P10.2-M ‘bato’ nasamsam sa bebot sa Iligan City

0

ZAMBOANGA CITY — Arestado ang isang 34-anyos na babae matapos makumpiskahan ng tinatayang ₱10.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Barangay Saray, Iligan City nitong Martes. Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency-9 ang suspek sa alyas na “Richie,” residente ng Barangay Tubod, Iligan City. Naaresto siya sa operasyong isinagawa dakong ala-1 ng hapon katuwang ang Iligan City...

2 ‘Amazona’ utas sa engkuwentro sa OrMin

0

ORIENTAL MINDORO — Dalawang hinihinalang babaeng miyembro ng New People’s Army ang nasawi, habang isa pa ang nahuli matapos ang mahigit 30 minutong engkuwentro sa pagitan ng mga rebelde at tropa ng Philippine Army sa Barangay Del Pilar, Naujan, Oriental Mindoro nitong Miyerkoles. Nagsimula ang bakbakan dakong alas-1:30 ng hapon sa pagitan ng mga tauhan ng Army’s 76th Infantry Battalion...

Tatay kulong sa paggahasa, pagbuntis sa menor na anak sa Laguna

0

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 51-anyos na lalaki na inakusahan ng paulit-ulit na panggagahasa at pagbubuntis sa sarili niyang menor de edad na anak sa Santa Rosa City, Laguna noong nakaraang taon. Natunton ng mga operatiba ng Regional Intelligence Division-Calabarzon ang suspek sa Miagao, Iloilo matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa kaniyang kinaroroonan. Inaresto siya sa baywalk sa Barangay...

77-anyos, patay sa kuyog ng mga bubuyog sa Leyte

0

HINDANG, Leyte — Patay ang isang 77-anyos na lalaki matapos umano siyang atakihin ng maraming bubuyog sa Purok Sun-ok Cluster 5, Barangay Ma-asin, Hindang, Leyte noong Hulyo 27. Kinilala lamang ang biktima sa alyas na “Nor,” residente ng Barangay Ma-asin. Batay sa paunang imbestigasyon, umakyat sa bundok ang biktima kasama ang isang 43-anyos na lalaki dakong alas-10:30 ng umaga noong Linggo...

Paslit, 2 iba pa patay sa banggaan sa Bukidnon

0

BUKIDNON — Tatlo katao, kabilang ang isang tatlong taong gulang na batang lalaki, ang nasawi sa banggaan ng motorsiklo at pribadong sasakyan sa Barangay Panadtalan, Maramag, Bukidnon. Batay sa imbestigasyon, paliko na sana ang motorsiklo nang bigla itong salpukin ng umano’y mabilis na sasakyang nasa likuran nito. Sa lakas ng banggaan, tumilapon nang halos 15 metro ang 33-anyos na rider at...

Tinamad pumasok, estudyante nagpost sa socmed na pasasabugin iskul

0

NUEVA ECIJA — Arestado ang isang 18-anyos na estudyante matapos umanong mag-post ng bomb threat laban sa kaniyang paaralan sa Llanera, Nueva Ecija upang masuspinde ang klase. Nagpadala ang mga awtoridad ng Explosive Ordnance Disposal unit ng Philippine National Police upang inspeksyunin ang paaralan matapos i-post ng estudyante ang banta noong Hulyo 27, 2026. Walang natagpuang pampasabog matapos ang ilang oras...

Narekober sa ghost flood control projects umabot sa P841 milyon — DOJ

0

MANILA, Philippines — Umabot na sa mahigit ₱841 milyon ang perang narekober ng gobyerno mula sa mga indibidwal na sangkot umano sa mga anomalya sa flood control projects, ayon sa Department of Justice (DOJ). “To date, PHP841 million in cash has been recovered from those involved and remitted to the National Treasury through the Land Bank of the Philippines,” saad...

20 miyembro ng Iraq PMF tigok sa US-Saudi airstrikes

0

ISTANBUL — Umabot sa 20 miyembro ng Iraq’s Popular Mobilization Forces (PMF) ang nasawi at 32 iba pa ang nasugatan sa magdamag na magkasanib na airstrikes ng United States at Saudi Arabia sa ilang lalawigan sa Iraq. Sa pahayag na inilathala ng Iraqi News Agency, sinabi ng PMF na tinamaan ang kanilang mga headquarters at pasilidad sa Baghdad, Wasit, Nineveh,...

Walang Pinoy na nasawi sa M-7.1 lindol sa Japan – DMW

0

MANILA, Philippines — Mahigpit na mino-monitor ng Department of Migrant Workers (DMW) ang kalagayan ng mga overseas Filipino worker kasunod ng magnitude 7.1 na lindol sa Kumamoto Prefecture sa katimugang Japan. Wala pang naiulat na nasawi o nasugatang Pilipino, ayon sa ahensya. Sinabi ng DMW na nakikipag-ugnayan ang Migrant Workers Office (MWO) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Osaka sa...

DOJ naghain ng perjury, cyber libel cases vs Baligod, 18 ‘maleta boys’

0

MANILA, Philippines — Naghain ang Department of Justice (DOJ) ng mga kasong perjury at cyber libel laban sa 18 dating bodyguard ng puganteng dating mambabatas na si Zaldy Co at sa kanilang abogado na si Levito Baligod sa apat na Regional Trial Court sa Metro Manila. Sinabi ni DOJ spokesperson Polo Martinez na inihain nitong Martes ang mga Information sa...