Phivolcs: Lumayo sa danger zones habang aktibo ang Mayon, Kanlaon
MANILA, Philippines — Hinimok ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga komunidad malapit sa Mayon at Kanlaon volcanoes na manatiling mapagmatyag at huwag pumasok sa mga itinalagang danger zone habang patuloy ang aktibidad ng dalawang bulkan. Sinabi ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol na nananatili sa Alert Level 3 ang Mayon, habang nasa Alert Level 2 ang Kanlaon. Nakapagtala...
COVID sa Baguio, dumarami, pero ‘manageable’ – Magalong
BAGUIO CITY — Nananatiling manageable ang pagtaas ng Covid-19 cases sa Baguio City dahil karamihan sa mga naitalang impeksiyon ay mild lamang, ayon kay Mayor Benjamin Magalong nitong Lunes. Nakapagtala ang lungsod ng 41 Covid-19 cases mula Enero, kabilang ang 37 noong huling linggo ng Hunyo. Tinatayang 78 porsiyento ng mga kaso ay mild at karamihan ay kinasasangkutan ng health...
DOLE, pinaalalahanan NCR employers sa ₱60 wage hike simula Hulyo 25
MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer sa pribadong sektor sa National Capital Region na ipatutupad sa Hulyo 25 ang unang bahagi ng ₱85 arawang dagdag sa minimum wage. Sinabi ni Labor Secretary Francis Tolentino na unang ipatutupad ang ₱60 wage increase kasunod ng opisyal na paglalathala ng NCR Wage Order No. 27...
‘Foul play’ sa nasawing grad stude sa traysi, pinasisilip ng pamilya
MANILA, Philippines — Kinukuwestiyon ng pamilya ng 23-anyos na college student na namatay isang araw bago ang kanyang graduation ang pahayag na basta na lamang siya nahulog mula sa umaandar na tricycle sa Barangay Borol 2nd, Balagtas, Bulacan. Namatay ang estudyante dahil sa matinding pinsala sa ulo matapos ang insidente noong Hulyo 8. Itinuturing na ngayong mga suspek ng mga...
‘Kano pumalag sa holdaper, tigok sa Rizal
MANILA, Philippines — Patay ang isang American national matapos umanong manlaban sa dalawang riding-in-tandem na nagtangkang holdapin siya sa Teresa, Rizal. Sapul sa CCTV footage na naglalakad ang biktima nang salubungin siya ng mga suspek at tangkaing agawin ang kanyang alahas. Nanlaban umano ang biktima at hinabol pa ang tumatakas na mga salarin. Maya-maya, bumalik ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima...
Supplier ng kulang-timbang na bigas, blacklisted ng Mandaluyong LGU
MANILA, Philippines — Ibinlacklist ng Mandaluyong City government ang supplier ng mga kulang-timbang na sako ng bigas na ipinamahagi sa mga benepisyaryo, ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro nitong Lunes. Sinabi ni Castro na ang mga nakatanggap lamang ng walong kilo sa halip na 10 kilo ay bibigyan ng karagdagang 10-kilogramong sako ng bigas. Hindi na rin babawiin...
NBI, walang nakumpirmang impormasyon sa ‘hitman’ ni VP Sara
MANILA, Philippines — Walang nakuhang validated information ang National Bureau of Investigation (NBI) upang matukoy ang pagkakakilanlan ng umano’y hitman na kinontrata ni Vice President Sara Duterte para patayin sina President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at former Speaker Martin Romualdez sakaling may mangyari sa kanya. Ito ang inihayag ni NBI Regional Director Atty. Jeremy Lotoc sa...
Mula -15, satisfaction rating ni Marcos umangat sa -7
MANILA, Philippines — Umangat sa -7 noong Hunyo 2026 mula -15 noong Marso ang net satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngunit nanatili ito sa negatibong antas, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS). Batay sa non-commissioned survey, 46 porsiyento ng mga nasa hustong gulang na Pilipino ang nasisiyahan sa pagganap ni Marcos, 39 porsiyento ang hindi...
20 dedo sa hagupit ni Inday!
MANILA, Philippines — Umakyat sa 20 ang iniulat na nasawi dahil sa Typhoon Inday at pinaigting na southwest monsoon o habagat, ngunit isa pa lamang sa mga ito ang beripikado ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sa situational report nitong Lunes, sinabi ng NDRRMC na ang kumpirmadong nasawi ay isang 70-anyos na lalaki na nalunod sa Barangay...
Bigtime taas-singil sa Diesel, aarangkada!
MANILA, Philippines — Muling sasalubong sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ang mga motorista sa Martes, Hulyo 14, sa pangunguna ng ₱4.60 kada litrong dagdag-presyo sa diesel. Inanunsyo ng Shell Pilipinas na epektibo alas-6 ng umaga, tataas ng ₱1 kada litro ang gasolina, ₱4.60 kada litro ang diesel, at ₱2.30 kada litro ang kerosene. Nauna nang tinaya ng Department of...












