20,000 raliyista inaasahan sa SONA
MANILA, Philippines — Tinatayang 20,000 demonstrador ang inaasahang lalahok sa mga kilos-protesta sa Commonwealth Avenue ngayong Lunes, Hulyo 27, bago ang ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Pagsapit ng alas-9 ng umaga, nasa 2,000 raliyista na ang namonitor ng mga awtoridad sa harap ng PHILCOA. Ayon sa National Capital Region Police Office, 22,000 pulis ang...
VP Duterte: ‘Di ako kailanman magbibitiw
MANILA, Philippines - Iginiit ni Vice President Sara Duterte na hindi siya kailanman magbibitiw sa puwesto dahil maituturing umano itong pagtataksil sa 32.2 milyong Pilipinong bumoto sa kanya. "Oh, never gonna happen. Hindi ako magreresign dahil 'yun ay parang betrayal sa 32.2 million na mga kababayan natin na bumoto sa akin," sinabi ni Duterte sa isang panayam na inilathala noong...
Iran, titigil sa pag-atake habang nakasuspinde pag-atake ng US
DUBAI/WASHINGTON — Ititigil ng Iran ang mga pag-atake nito hangga’t hindi ipinagpapatuloy ng United States ang pambobomba, ayon sa isang senior Iranian official nitong Linggo, matapos ang 13 magkakasunod na gabi ng airstrikes ng US. Walang naitalang pag-atake ng US noong Sabado at Linggo matapos suspendihin ng Pentagon ang kampanya nito noong Biyernes ng gabi. Hindi rin umatake ang Iran...
Suspek sa Berlin Pride attack, napatay sa operasyon ng pulisya
BERLIN — Napatay ng mga pulis nitong Linggo ang 21-anyos na suspek sa pag-araro ng minivan sa mga tao malapit sa Christopher Street Day Pride celebration sa Berlin. Naganap ang pag-atake bandang alas-10 ng gabi noong Sabado sa Tiergarten park malapit sa Brandenburg Gate, hindi kalayuan sa isa sa pinakamalalaking taunang LGBTQ Pride events sa Europe. Isang katao ang nasawi...
BI, pinanindigan pahayag ukol sa ‘di natuloy na biyahe’ ni Romualdez
MANILA, Philippines - Nanindigan ang Bureau of Immigration sa nauna nitong pahayag na may planong bumiyahe si Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez ngunit hindi ito natuloy, kasabay ng pagtanggi sa alegasyong naglabas ito ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Sa pahayag nitong Sabado, sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na nananatiling nakatuon ang ahensiya sa pagbibigay ng...
DENR, itinangging nagsaboy ng pesticide gas sa protesta sa QC
MANILA, Philippines - Itinanggi ng Department of Environment and Natural Resources ang alegasyong nagpakawala ito ng pesticide habang may kilos-protesta sa labas ng Central Office nito sa Quezon City noong Linggo, at sinabing mula sa regular na disinfection activity ang mist na nakita sa lugar. “We assure the public that the mist seen in the video was from routine defogging...
Marcos sa INC: Manatiling katuwang sa nation-building
MANILA, Philippines - Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo na manatiling “steadfast partners in nation-building” sa pagdiriwang ng ika-112 anibersaryo ng relihiyosong organisasyon nitong Lunes. Muling tiniyak ni Marcos ang suporta ng pamahalaan sa mga organisasyong nagtataguyod ng kapayapaan, nagpapalakas sa mga pamilya, at naglilingkod sa mga komunidad. “As you gather in thanksgiving, may...
Mga botante sa Parañaque, inaprubahan bagong hangganan ng 5 coastal barangay
MANILA, Philippines - Pinagtibay ng mga botante sa limang coastal barangay sa Parañaque City ang ordinansang magbabago sa kanilang mga hangganang teritoryal na katabi ng mga reclaimed area sa Manila Bay, ayon sa Commission on Elections. Batay sa opisyal na resulta, 11,597 botante ang bumoto ng “Yes” sa City Ordinance No. 2023-19, na nag-aamyenda sa mga hangganan ng Barangays Baclaran,...
26 natitirang LEDAC bills na ‘di pa naipapasa, tututukan ng Kamara
MANILA, Philippines - Tututukan ng House of Representatives sa Second Regular Session ng 20th Congress ang 26 natitirang panukalang batas sa agenda ng Legislative-Executive Development Advisory Council, ayon kay Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos ng First District ng Ilocos Norte. Kalahati sa 52 prayoridad na panukala ng administrasyon ang naaprubahan at naipasa ng Kamara sa First Regular Session. “We will work...
Grupo nagkilos-protesta sa Maynila, kinuwestiyon tunay na kalagayan ng bansa
MANILA, Philippines - Nagsagawa ng kilos-protesta ang multisektoral na Kilusan para sa Pambansang Demokrasya o KILUSAN kasabay ng ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Inilantad ng grupo ang higanteng instalasyon ng mga baraha na sumisimbolo umano sa pagkontrol ng dayuhang kapangyarihan at malalaking korporasyon sa soberanya, bigas, enerhiya at karapatan ng mga manggagawa.Kinuwestiyon ng KILUSAN...












