2,000 kahon ng puslit na yosi, nahukay sa Maguindanao Norte
COTABATO CITY, BARMM — Higit sa 2,000 kahon na smuggled na sigarilyo ang nahukay ng pulisya mula sa isang bakanteng lote sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte, na hinihinalang ipinuslit mula sa Indonesia at Malaysia, iniulat kahapon. Ayon kay Major Radzak Musa, hepe ng pulisya ng Parang, isinagawa ang operasyon matapos beripikahin at kumpirmahin ang isang intelligence report at...
Bagger, himas-rehas sa condom
CEBU CITY — Sa kagustuhan subukan na makagamit ng condom, kulungan ang kinasadlakan ng isang bagger matapos ibulsa ang panindang condom sa mall na pinagtatrabahuhan nito, iniulat kahapon sa lungsod na ito. Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Mabolo Police Station ang suspek na itinago sa pangalang Junjun, 23-anyos, at residente ng Panagdait, Barangay Kasambagan, Cebu. Batay sa ulat ng pulisya,...
Lady rider, pisak sa trak
CEBU — Pisak ang isang lady rider matapos magulungan at pumailalim sa trak makaraan sumemplang ang minamaneho nitong motorsiklo nitong Miyerkules sa Toledo City. Kinilala ang biktimang si Queenie Chelle Laruap, 34, residente ng Barangay Don Andres Soriano, Toledo City. Hawak naman ng pulisya ang suspek at driver ng 10-wheeler truck na si alyas “Leo,” 43 anyos, taga-Barangay Matab-ang, Toledo City. Batay...
Lolo na gumahasa sa 3 apo, arestado
CEBU — Himas-rehas ngayon ang isang 60-anyos na lolo matapos madakip ng mga awtoridad sa kasong panggagahasa sa kanyang tatlong apo na babae noong Martes sa Balamban City. Sa bisa ng warrant of arrest sa mga kasong Qualified Rape at 5 bilang ng Acts of Lasciviousness na ipinalabas ni Judge Jerome Abarca, RTC Branch 8, Toledo, nadakip ang suspek na...
Guro sa Muntinlupa, nasawi sa gitna ng classroom observation
MUNTINLUPA — Isang guro sa pampublikong high school sa Muntinlupa City ang namatay nitong Huwebes habang isinasagawa ang naka-schedule na classroom observation, na nagbunsod ng panawagan mula sa mga teachers’ group na repasuhin ang mga patakaran sa pagtatasa. Kinumpirma ng Schools Division Office ng Muntinlupa na ang guro mula Pedro E. Diaz High School ay “nawala ang buhay habang tinutupad...
Gobyerno, naglaan ng P2-B pondo para sa sili
MANILA, Philippines — Inaasahang magpapatatag sa suplay ng siling labuyo (maliit na sili) at tutugon sa paulit-ulit na pagtaas ng presyo ang P2-bilyong alokasyon para sa high-value crops sa 2026 national budget, ayon kay Senador Francis Pangilinan. “Basic kasi: Pag maulan, konti ang suplay, kaya mataas ang presyo,” ani Pangilinan, na nagbunyag na umabot sa PHP1,000 kada kilo ang presyo...
US kumalas sa ilang int’l at UN entities, kabilang UNFCCC at UN Women
WASHINGTON — Inanunsyo ni Pangulong Donald Trump nitong Miyerkoles na aalis ang Estados Unidos sa dosena ng pandaigdigang at U.N. na ahensya, kabilang ang U.N. Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) at UN Women, dahil umano sa “pagsuway sa pambansang interes ng U.S.” Sa memo sa mga senior administration officials, inilista ni Trump ang 35 non-U.N. groups at 31 U.N....
Transparency portal para sa Farm-to-Market Roads, binuo ng DA
MANILA, Philippines — Lumikha ang Department of Agriculture (DA) ng website kung saan maaaring makita at masubaybayan ng publiko ang progreso ng mga farm-to-market roads (FMRs) bilang bahagi ng kanilang adbokasiya sa transparency. Kinuha ng DA ang responsibilidad sa pagpapatupad ng mga FMR mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Sa isang press briefing sa Quezon City, ipinakita...
Higpit-seguridad, maximum tolerance sa Traslacion 2026 siniguro ng PNP
MANILA — Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes, na magpapatupad ang kanilang personnel ang maximum tolerance sa mga deboto sa Traslacion para sa Pistang Señor ng Itim na Nazareno. “Ang direktiba ko sa ating mga pulis ay maximum tolerance, professionalism, at respeto sa relihiyosong aktibidad,” ayon kay PNP acting chief Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ...
P1.3T pondo sa edukasyon, bantay-sarado sa Senado
MANILA, Philippines - Mahigpit na babantayan ng Senado ang isinabatas na P1.3 trilyon na pondong inilaan ng Kongreso sa sektor ng edukasyon upang matiyak na maipatutupad ang lahat ng proyekto, tulad ng pagtatayo ng silid-aralan, tulong pinansiyal sa senior high school, libreng kolehiyo sa SUCs at LUCs, pagkalap ng bagong tauhan at opisyal, at feeding program sa elementarya. Inihayag ito...












