4 tiklo sa sugal, droga sa Valenzuela

0

VALENZUELA CITY, Philippines - Tiklo ang apat na kalalakihan kabilang ang dalawang drug suspects matapos mahuli sa aktong naglalaro umani ng illegal na sugal sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City. Sa tinanggap na ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Joseph Talento, habang nagsasagawa ng Oplan Galugad sina PSSg Ricardo Santos at PSSg Melvic Pingad, kapwa ng Polo Police Sub-Station...

38 kaso ng sakit sa puso, stroke, hika naitala sa Central Visayas ngayong holidays

0

CEBU, Philippines - Naitala ng DOH-7 ang 38 kaso ng chronic lifestyle-related diseases mula Disyembre 21, 2025 hanggang Enero 1, 2026 sa Central Visayas. Kabilang dito ang 9 acute stroke, 3 acute coronary syndrome, at 26 bronchial asthma cases. Dalawa sa kanila ang namatay. Sa pambansang antas, tumaas ng 5% ang chronic lifestyle-related diseases kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon. Mula...

Pagpapalipad sa paligid ng Mayon, ipinagbawal ng CAAP

0

MANILA, Philippines - Pinalawig ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang flight restrictions sa paligid ng Mayon Volcano hanggang Linggo, Enero 4, matapos itaas ng Phivolcs ang alert level nito sa Level 2 dahil sa “increased rockfall” at “long-term ground deformation.” Ayon sa CAAP, ipinagbabawal ang mga eroplano sa loob ng 11,000 feet mula sa tuktok ng bulkan. Pinayuhan...

Anak sinaksak ng ama matapos magtalo sa inuman

0

QUEZON, Philippines - Malubhang nasugatan ang isang 46-anyos na magsasaka matapos siyang saksakin ng kanyang ama habang nag-iinuman sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Poblacion, Patnanungan, Quezon noong Biyernes, ayon sa pulisya. Ayon sa ulat, bandang alas-1:30 ng hapon ay nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang biktimang si “Allen” at ang kanyang ama na si “Abet,” na nauwi sa...

Chinese Embassy, PCG nagbanggaan sa isyu ng barkong Tsino sa EEZ ng Pilipinas

0

MANILA, Philippines - Nagpapatuloy ang bantayan sa pagitan ng Chinese diplomatiko sa Manila at Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Jay Tarriela. Nito lamang Miyerkules ay nagkaroon muli ng matinding sagutan sa pagitan ni Guo Wei deputy spokesperson ng Chinese Embassy sa Pilipinas kay Tarriela sa social media na nagsimula pa noong Disyembre 25. Pinagtuunan nila ang legalidad ng dalawang insidente ng...

655 nasugatan ng paputok; higit sa kalahati, kabataan — DOH

0

MANILA, Philippines - Aabot sa 655 kaso ng mga pinsalang may kaugnayan sa fireworks ang naitala sa buong bansa, kung saan higit sa kalahati ng mga biktima ay mga kabataan na may edad 19 taong gulang pababa, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) noong Sabado, Enero 3. Sinabi ni Tina Marasigan, Direktor ng Health Promotion Bureau (HPB) ng...

Pagkamatay ni Cabral, kakulangan sa imbestigasyon ng flood control scam

0

MANILA, Philippines - Nagbangon ng maraming tanong ang pagkamatay ni dating Public Works Undersecretary Maria Catalina Cabral, kabilang ang katotohanan sa kanyang pagkamatay at ang magiging takbo ng imbestigasyon sa umano’y flood control scandal kung saan siya sana ang pangunahing saksi. Si Cabral ay iniuugnay sa pamamahagi ng tinatawag na “allocables” sa mga mambabatas at opisyal ng gobyerno at sinasabing...

Lalaki utas sa tama ng kidlat sa NegOcc

0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines - Patay ang isang 43-anyos na laborer matapos tamaan ng kidlat habang nasa loob ng kanyang bahay sa Barangay Jonobjonob, Escalante City noong Bagong Taon, ayon sa pulisya. Ayon sa imbestigasyon, nasa loob ng kanyang bahay sa Purok Toril ang biktima bandang alas-6 ng umaga nang mangyari ang insidente. Kasabay nito ang malakas na thunderstorm na may matinding...

Pilipina kabilang sa mga inaresto ng US ICE sa New Year ops

0

UNITED STATES - Kabilang ang isang Pilipina sa mga inaresto ng Immigration and Customs Enforcement (ICE) ng Estados Unidos sa operasyon noong bisperas at araw ng Bagong Taon. Kinilala ng US Department of Homeland Security ang Pilipina bilang si Karen Empaynado, na dati nang nahatulan ng burglary, grand theft, at battery sa Deltona, Florida. Kasama rin sa mga inaresto ang mga...

1 patay, 3 sugatan sa aksidente sa Leyte

0

LEYTE, Philippines - Patay ang isang babae at sugatan ang tatlong iba pa matapos bumangga ang isang motorsiklo at pickup truck sa Barangay Gov. E. Jaro, Babatngon, Leyte, bago maghatinggabi noong Biyernes. Ang biktima, si “Rochie,” 48, residente ng Tacloban City, ay pasahero ng motorsiklo at idineklara nang patay sa lugar. Sugatan naman ang driver na si “Sanny,” 31, ang...