Mga proyekto sa Taguig ipatitigil ng DPWH – Lacson
MANILA, Philippines - Mag-iisyu na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng cease-and-desist orders sa mga proyekto sa Taguig City na may kaugnayan sa umano'y iligal na reclamation works, ayon kay Senador Panfilo Lacson. “This will prevent the worsening of the situation where government money is wasted on contractors who are doing the wrong thing,” sinabi ng senador...
Walang nanalo ng jackpot sa major lotto draws nitong Sabado, Agosto 15, 2026
MANILA, Philippines - Walang nanalo ng jackpot sa draw ng PCSO nitong Sabado, Agosto 15, 2026 para sa Grand Lotto 6/55 at Lotto 6/42. Ito ay matapos walang makahula ng winning numbers sa Grand Lotto 6/55 na 31-13-26-22-39-47. Ang jackpot prize para rito ay ₱133.65 million. Samantala, wala ring nakahula ng winning combination para sa Lotto 6/42 na 12-08-15-26-28-37 para sa jackpot...
China inakusahan ni Teodoro ng ‘squid tactic’ sa pagbabanta sa 100 Pinoy
MANILA, Philippines - Kinondena ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. nitong Sabado, Agosto 15 ang pinakahuling pahayag ng Foreign Ministry ng China laban sa pagtawag dito bilang "squid tactic." Matatandaan na noong Huwebes ay kinondena ni Teodoro ang aksyon ng China laban sa mahigit 100 Filipino na hinihinalang iligal na nagtatrabaho o naninirahan sa China at inilarawan ito bilang “plain...
Lump sum sa infra projects sa 2027 proposed budget pinuna ni Lacson
MANILA, Philippines - Pinuna ni Senador Panfilo Lacson nitong Sabado, Agosto 15 ang ilang lump sum appropriations para sa infrastructure projects ng pamahalaan sa proposed P7.2-trillion national budget para sa 2027. Hihingi umano siya ng paglilinaw mula sa mga sangkot na opisyal at pormal na iangat ang isyu sa briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na nakatakda sa Agosto...
Pormal na pagtatapos ng Korean War ipinanukala ng SoKor president sa NoKor
SOUTH KOREA - Iminungkahi ni South Korean President Lee Jae Myung ang pakikipag-usap sa North Korea para pormal na wakasan ang matagal nang Korean War, na nananatiling walang pinal na peace treaty matapos ang 1950-1953 conflict. Sa kanyang talumpati sa paggunita sa anibersaryo ng paglaya ng Korea mula sa Japan, hinimok ni Lee ang North Korea na talakayin ang pagtatapos...
2 mins time limit ng senator-judges sa pagtatanong sa impeachment trial, pinahihigpitan
MANILA, Philippines - Binigyang-diin ni Senator-Judge Panfilo "Ping" M. Lacson nitong Sabado, Agosto 15, ang kahalagahan ng pagsunod sa napagkasunduang takdang oras sa pagtatanong ng mga senator-judge sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte-Carpio. Ani Lacson, na mismong sumunod sa dalawang-minutong takdang oras para sa pagtatanong ng mga senator-judge sa mga testigo, ang pagsunod sa napagkasunduang takdang oras ay...
9 bulok, sira-sirang UV Express inimpound ng LTFRB
MANILA, Philippines - Nahuli sa pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa sira-sira at dugyot na public utility vehicles (PUVs) ang siyam na unit ng UV Express, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Sabado, Agosto 16. Sa kalatas, sinabi ng LTFRB na ang mga unit ay tinukoy ng Law Enforcement Unit matapos magtalaga ng mystery riders...
47 patay sa M-7.7 na lindol sa Indonesia
INDONESIA - Naitala ang 47 nasawi sa pagtama ng magnitude 7.7 na lindol sa eastern Indonesia nitong Sabado, Agosto 15. Sa pahayag ng National Disaster Mitigation Agency (BNPB), hindi pa nararating ng rescue teams ang Nagekeo, ang rehiyon na pinakamalapit sa epicenter dahil sa pagharang ng mga landslide sa mga kalsadang patungo rito. "The quake was massive, the shock was so...
2 patay sa sunog sa Sampaloc
MANILA, Philippines - Na-trap ang dalawang residente sa isang bahay na nasunog na nagresulta ng kanilang pagkamatay nitong Sabado ng umaga, Agosto 15. Sa naantalang ulat, nangyari ang sunog sa isang bahay habang malakas ang ulan sa Don Quijote Street, Barangay 480, Sampaloc, Maynila. Kabilang sa na-trap ang isang senior citizen na may-ari ng bahay at kanyang kasambahay na 48 anyos...
Proponent ng AI hub nagmura, nag-walk out sa public consultation sa Iloilo
MANILA, Philippines - Galit na nag-walkout ang Norwegian businessman na proponent din ng planong artificial intelligence (AI) data center sa Oton, Iloilo kasunod ng public consultation kasama ang mga residente ng naturang bayan. Nakita na umalis ng venue si Daniel Stefan Robertsen habang sinusundan ng lokal na media. “If you don’t have a brain, just f***, go away!” sinabi ni Robertsen...












