Netizens, mixed reax sa hirit ni Kim kay Ogie!
Manila, Philippines — Nagbalik sa alaala ni Ogie Diaz ang karanasan niya kay Kim Chiu. Ito’y matapos mag-trending ang isyu sa pagitan nina Kim at Ryzza Mae Dizon. Ani Ogie, grand finals daw ’yon ng Tawag ng Tanghalan kung saan everyone was dressed in gowns. Si Kim naman ay nasa hallway ng ABS-CBN, nagpi-pictorial. Patuloy ni Ogie: “Ako naman, kalalabas ko lang kasama...
Rochelle at Jopay, kumpirmadong may iringan!
Manila, Philippines — Muling nabuhay ang tsikang may iringan nga sina Rochelle Pangilinan at Jopay Paguia, na dating mga miyembro ng SexBomb Dancers. Ito’y dahil sa mga cryptic post na hinihinalang para sa isa’t isa. Kahit matagal nang usap-usapan ang tungkol sa kanilang iringan, parehong tikom ang kanilang bibig. But wait, what’s this about their respective social media posts? Hindi ba’t giveaway ang...
Pamilya tumanggi sa autopsy sa batang nasawi sa hampas ng notebook sa ulo
DAVAO - Tumanggi ang pamilya ng walong taong gulang na batang babae na isailalim sa autopsy ang kanyang labi matapos siyang mamatay ilang araw makaraang umano’y hampasin sa ulo ng notebook ng isang lalaking kaklase sa loob ng pampublikong paaralan sa Davao City. Sinabi ng ina ng biktima na wala silang sinisisi sa pagkamatay ng kanyang anak. “Sa ngayon ma'am, hindi...
Andres at Kai, magjowa na?
Manila, Philippines — Putok na putok na sa social media ang tsikang may namamagitan na kina Andres Muhlach at Kai Montinola. Nagsimula muna ito sa blind item. Ayon sa tsika, may dalawang young stars ang nagkakamabutihan. The problem, magkaiba sila ng kinabibilangang affiliation. Viva talent si Andres, samantalang Star Magic artist si Kai. Balitang kahit ang dalawa—gustuhin man nilang magsama sa proyekto—ay imposibleng mangyari. One...
4-anyos na batang babae, patay; 7-anyos sugatan sa sunog sa Talisay
CEBU CITY — Nasawi ang isang 4-anyos na batang babae habang nasugatan ang 7-anyos na batang lalaki matapos masunog ang kanilang bahay sa Purok Lubi, Sitio Caolong, Barangay Campo 4, Talisay City noong Sabado ng hapon, Hulyo 25. Nagtamo ng matinding paso sa katawan at mukha ang batang babae at idineklarang dead on arrival sa ospital. Samantala, napaso ang kanang...
Vico Sotto, ‘di pa rin tatakbo sa 2028 sa kabila ng pangunguna sa Senate survey
MANILA, Philippines — Iginiit ni Pasig City Mayor Vico Sotto na hindi siya tatakbo sa anumang pampublikong posisyon sa 2028 sa kabila ng pagiging isa sa mga nangungunang pangalan sa pinakahuling Pulse Asia senatorial preference survey. Statistically tied sina Sotto at Sen. Robin Padilla sa survey na isinagawa mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 6, 2026. Nakakuha si Padilla ng 48.4...
‘SONA ng Paniningil’ isinagawa sa QC
MANILA, Philippines - Nagsasagawa ng kilos-protesta ang mga grupong mula sa Southern Tagalog sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City ilang oras bago ang ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Lumahok ang iba’t ibang sektor sa ilalim ng temang “SONA ng Paniningil,” kung saan iginiit nila ang pananagutan, tunay na reporma at agarang pagtugon...
Pagpapatuloy ng reporma sa edukasyon, hangad sa SONA ni PBBM
MANILA, Philippines - Iginiit ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre na nararapat manatili sa mga pangunahing prayoridad ng administrasyon ang sektor ng edukasyon, kasabay ng panawagan na kailangang panindigan at ituloy ang mga kasalukuyang reporma upang magkaroon ng pangmatagalang pagbabago para sa mga mag-aaral na Pilipino. Ayon kay Acidre na chairperson ng House Committee on Higher and Technical Education, ang...
20,000 raliyista inaasahan sa SONA
MANILA, Philippines — Tinatayang 20,000 demonstrador ang inaasahang lalahok sa mga kilos-protesta sa Commonwealth Avenue ngayong Lunes, Hulyo 27, bago ang ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Pagsapit ng alas-9 ng umaga, nasa 2,000 raliyista na ang namonitor ng mga awtoridad sa harap ng PHILCOA. Ayon sa National Capital Region Police Office, 22,000 pulis ang...
VP Duterte: ‘Di ako kailanman magbibitiw
MANILA, Philippines - Iginiit ni Vice President Sara Duterte na hindi siya kailanman magbibitiw sa puwesto dahil maituturing umano itong pagtataksil sa 32.2 milyong Pilipinong bumoto sa kanya. "Oh, never gonna happen. Hindi ako magreresign dahil 'yun ay parang betrayal sa 32.2 million na mga kababayan natin na bumoto sa akin," sinabi ni Duterte sa isang panayam na inilathala noong...












