Magkahalong galaw sa presyo ng langis inaasahan sa susunod na linggo
MANILA, Philippines - Inaasahang magkakaroon ng magkahalong pagbabago sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa mga pagtataya ng industriya. Tinatayang magiging galaw ng presyo ang mga sumusunod: - Diesel – tataas ng humigit-kumulang ₱2.50 hanggang ₱4.50 kada litro - Gasolina – maaaring bumaba ng ₱1.25 o tumaas ng hanggang ₱0.75 kada litro - Kerosene – maaaring tumaas ng ₱2.20...
Higit 2,000 residente sa NegOcc pinalikas sa hagupit ng Habagat, Bagyong Inday
NEGROS OCCIDENTAL, Philippines - Mahigit 2,000 residente sa Negros Occidental ang lumikas dahil sa epekto ng Habagat at Bagyong Inday (Bavi), ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO). Aabot sa 2,787 katao mula sa 946 pamilya sa siyam na lugar ang naapektuhan. Sa bilang na ito, 2,575 residente ang pansamantalang nanunuluyan sa 41 evacuation centers. Kabilang sa mga...
Diokno: Mas mabibigat pang ebidensya ihaharap laban kay VP Sara
MANILA, Philippines - Inaasahan ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno, isa sa mga prosecutor sa impeachment trial, na mas mabibigat pang ebidensya ang ihaharap laban kay Vice President Sara Duterte sa mga susunod na pagdinig. Ayon kay Diokno, ang unang linggo ng paglilitis ay nakatuon sa paglalatag ng matibay na pundasyon ng kaso. Inihalintulad niya ito sa pagtatayo ng bahay. “Ang...
Impeachment court spokesman, sinaway ni Lacson sa pagpuna kay Padilla
MANILA, Philippines - Mistulang sinaway ni Senator-judge Panfilo Lacson ang spokesperson ng impeachment court na si Atty Reginald Tongol sa pagpuna kay Senator-judge Robin Padilla na nagsasalita sa merito ng kasong nililitis laban kay Vice President Sara Duterte. Partikular na tinutukoy ni Lacson ang pahayag ni Tongol na sakop si Padilla ng sub judice rule o Rule 18 ng Senate...
Walang nanalo sa alinmang major Lotto draws nitong Sabado, Hulyo 11, 2026
MANILA, Philippines - Walang nakasungkit ng jackpot sa Grand Lotto 6/55 at Lotto 6/42 sa bola noong Hulyo 11, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ang winning combination sa Grand Lotto 6/55 ay 38-47-42-44-31-39, na may jackpot na humigit-kumulang ₱70.43 milyon, ngunit walang tumama sa anim na numero. Samantala, ang winning combination sa Lotto 6/42 ay 40-21-23-33-41-10, na may jackpot...
Habagat patuloy magpapaulan sa Luzon, Visayas
MANILA, Philippines - Bagama't lumabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Inday, patuloy nitong pinalalakas ang Habagat, na magdadala ng malawakang pag-ulan sa Luzon at Visayas, ayon sa PAGASA. Inaasahan ang madalas na pag-ulan sa Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro, na maaaring magdulot ng baha at pagguho ng lupa. Magiging maulap naman ang Metro Manila, nalalabing bahagi ng...
Bilang ng nasawi sa pananalasa ng Bagyong Inday sa Mindanao umabot na sa 18
MANILA, Philippines - Umakyat na sa 18 ang bilang ng mga nasawi dahil sa epekto ng Bagyong Inday (Bavi) sa Mindanao, habang 14 katao pa ang nawawala. Sa mga nasawi, siyam ay mula sa Malapatan, Sarangani, pito sa Calanogas, Lanao del Sur, at dalawa sa Bukidnon. Samantala, siyam ang nawawala sa Davao Occidental, isa sa Malapatan, at apat sa Calanogas. Dulot ng...
Calanogas, Lanao del Sur isinailalim sa state of calamity dahil sa landslide
LANAO DEL SUR, Philippines - Isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Calanogas, Lanao del Sur noong Sabado, Hulyo 11 matapos ang pagguho ng lupa na ikinasawi ng pitong katao at pagkawala ng apat pa. Nilagdaan ni Mayor Abdul Hakim Benito ang resolusyon matapos itong aprubahan ng Sangguniang Bayan batay sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management...
Magnitude 5.0 lindol yumanig sa karagatan ng Sarangani
DAVAO OCCIDENTAL, Philippines - Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang karagatan sa timog-silangan ng Balut Island, Sarangani, Davao Occidental bandang 6:51 ng gabi noong Sabado, ayon sa PHIVOLCS. May lalim itong 22 kilometro at itinuturing na aftershock ng magnitude 7.8 at 6.5 na lindol na tumama sa offshore Sarangani at Davao Occidental noong Hunyo 2026. Naitala ang Instrumental Intensity II...
MPD naglabas ng traffic advisory para sa National Peace Walk ngayong Linggo
MANILA, Philippines - Naglabas ng traffic advisory ang Manila Police District (MPD) kaugnay ng National Peace Walk na gaganapin ngayong Hulyo 12 (Linggo) sa Maynila. Magsisimula at magtatapos ang aktibidad sa Quirino Grandstand, at daraan ang mga kalahok sa Kalaw Avenue Extension, Roxas Boulevard, United Nations Avenue, at Katigbak Parkway. Nagsimula ang unang road closure alas-5 ng hapon ng Hulyo 11...












