BJMP: Marcoleta, iba pang high-profile PDL, ‘di nakakulong sa air-conditioned cell
MANILA, Philippines - Nilinaw ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na hindi nakakulong sa air-conditioned na selda si Senador Rodante Marcoleta at iba pang high-profile persons deprived of liberty (PDLs) sa Quezon City Jail Male Dormitory (QCJMD). Ayon kay BJMP spokesperson Supt. Jayrex Bustinera, walang espesyal o VIP na pagtrato sa sinumang PDL. Aniya, ang mga kuwartong may...
LTFRB nagtakda ng hanggang ₱60 booking fee para sa online taxi
MANILA, Philippines - Nilagdaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bagong patakaran na nagtatakda ng hanggang ₱60 na booking o platform fee para sa mga taxi na gumagamit ng online booking platforms. Sa ilalim ng Memorandum Circular 2026-055, ang booking fee ay hanggang 20% ng aprubadong pasahe o ₱60, alinman ang mas mababa. Bawal ding maningil ng...
DTI: Wala pang taas-presyo sa mga pangunahing bilihin
MANILA, Philippines - Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na wala pang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa kabila ng inaasahang pagtaas ng presyo ng langis dahil sa tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran. Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque, wala pang manufacturer na naghain ng kahilingan para sa price increase. Sinabi rin niya na...
Cayetano: PBBM tumanggi noon sa ₱10,000 ayuda
MANILA, Philippines - Inihayag ni Senador Alan Peter Cayetano na umano'y hindi inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang magbigay ng ₱10,000 ayuda sa mga Pilipinong patuloy na bumabangon mula sa pandemya matapos itong manalo sa halalan noong 2022. Ayon kay Cayetano, kaya umano ng badyet ng pamahalaan ang naturang ayuda dahil umaabot sa ₱200 bilyon hanggang ₱400 bilyon...
Bahagi ng Bukidnon-Davao highway gumuho
DAVAO, Philippines - Gumuho ang malaking bahagi ng Bukidnon-Davao highway sa Sitio Marahan, Barangay Marilog, Davao City nitong Biyernes ng gabi, dahilan upang hindi na madaanan ang pangunahing kalsada papuntang Bukidnon at Cagayan de Oro City. Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH)-Region 11, sanhi ng pagguho ang landslide dulot ng ilang linggong tuloy-tuloy na pag-ulan na nagpahina...
HVI, lolong tulak ng tobats, tiklo
BATAAN, Philippines - Timbog sa mga awtoridad ang dalawang indibidwal kabilang ang isang high value individual (HVI) at isa pang senior citizen matapos masakote at makorner ang mga suspek sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa isang gasoline station sa Barangay Bilolo, Orion. Batay sa ulat ni Orion Municipal Police Station Chief of Police Major Madtaib Jalman Kay Central Luzon...
Lola utas sa suwag ng kotse
PANGASINAN, Philippines - Patay ang isang 68-anyos na lola matapos mabangga ng isang Multi-Purpose Vehicle (MPV) sa national highway sa bayan ng Pozorrubio ng lalawigang ito kagabi, Hulyo 17. Ayon sa Pozorrubio MPS, ang 30-anyos na lalaking driver ng kulay puting Toyota Innova ay residente ng Binalonan, Pangasinan, isang LGU employee samantalang ang lolang nasawi ay residente naman ng Urdaneta...
Kapunan kumpiyansang papanigan ng SC sa pagbubukas ng bank, tax records ni VP Sara
MANILA, Philippines - Kumpyansa si abogado Lorna Kapunan na papanigan ng Korte Suprema ang House prosecution kung aakyat sa korte ang usapin sa pagbubukas ng bank at tax records ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial. Ayon kay Kapunan, naniniwala silang nasa panig sila ng batas at handa silang ipagtanggol ang posisyon ng prosekusyon. Tinalakay ng prosecution at defense ang...
Cayetano tinuligsa si Tulfo sa usapin ng flood control probe
MANILA, Philippines - Binatikos ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano si Senador Erwin Tulfo matapos nitong sabihing dapat "relax lang" kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y anomalya sa mga flood control project. Sa isang livestream, sinabi ni Cayetano na ito ang pinakamalaking iskandalo ng korapsyon sa kasaysayan ng bansa dahil umano’y trilyong piso ang sangkot. Nauna rito, sinabi ni Tulfo na...
US Secretary of State Marco Rubio bibisita sa Pilipinas
MANILA, Philippines - Kinumpirma ng United States Department of State na bibisita sa Pilipinas si US Secretary of State Marco Rubio mula Hulyo 19 hanggang 23 upang dumalo sa mga pagpupulong ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ayon sa State Department, layunin ng pagbisita na palakasin ang ugnayan ng US at ASEAN, gayundin ang komprehensibong pakikipagpartnership ng Amerika sa...












