Cayetano: Senate haharap sa mas mabigat na trabaho kung hahaba impeachment

0

MANILA, Philippines - Sinabi ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na magiging mas mahirap ang trabaho ng Senado kung aabot pa hanggang Oktubre o Nobyembre ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay Cayetano, kasabay ng impeachment ay kailangan ding pagtuunan ng Senado ang panukalang 2027 national budget, kumpirmasyon sa mga presidential appointees, at iba pang...

LPA namataan sa silangan ng Eastern Samar

0

MANILA, Philippines - Isang low pressure area (LPA) ang namataan 310 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar nitong Martes, ayon sa PAGASA. Sa forecast para sa Miyerkules, Hulyo 29, magdadala ang LPA ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Eastern Visayas, Central Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Catanduanes, Masbate, Albay, at Sorsogon. Dahil naman sa easterlies,...

Pag-amiyenda sa EPIRA, pag-alis sa system loss, VAT hinimok na gawing LEDAC priority

0

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng suporta si Murang Kuryente Party-list Rep Arthur Yap sa direktiba ni  Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na amyendahan ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), partikular ang pag-aalis sa systems loss charges at ang Value-Added Tax (VAT) kasabay nito, nanawagan ang mambabatas na sertipikahan ito bilang ppriority measures. Ayon kay Yap isang makabuluhang hakbang tungo sa...

Pagputok ng Bulusan, ibinabala ng Phivolcs

0

SORSOGON, Philippines - Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Martes na mas tumaas ang posibilidad ng phreatic o steam-driven eruption sa Bulusan Volcano sa Sorsogon dahil sa pagdami ng volcanic earthquakes. Ayon sa Phivolcs, nakapagtala ng 109 volcanic earthquakes mula alas-12 ng madaling araw noong Martes. Karamihan sa mga ito ay volcano-tectonic earthquakes na dulot ng...

Babaeng tambay sa pisbolan binaril sa ulo, todas

0

BULACAN, Philippines - Patay ang isang 28 anyos na babae matapos umanong barilin sa ulo sa Sitio Barmat, Brgy. Wawa, Balagtas, bandang 1:49 ng madaling araw ng Lunes, Hulyo 27. Ss ulat ni PMAJ Mark Anthony San Pedro, hepe ng Balagtas police station, bunga ng isinagawang hot pursuit operation bandang 9:20 ng gabi ng araw na iyon, katuwang ang Bulacan...

Planong pagtaas ng tax exemption, suportado ng DOLE

0

MANILA, Philippines - Suportado ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itaas ang limitasyon ng income tax exemption. Ayon kay DOLE Secretary Francis Tolentino, mas maraming manggagawa, lalo na ang mga nasa middle class, ang makakapag-uwi ng mas malaking bahagi ng kanilang sahod. “If the threshold is set at PHP350,000 and below, definitely...

Ombudsman pinasasagot si Romualdez sa mga reklamong isinampa sa kaniya

0

MANILA, Philippines - Inatasan ng Office of the Ombudsman si Leyte Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez na magsumite ng sagot sa mga reklamong plunder, graft, at direct bribery na isinampa laban sa kanya. Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, naglabas na ang preliminary investigation team ng utos para magsumite ng counter-affidavit si Romualdez at ang iba pang mga...

26 barko ng China namataan sa WPS

0

MANILA, Philippines - Umabot sa 26 barko ng Chinese Navy at China Coast Guard (CCG) ang namataan sa apat na mahalagang bahagi ng West Philippine Sea (WPS) mula Hulyo 21 hanggang 26, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Sinabi ni AFP spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na nakita ang mga barko sa Ayungin Shoal,...

Mga alegasyon ng mansion sa US, ‘fake news’ – Matibag

0

MANILA, Philippines - Itinanggi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag ang kumakalat na alegasyon na mayroon siyang mansion sa Estados Unidos. Sa press conference nitong Martes, sinabi ni Matibag na kapangalan lamang niya ang tunay na may-ari ng bahay at magkaiba sila ng middle initial. "I categorically deny. Wala kaming properties sa abroad. 'Yung properties namin all declared...

Kalsada sa Sultan Kudaran, sarado sa landslide

0

LSULTAN KUDARAT, Philippines - Isinara mula pa noong Lunes ang isang provincial road na nag-uugnay sa Barangay Poloy-Poloy at Barangay Salangsang sa Lebak, Sultan Kudarat matapos itong masira ng landslide. Ayon sa Barangay Local Government Unit ng Poloy-Poloy at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), gumuho ang bahagi ng kalsada at natabunan ito ng mga bato, putik, sanga...