Home METRO Kanlaon nagbuga ng abo; posibleng ashfall, ibinabala

Kanlaon nagbuga ng abo; posibleng ashfall, ibinabala

1
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Office of Civil Defense (OCD) sa publiko tungkol sa posibleng pagbagsak ng abo mula sa Bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Ayon sa Phivolcs, nagbuga ang bulkan ng malaking volume ng abo dakong 11:23 a.m. nitong Sabado, na umabot sa 150 metro mula sa bunganga ng bulkan.

Dahil sa malakas na hangin, tinangay ang ash plume patungong timog-silangan. Pinayuhan ng OCD-Negros Island Region ang mga kalapit na komunidad na mag-ingat at magsagawa ng kinakailangang pag-iingat.

Nauna ring naitala ng Phivolcs ang superheated plume activity sa bunganga ng Kanlaon mula 11:05 p.m. hanggang 11:59 p.m. noong Biyernes.

Nananatili ang Bulkang Kanlaon sa Alert Level 2, na nangangahulugang may katamtamang antas ng volcanic unrest. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here