Bilang ng nasawi sa pananalasa ng Bagyong Inday sa Mindanao umabot na sa 18
MANILA, Philippines - Umakyat na sa 18 ang bilang ng mga nasawi dahil sa epekto ng Bagyong Inday (Bavi) sa Mindanao, habang 14 katao pa ang nawawala. Sa mga nasawi, siyam ay mula sa Malapatan, Sarangani, pito sa Calanogas, Lanao del Sur, at dalawa sa Bukidnon. Samantala, siyam ang nawawala sa Davao Occidental, isa sa Malapatan, at apat sa Calanogas. Dulot ng...
Calanogas, Lanao del Sur isinailalim sa state of calamity dahil sa landslide
LANAO DEL SUR, Philippines - Isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Calanogas, Lanao del Sur noong Sabado, Hulyo 11 matapos ang pagguho ng lupa na ikinasawi ng pitong katao at pagkawala ng apat pa. Nilagdaan ni Mayor Abdul Hakim Benito ang resolusyon matapos itong aprubahan ng Sangguniang Bayan batay sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management...
Magnitude 5.0 lindol yumanig sa karagatan ng Sarangani
DAVAO OCCIDENTAL, Philippines - Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang karagatan sa timog-silangan ng Balut Island, Sarangani, Davao Occidental bandang 6:51 ng gabi noong Sabado, ayon sa PHIVOLCS. May lalim itong 22 kilometro at itinuturing na aftershock ng magnitude 7.8 at 6.5 na lindol na tumama sa offshore Sarangani at Davao Occidental noong Hunyo 2026. Naitala ang Instrumental Intensity II...
MPD naglabas ng traffic advisory para sa National Peace Walk ngayong Linggo
MANILA, Philippines - Naglabas ng traffic advisory ang Manila Police District (MPD) kaugnay ng National Peace Walk na gaganapin ngayong Hulyo 12 (Linggo) sa Maynila. Magsisimula at magtatapos ang aktibidad sa Quirino Grandstand, at daraan ang mga kalahok sa Kalaw Avenue Extension, Roxas Boulevard, United Nations Avenue, at Katigbak Parkway. Nagsimula ang unang road closure alas-5 ng hapon ng Hulyo 11...
GINHAWA bill vs inflation, muling inihirit ni Gatchalian
MANILA, Philippines - Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo na nakaaapekto sa mga pamilyang Pilipino at maliliit na negosyo, muling nanawagan si Senate President Sherwin Gatchalian para sa agarang pagsasabatas ng panukalang Granting Increase in Take-home Pay for All Working Filipinos (GINHAWA) Act. Binigyang-paesnsin ni Gatchalian na bagama't bumaba ang headline inflation sa 6.4% noong Hunyo, ang core...
Pagkaospital ng mga politikong may warrant pinuna ni Lacson: ‘’Bakit nagkakasakit?’
MANILA, Philippines - Pinuna ni Sen. Panfilo "Ping" M. Lacson nitong Sabado ang paulit-ulit na pattern ng pagka-ospital ng mga kilalang personalidad na pinapatawan ng contempt ng Senado o nahaharap sa pag-aresto dahil sa mga kasong kriminal. Ani Lacson, muli itong nakita sa kaso nina dating Public Works Sec. Manuel Bonoan at Sen. Rodante Marcoleta, na kapwa nahaharap sa mga...
4 na Taiwanese national nabiktima ng pekeng beyblade deal sa Cavite
MANILA, Philippines - Nasa P1.2 milyong halaga ang umano'y natangay ng isang lalaking nagpanggap na supplier ng Beyblade (Battle Tops) makaraan umanong lokohin ang apat na Taiwanese national sa isang transaksyon sa Brgy. Inocencio, Trece Martires City. Ayon sa report ng pulisya, bandang 8:50 ng gabi naganap ang insidente sa harap ng Steeltech sa Km. 49 Indang Road ng nasabing...
Teodoro sa DOH: Chinese scholars sa likod ng Batanes claim suriin, baka kailangan ng ‘medical help’
MANILA, Philippines - SINABI ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na tila kailangan ng 'medical help' ng mga Chinese scholars na nagsabing bahagi ng Tsina ang Batanes. Pabirong sinabi ni Teodoro na dapat suriing mabuti ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang mga nasa likod ng panggigiit n apag-aari ng Tsina ang Batanes dahil labag ito sa international law, Philippine Constitution,...
‘Pulis Pamayanan’ kinagigiliwan, nirerespeto sa Bulakan
Bulacan - Kinagigiliwan ngayon ng mga kabataang estudyante, guro at mga magulang ang magalang na pulis na kanilang madalas na makadaupang-palad sa kanilang paaralan sa bayan ng Bulakan. Sa ulat, kinilala ang kinagigiliwang “Pulis Pamayanan” at minsang tinaguriang “Gwapulis” na si PMSG Eduardo Isla ng Bulakan Municipal Police Station. Halos sa araw-araw ay nakakadaupang-palad ng mga estudyante at kanilang mga magulang...
455K bote ng antiretroviral drugs na ipamamahagi sa HIV patients sinuri ng DOH
MANILA, Philippines - Sinuri ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes ang 455,188 bote ng antiretroviral (ARV) drugs na nakatakdang ipamahagi sa mga taong nabubuhay na may HIV (PLHIV) simula sa susunod na linggo. Binubuo ang kargamento ng Lamivudine + Tenofovir + Dolutegravir (LTD) formulations, na siyang unang tranche ng inaasahang 1.2 milyong units ng mga HIV commodity, ayon sa...












