Walang Pinoy sa 27 nasawi sa sunog sa Bangkok pub — DFA
MANILA, Philippines — Walang Pilipino sa 27 kataong nasawi sa sunog na tumupok sa isang pub sa Bangkok, Thailand, noong Linggo, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA). “According to the Philippine Embassy in Bangkok, no Filipinos were among the 27 reported fatalities. The Embassy continues to monitor the situation closely,” sinabi ni DFA spokesperson Analyn Ratonel sa GMA News...
Lava, nagbabagang magma namataan sa bunganga ng Mayon
MANILA, Philippines — Namataan ang pagdaloy ng lava at mga pagbuga ng nagbabagang magma mula sa bunganga ng Bulkang Mayon nitong Lunes ng gabi, Hulyo 13, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Naitala ng PHIVOLCS ang lava effusion na may minor Strombolian activity dakong alas-6:52, alas-8:01, alas-8:29 at alas-9:30 ng gabi sa pamamagitan ng RasPiCam ng Mayon...
Davao Occidental niyanig ng M-5 na lindol
MANILA, Philippines — Isang magnitude 5.0 na lindol ang tumama sa karagatan malapit sa Balut Island sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental, madaling araw ng Martes, Hulyo 14, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Naitala ang tectonic na lindol dakong alas-1:44 ng madaling araw at may lalim na 10 kilometro. Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang pinsala o aftershocks....
Atty. Baligod, ipinaaaresto ng korte sa Makati
MANILA, Philippines — Naglabas ng warrant of arrest ang Makati City Regional Trial Court Branch 148 laban kay Atty. Levito Baligod kaugnay ng cyber libel case na inihain ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. Kinumpirma ni Baligod sa isang social media post na natanggap na niya ang kopya ng warrant. "Kakatanggap ko ngayon ang kopya ng Warrant of Arrest laban...
Bagyong Josie pasok na ng Pinas
MANILA, Philippines — Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang Tropical Storm Josie, na may international name na Haishen, ngunit maliit ang posibilidad na direktang maapektuhan nito ang lagay ng panahon sa bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes. Sa 5 a.m. bulletin ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo 1,085 kilometro silangan...
Pagkakatalaga kay Pangandaman sa Islamic bank, kinuwestyon ng ex-DOF official
MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ni dating Finance Undersecretary Cielo Magno ang pagkakatalaga kay former Budget Secretary Amenah Pangandaman bilang chairperson at chief executive officer ng government-owned Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines sa gitna ng hindi pa nalulutas na mga alegasyong nag-uugnay sa kanya sa maanomalyang flood control projects at kuwestiyonableng budget allocations. Binigyang-diin ni Magno na hindi pa...
Kasambahay arestado sa pagnanakaw ng higit P180K alahas sa amo
MANILA, Philippines — Arestado ang isang 43-anyos na kasambahay matapos umanong magnakaw ng mahigit ₱180,000 halaga ng alahas mula sa bahay ng kanyang amo sa isang exclusive subdivision sa Muntinlupa City. Kinilala lamang ang suspek sa alyas na Janice, residente ng Balayan, Batangas. Nagtatrabaho siya sa may-ari ng isang jewelry shop na kinilala sa alyas na Maricor sa Alabang Hills...
Mag-asawang senior, grinipuhan ng suspek na pinatuloy sa bahay sa lakas ng ulan
CEBU CITY, Philippines — Sugatan ang isang senior couple matapos silang pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang lalaki sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Nailon, Bogo City, northern Cebu, nitong Linggo ng gabi. Kinilala sa mga alyas na Roberto, 66, at Virginia, 65, ang mga biktima na nasa kanilang tindahan sa Purok Pangalwan nang sumilong sa labas ang suspek dahil...
PNP, DepEd sanib-pwersang mag-iimbestiga sa nasawing Gr. 4 matapos purgahin
MANILA, Philippines — Magsasagawa ng magkasanib na imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) at Department of Education (DepEd) sa pagkamatay ng isang Grade 4 pupil na nagkasakit matapos sumailalim sa deworming activity sa kanyang paaralan sa Trece Martires City, Cavite. Sinabi ni PNP spokesperson P/Col. Allan Rae Co na nakikipag-ugnayan na sa DepEd ang hepe ng Trece Martires police para...
Myanmar-led peace process, susuportahan ng Pinas, ASEAN
MANILA, Philippines — Handa ang Pilipinas at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na tumulong sa paghahanap ng mapayapa at pangmatagalang solusyon sa sigalot sa Myanmar sa pamamagitan ng prosesong pangungunahan at pagmamay-ari mismo ng bansa, ayon kay Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro. Inihayag ito ni Lazaro matapos ang serye ng diplomatic meetings sa Thailand kasama ang mga kinatawan...












