Ulat ng higit 100 Pinoy na inaresto sa China, kinukumpirma ng DFA

0

MANILA, Philippines — Agad na kumilos ang Department of Foreign Affairs (DFA) upang alamin ang buong detalye sa ulat na mahigit 100 Pilipino ang inaresto ng Chinese authorities sa China dahil umano sa paglabag sa immigration laws. Sinabi ng DFA nitong Huwebes, Agosto 13, na nakikipag-ugnayan ito sa Philippine Embassy sa Beijing at sa mga Philippine Consulates-General sa China upang...

Ballpen, tinta lamang masasayang kung sakaling ipagpaliban BSKE sa Nobyembre – Comelec

0

MANILA, Philippines - Masasayang lamang ang mga ballpen at tinta sakaling maisabatas ang isang batas na nagpapaliban sa Nob. 2, 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).  Ito ang inihayag ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia sa pagdinig ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms noong Huwebes, Agosto 13.  Nasa agenda ang 12 House bill na naglalayong ipagpaliban...

SC, nakakuha ng exemption sa coding para sa mga kukuha ng Bar Exam sa Set. 9

0

MANILA, Philippines - Nakakuha ang Korte Suprema ng exemption mula sa number coding scheme para sa mga kukuha ng 2026 Bar Examinations sa Metro Manila. Ito ay matapos maglabas ng memorandum ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para masigurong makarating nang walang aberya ang mga examinees sa kanilang testing venues. Sakop ng exemption ang biyahe papunta at pabalik ng mga examinee...

Higit 4.1M Pinoy hagip ng bagyo, habagat

0

MANILA, Philippines - Umabot na sa 4,177,097 katao o 1,205,839 pamilya ang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng bagyong Luis, Maymay, at habagat, ayon sa Office of Civil Defense (OCD). Apektado ang mga residente sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, CALABARZON, Cordillera, Metro Manila, at MIMAROPA. Sa kabuuang bilang, 51,912 katao o 14,511 pamilya ang kasalukuyang...

Pinsala sa mga kalsada sa Cordillera umabot na sa P1.45B

0

BENGUET, Philippines - Umabot na sa ₱1.45 bilyon ang paunang pinsala sa mga kalsada sa Cordillera dulot ng bagyong Luis, Maymay, at habagat, ayon sa DPWH-Cordillera. Ayon kay Engr. Patrick Cerilo, 186 na bahagi ng kalsada ang naapektuhan sa buong rehiyon at 179 landslide na ang naitala mula noong simula ng Agosto. Kabilang sa mga sanhi ng pinsala ang landslide,...

Presyo ng diesel, gasolina posibleng tumaas sa susunod na linggo

0

MANILA, Philippines - Inaasahang malaki ang itataas ng presyo ng diesel at gasolina sa susunod na linggo dahil sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. Batay sa pagtataya gamit ang Mean of Platts Singapore (MOPS) at foreign exchange averages noong Agosto 10–13, maaaring magkaroon ng mga sumusunod na dagdag-presyo: --Diesel: tataas ng ₱3.75 hanggang ₱4.25 kada litro --Gasolina: tataas ng...

Kampo ni Sara humihiling ng oral arguments sa motion to quash

0

MANILA, Philippines - Humihiling ang legal team ni Vice President Sara Duterte ng oral arguments sa kanyang motion to quash kaugnay ng tatlong kasong grave threats na isinampa laban sa kanya sa Quezon City Regional Trial Court (RTC). Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Paul Lawrence Lim, mahalagang magkaroon ng oral arguments dahil maaaring magkaroon ng malawak na epekto...

Paglilinaw sa sub judice rule ng impeachment trial, ipinanawagan ng defense team

0

MANILA, Philippines - Nanawagan ang kampo ni Vice President Sara Duterte kay Senate impeachment trial presiding officer Francis Escudero na linawin ang sub judice rule, na nagbabawal sa mga abogado at miyembro ng korte na talakayin sa publiko ang merito ng isang kaso. Ayon kay Justin Gular, deputy spokesperson ng depensa, panahon na upang maglabas ng malinaw na gabay ang...

ASF kumalat na sa 5 barangay sa Bacolod

0

BACOLOD, Philippines - Kinumpirma ng Bacolod City Veterinary Office (CVO) na may bagong kaso ng African Swine Fever (ASF) sa Barangay Alangilan, kaya umabot na sa limang barangay ang apektado sa lungsod. May isa ring kumpirmadong kaso sa Barangay Alijis, na naunang tinamaan ng ASF kasama ang Barangay Taculing. Noong Hunyo, nagkaroon din ng tig-isang kaso sa Barangays Granada at...

Pagdinig sa suspensyon, piyansa ni Marcoleta itinakda ng Sandiganbayan

0

MANILA, Philippines - Itinakda ng Sandiganbayan Third Division ang mga pagdinig kaugnay ng preventive suspension at petisyon para sa piyansa ni Sen. Rodante Marcoleta, na nahaharap sa kasong plunder. Ayon kay Associate Justice Karl Miranda, pansamantalang itinakda ang pagdinig sa preventive suspension sa Agosto 18, habang ang unang pagdinig sa petisyon para sa piyansa ay sa Setyembre 3. Noong Hulyo 22,...