Seguridad sa PGH, hinigpitan sa pagdating ni Marcoleta

0

MANILA, Philippines - Mahigpit ang naging seguridad kay Senator Rodante Marcoleta nang dumating ngayong tanghali sa Philippine General Hospital (PGH) para sa kanyang medical examination check up. Guwardiyado ang senador ng mga tauhan ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG) sa pangunguna ni CIDG-NCR Chief Col. John Guiagui nang dumating ito sa nasabing pagamutan sakay ng isang coaster. Siya ay naka-wheelchair, protective...

4 iskul sa OccMin, binulabog ng bomb threat

0

OCCIDENTAL MINDORO — Iniimbestigahan ng pulisya ang umano’y bomb threat na ipinadala sa ilang estudyante ng apat na paaralan sa bayan ng Sablayan nitong Lunes ng gabi. Dakong alas-6 ng gabi nang makatanggap ang ilang estudyante ng mensahe sa Messenger. Agad nila itong ipinaalam sa kanilang mga magulang, na nagsumbong naman sa mga awtoridad. Ayon sa mensahe, isang nagpakilalang miyembro ng...

Kaibigan na ‘di nagbigay ng yosi, sinaksak ng 16-anyos

0

MALAYBALAY, Bukidnon — Sugatan ang isang 21-anyos na lalaki matapos umano siyang saksakin ng kaniyang 16-anyos na kaibigan dahil hindi nito napagbigyan ang hiling na sigarilyo sa Purok 9, Barangay Managok, Malaybalay City, noong Sabado ng gabi, Hulyo 11. Ayon sa Malaybalay City Police Station, nagkita ang dalawa sa isang tindahan at videokehan bago ang pananaksak dakong alas-11 ng gabi. Humingi...

Lalaki tigok matapos tangkaing sagipin 2 batang nalulunod sa Iligan City

0

ILIGAN CITY — Nasawi ang isang 29-anyos na lalaki matapos niyang tangkaing iligtas ang dalawang batang pinaniniwalaang nalulunod sa isang beach resort sa Barangay Sta. Filomena noong Biyernes ng hapon. Agad na rumesponde ang mga rescuer mula sa Iligan City Disaster Risk Reduction and Management Office at mga pulis upang hanapin ang biktima. Batay sa imbestigasyon, sinubukan ng lalaki na sagipin...

Sundalo binaril ni misis, utas; Misis dedo naman sa saksakn ng biyenan

0

BACOLOD CITY — Patay ang isang sundalo matapos umanong barilin ng kaniyang misis, na nasawi rin nang pagsasaksakin naman umano ng ama ng sundalo sa kanilang bahay sa Bacolod City. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa matapos umuwi mula sa isang outing. Maya-maya ay nakarinig ng mga putok mula sa service firearm ng sundalo bago natagpuan ang...

P10.15-M marijuana resin at kush, nasabat ng BOC sa Clark

0

MANILA, Philippines - TINATAYANG nasa higit P10.15 milyon halaga ng marijuana resin at high-grade marijuana o "kush" ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) mula sa apat na shipment sa Port of Clark, katuwang ang Clark Inter-Agency Task Force Against Illegal Drugs (CRK-IATFAID). Ayon sa BOC, natukoy ang mga shipment matapos makatanggap ng derogatory information mula sa Philippine Drug Enforcement...

3 dayuhan tiklo ng BI sa magkakahiwalay na operasyon

0

BAGUIO CITY – Tatlong dayuhan ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa magkakahiwalay na operasyon sa Luzon at Visayas dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Act. Kinilala ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang mga naaresto na sina Henri Joel Atanga Betayene, 35-anyos na Cameroonian; Murat Fentci, 53-anyos na Turkish national; at Mario Angelai, 60-anyos na Italian national. Isinagawa ang...

Eala pinarangalan ni PBBM: Kumakatawan sa pinakamahusay na Pinoy

0

MANILA, Philippines - PINARANGALAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si tennis star Alex Eala sa Palasyo ng Malakanyang bilang pagkilala sa kanyang makasaysayang laro sa Wimbledon. Si Eala ang kauna-unahang Filipina na na-seed sa No. 29 sa Wimbledon at nakapasok sa Round of 16 ng prestihiyosong Grand Slam tournament. Inilarawan ang 21-year-old tennis star bilang kampeon na sumasagisag sa pinakamagandang...

US muling umatake sa Iran sa ikatlong gabi; pero kasunduan posible pa rin — Trump

0

TEHRAN, Iran — Naglunsad ang Estados Unidos ng panibagong bugso ng pag-atake laban sa Iran madaling araw ng Martes, ikatlong magkakasunod na gabi ng pambobomba mula nang muling sumiklab ang labanan, kahit sinabi ni US President Donald Trump na posible pa rin ang kasunduan sa Tehran. "We're going to hit them very hard tonight, and we're going to hit them...

Trump kumilos vs ‘banta’ ng ICC sa kasarinlan ng US

0

WASHINGTON/THE HAGUE — Naglunsad ang administrasyon ni US President Donald Trump ng diplomatikong kampanya upang ihiwalay ang International Criminal Court (ICC), na inakusahan nitong banta sa soberanya ng Estados Unidos at sa mga Amerikanong opisyal at tauhan. Sa isang video message nitong Lunes, sinabi ni US Secretary of State Marco Rubio na nilikha ang ICC upang litisin ang pinakamabibigat na...