultation initiative na magdadala ng Kongreso nang direkta sa mga komunidad sa buong bansa upang matiyak na naririnig ang boses ng ordinaryong Pilipino sa pagbalangkas...
TRO sa P85 wage hike sa NCR, tinutulan ng labor groups
MANILA, Philippines - Kinondena ng mga pro-labor group ang desisyon ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) na maglabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa ₱85 minimum wage increase para sa mga manggagawa sa Metro Manila. Sinuspinde ng Pasig RTC Branch 152 ang pagpapatupad ng wage hike hanggang Agosto 13 matapos maghain ng petisyon ang Readycon Trading and Construction...
MRT-3 may libreng sakay tuwing Miyerkules ng Agosto sa mga Nat’l ID holders
MANILA, Philippines - Nag-anunsyo ang MRT-3 ng libreng sakay sa piling oras tuwing Miyerkules ng Agosto at sa Setyembre 16, 2026 para sa mga pasaherong magpapakita ng kanilang National ID, bilang paggunita sa Global Identity Day. Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang libreng sakay ay mula 7 a.m. hanggang 9 a.m. at 5 p.m. hanggang 7 p.m. sa mga...
Marahas na pahayag ni VP Sara, paglihis ng atensyon sa impeachment – Adiong
MANILA, Philippines - Ginagamit umano ni Vice President Sara Duterte ang kanyang mga pagpapakita sa The Hague para palakasin ang kanyang political base para sa 2028, habang ang kanyang mga abogado naman ang iniiwanan niyang harapin ang ebidensya laban sa kanya sa impeachment trial. Ito ang assessment ni House impeachment trial spokesperson Zia Alonto Adiong matapos ang isinagawang "Free Duterte...
Malakas na ulan nagdulot ng malawakang baha sa Cebu
CEBU, Philippines - Umabot sa 16 na lugar sa Cebu City ang napinsala ng matinding pagbaha bandang 3 p.m. noong Huwebes matapos ang malakas na pag-ulan. Ayon kay Cebu City Disaster Council Chairperson Dave Tumulak, kabilang sa mga binaha ang Tisa, Labangon, Zapatera, Basak Pardo, at Guadalupe. Tinatayang ang lalim ng baha ay mula 12 pulgada hanggang mahigit tatlong talampakan sa...
“Nahihibang na talaga”: Trillanes, may patutsada sa pahayag ni VP Sara ukol sa ICC
MANILA, Philippines - Sinagot ni dating senador Antonio Trillanes IV ang pahayag ni Vice President Sara Duterte at iginiit na ang International Criminal Court (ICC) ay “no one’s lapdog.” "Nahihibang na talaga si Sara," aniya sa kanyang post sa X. "The ICC is no one’s lapdog. Digong’s case before the ICC is the result of an in-depth investigation that spanned several...
Pinas inaasahang ‘bagyo-free’ sa loob ng 4 araw
MANILA, Philippines - Inaasahang walang papasok na bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa loob ng susunod na apat na araw, ayon sa PAGASA. Sinabi ni weather specialist Obet Badrina na mababa ang tsansang maging bagyo ang low-pressure area (LPA) na nasa 1,195 kilometro silangan ng timog-silangang Luzon at posibleng tuluyang mawala. Bago ito humina, maaari itong magdulot ng kalat-kalat...
Presyo ng langis maaari pang sumipa sa pagkaantala ng paglalayag sa Red Sea
MANILA, Philippines - Nagbabala ang Department of Energy (DOE) na maaaring muling tumaas nang malaki ang presyo ng langis kung magpapatuloy ang pagkaantala ng paglalayag sa Red Sea dahil sa tensyon sa pagitan ng Yemen's Houthi movement at Saudi Arabia. Ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, wala pang aktuwal na pinsala sa Petroline o East-West oil pipeline...
Babaeng ‘NPA official’, kinakasamang Fil-Am, arestado sa Laguna
CALAMBA CITY, Laguna — Arestado sa pinagsanib na operasyon ng militar at pulisya ang isang babaeng opisyal umano ng New People’s Army at ang kanyang Filipino-American na kasama sa Cabuyao City, Laguna nitong Huwebes. Ayon sa 2nd Infantry Division (2ID) ng Philippine Army, nagsilbi ang mga awtoridad ng warrant of arrest laban kay Binay Serrano, alyas Samay, na nahaharap sa...












