Suspek sa pamamaril sa Cotabato City, arestado sa checkpoint

0

COTABATO, Philippines - Naaresto sa isang police-military checkpoint sa Cotabato City ang suspek na pumatay sa isang tricycle driver at ikinasugat ng isang pulis ilang oras matapos ang pamamaril. Kinilala ang suspek na si alias "Jamir," 29, na taga-Kalamansig, Sultan Kudarat. Ayon kay Cotabato City Mayor Bruce Matabalao, inamin ni Jamir na target niyang patayin si Police Cpl. Titing Kauring dahil...

Jose Pujalte Jr., nanumpa na bilang bagong Kalihim ng DoH

0

MANILA, Philippines - Pormal nang nanumpa sa kanyang bagong tungkulin bilang Kalihim ng Department of Health (DOH) si Dr. Jose Pujalte Jr., araw ng Martes, Hulyo 14, 2026. Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nangasiwa sa panunumpa sa tungkulin ni Pujalte. Pinalitan ni Pujalte si dating Health Secretary Ted Herbosa na nagbitiw sa tungkulin dahil sa kanyang kalusugan. Si Pujalte ay nasa...

Bonoan, humarap sa Sandiganbayan sa hiling na maalis sa graft case bilang state witness

0

MANILA, Philippines — Humarap nitong Martes, Hulyo 14, si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa Sandiganbayan Second Division kaugnay ng pagdinig sa hiling na maalis ang kanyang pangalan sa kinahaharap na graft case matapos siyang pumayag na maging state witness. Noong Hunyo 29, naghain ang mga state prosecutor ng Motion for Leave to File...

5 miyembro ng “Gapor Gang” arestado sa Marikina

0

MANILA, Philippines - Naaresto ng pulisya ang limang hinihinalang miyembro ng “Gapos Gang” matapos silang magpanggap na mga pulis at pasukin ang isang bahay sa Barangay Concepcion Dos, Marikina City noong madaling araw ng Hulyo 13. Ayon sa imbestigasyon, nagpakita ang mga suspek ng pekeng warrant of arrest upang makapasok sa bahay. Pagkapasok, pinutol nila ang Wi-Fi, sinira ang CCTV,...

Josie, isa nang low pressure area — PAGASA

0

MANILA, Philippines — Tuluyan nang humina ang Tropical Depression Josie at naging isang low pressure area (LPA) nitong Martes ng hapon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Sa 3 p.m. advisory, huling namataan ang LPA sa layong 1,095 kilometro silangan ng timog-silangang Luzon. Samantala, ang isa pang LPA na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR)...

Sunog sa Tondo, umabot sa 5th alarm

0

MANILA, Philippines — Umabot sa 5th alarm ang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Dagupan Extension, Tondo, Maynila nitong Martes ng hapon. Batay sa Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRM), idineklara ang 5th alarm bandang 5:29 p.m. habang patuloy ang pagkalat ng apoy sa lugar. Patuloy namang nagsasagawa ng fire suppression operations ang mga tauhan ng...

Amerikanong marine biologist utas sa pamamaril sa NegOr

0

NEGROS ORIENTAL, Philippines - Patay ang 73-anyos na Amerikanong marine biologist na si Kent Edward Carpenter matapos barilin sa loob ng kanyang bahay sa Sibulan, Negros Oriental noong Linggo ng gabi. Ayon sa pulisya, nanonood ng telebisyon ang biktima kasama ang kanyang 34-anyos na Pilipinang kasama nang pasukin ng tatlong armadong lalaki ang kanilang bahay bandang 11:30 p.m. Isa sa...

Oplan Romanov nagmula kay Davao Mayor Duterte, babala laban sa pamilya Marcos, ‘di kay VP Sara – Lotoc

0

MANILA, Philippines - Inihayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Regional Director Jeremy Lotoc sa Senate impeachment court na ang terminong “Romanov” na ginagamit ng depensa upang ipaliwanag ang kontrobersyal na pahayag ni Vice President Sara. Duterte noong Nobyembre 23, 2024 ay orihinal na binitawan bilang babala laban sa pamilya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr  at hindi laban sa...

31 kaso ng cyber bullying naitala ng QC government sa mga paaralan

0

MANILA, Philippines - Sinabi ng Quezon City government na aabot sa 31 kaso ng cyber bullying ang naitala sa mga paaralan nitong nakalipas na taon. Ayon kay Majority Floor Leader Councilor Aly Medalla  sa 31 kaso ng  student bullying sa mga paaralan 90 prrcent sa mga kaso nito ay nalutas at maayos nabigyan solusyon ng mga opisyal ng paaralan ng lungsod. Sa ginanap...

Transaksyon sa pag-renew ng prangkisa ng TNVS, pinadali ng LTFRB sa ilalim ng ATOC

0

MANILA, Philippines - Bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos na gawing mas madali ang mga transaksyon ng gobyerno para sa mga Pilipino, mas pinagaan pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-aayos para sa mga sasakyang ginagamit sa ride-hailing services na i-renew ang kanilang prangkisa. Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Vigor D. Mendoza...