Dating column ni Matibag, ‘di naging basehan ng imbestigasyon kay VP Sara – Adiong

0

MANILA, Philippines - Hindi naging dahilan ng pagsisimula ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Vice President Sara Z. Duterte ang mga opinion column na  dati nang naisulat ni Atty. Melvin Matibag bago pa man siya maging NBI director, ayon kay House trial spokesperson Zia Adiong. Ipinaliwanag ni Adiong na bago pa man manungkulan si Matibag sa...

“Pangha-harass” sa photojournalists sa Pasay rally, kinondena ng PCP

0

MANILA, Philippines — Kinondena ng Photojournalists’ Center of the Philippines (PCP) ang umano'y pangha-harass at pananakot ng ilang pulis sa dalawang photojournalist habang nagko-cover ng rally kaugnay ng ASEAN meetings. Ayon sa PCP, pinigilan ng mga pulis sina Bullit Marquez at Rene Dilan na kuhanan ng larawan ang pag-aresto sa mga raliyista. Sinubukan ding arestuhin at posasan si Marquez kahit...

Impeachment trial dapat malinaw, naiintindihan ng publiko – Adiong

0

MANILA, Philippines - Muling binigyang-diin ng House prosecution panel na dapat mas maunawaan ng mga ordinaryong Pilipino ang nagaganap na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, hindi lang para sa mga nasa loob ng Senate session hall kundi pati na rin ang mga Pilipinong sumusubaybay. Ayon kay House trial spokesperson Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur ang...

Seguridad sa Bangsamoro elections, pinalakas ng Comelec

0

MANILA, Philippines — Makikipag-ugnayan ang Commission on Elections (Comelec) sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) upang matiyak ang mapayapang pagsasagawa ng Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE) sa Setyembre 14. Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, nagsimula na ang election period noong Hulyo 16 hanggang Setyembre 29 at may 167 checkpoints nang nakapuwesto sa rehiyon. Aniya,...

Lalaking utak sa online bomb threat sa 3 paaralan sa Bulacan natunton ng mga parak

0

BULACAN, Philippines - Arestado ang isang indibiduwal na umanoy responsable sa pagpapakalat ng online bomb threat na nambulabog sa mga paaralan sa bayan ng San Ildefonso. Sa ulat, naaresto ang 18 anyos na lalaking suspek sa ikinasang intelligence-driven operation and follow-up investigation ng San Ildefonso police station katuwang ang Provincial Intelligence Unit. Ayon sa ulat, ang insidente ay nag-ugat  sa social...

PNP ACG, nagbabala vs online bomb threats sa mga paaralan

0

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP ACG) laban sa mga taong nagpo-post ng bomb threats sa mga paaralan. Ayon kay ACG Director Maj. Gen. Wilson Aseuta, hindi biro ang ganitong gawain dahil naaapektuhan nito ang operasyon ng mga paaralan, negosyo, at iba pang aktibidad. Aniya, mino-monitor nila ang mga gumagawa nito at maaaring makasuhan at...

1 utas, 2 nailigtas matapos malunod sa dagat

0

BATAAN, Philippines - Patay ang isang 29 anyos na lalaki habang nakaligtas nang masagip ang dalawa pang kasamahan nito matapos malunod habang naliligo sa dagat sa Barangay Pag-asa, Bagac. Kinilala ang nasawing biktima na si  Jerico Panganiban, 29 anyos, na tiga- Bulacan. Sa ulat, dumayo ang mga ito para mag-excursion sa Lugar. Napadpad umani sa malalim na bahagi ang tatlong magkakaibigan ng...

Speaker Dy: Maghanda na sa El Niño bago lumala ang tagtuyot

0

MANILA, Philippines — Nanawagan si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa mga ahensya ng gobyerno na maghanda na laban sa posibleng epekto ng El Niño sa halip na maghintay na lumala ang sitwasyon. Sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food, sinabi ni Dy na naranasan na ng bansa ang matinding epekto ng El Niño noong 2023–2024, kung...

Senglot, arestado matapos manutok, magpaputok ng baril sa Cavite

0

CAVITE, Philippines - Isang lalaki na lango sa alak ang inaresto ng pulisya makaraang takutin at tutukan nito ng baril ang kanyang dalawang kapitbahay sa Purok 1, Barangay Pulong Saging, Silang, Cavite. Ayon sa report ng pulisya, dakong 8:30 ng gabi, isa umanong lalaki na nasa impluwensiya ng alak ang inaresto kaugnay sa pananakot, panunutok at pagpaputok ng baril na...

Debris ng Chinese rocket, ibinabala ng PCG

0

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga mangingisda at marino na iwasan ang karagatan sa bahagi ng Hilagang Luzon dahil sa paglulunsad ng isang pribadong Chinese rocket na maaaring magbagsak ng debris malapit sa teritoryo ng Pilipinas. Ayon sa PCG, ang Yinli-1 (Y4) rocket ay inilunsad mula sa East China Sea malapit sa Shanghai. Ang posibleng...