One-Strike Policy mahigpit na ipinapatupad sa Maynila; 2 traffic enforcer sinuspinde sa pangongotong
MANILA, Philippines — Mahigpit na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang “One-Strike Policy” laban sa mga tiwaling kawani, na nagresulta sa agarang pagsuspinde sa dalawang traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos silang ireklamo ng umano’y pangongotong sa isang babaing motorista. Sa inilabas na kautusan ni MTPB Director Dennis Viaje, pinatigil sa pagtupad ng kanilang...
Grupo tutol gawing state witness si Bonoan sa flood-control cases
MANILA, Philippines - Iginiit ng grupong Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) na hindi dapat gawing state witness ng Office of the Ombudsman si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan sa mga kasong may kaugnayan sa umano’y iregularidad sa flood-control projects. Ayon sa SPARK, hindi katanggap-tanggap na makaligtas si Bonoan sa pananagutan kapalit ng pakikipagtulungan sa imbestigasyon. Anila, sapat na ang testimonya...
Prosecution panel planong kumuha ng mga translator para sa impeachment trial ni VP Sara
MANILA, Philippines - Plano ng House prosecution panel na kumuha ng mga translator o tagasalin sa mga pangunahing wika sa bansa, gaya ng Bisaya, Hiligaynon, Bicolano, at iba pa, upang mas malinaw at tumpak na maipaliwanag sa publiko ang takbo ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Ayon kay House prosecution panel spokesperson at impeachment adviser Robert Ace Barbers...
Utang ng gobyerno umabot na sa P18.55T
MANILA, Philippines - Umabot sa ₱18.55 trilyon ang kabuuang utang ng pamahalaan noong Mayo, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr). Mas mataas ito ng 0.41% kumpara sa ₱18.47 trilyon noong Abril. Ayon sa BTr, tumaas ang utang dahil mas maraming hiniram ang pamahalaan sa loob ng bansa upang matustusan ang pangangailangan sa pondo, sa kabila ng nagpapatuloy na tensyon...
PBBM, nagbigay-pugay sa kanyang ina dahil sa ‘extraordinary life’ na 97
MANILA, Philippines - Nagbigay-pugay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos na nagdiriwang ng kanyang ika-siyamnapu't pitong kaarawan, ngayong araw ng Huwebes, Hulyo 2. Sa kanyang taos pusong mensahe ng kaarawan, pinuri ng Pangulo ang “extraordinary life” ng kanyang ina. Sa isang social media post, ang birthday wish ng Pangulo sa kanyang ina ay mas marami...
Testimonya ng 8 dating bodyguard, gagamitin vs Romualdez
MANILA, Philippines - Sinabi ng Office of the Ombudsman na gagamitin ang testimonya ng walong dating bodyguard ni Ako Bicol Rep. Zaldy Co sa kasong inihahanda laban kay dating House Speaker Martin Romualdez. Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, pare-pareho at malinaw ang mga salaysay ng walong dating bodyguard tungkol sa umano'y mga cash delivery kay Romualdez. Gayunman, sinabi ni Clavano...
Upper middle-income upgrade ng Pinas, nangangahulugan ng mas maraming trabaho, pamumuhunan – Recto
MANILA, Philippines - Welcome sa Malakanyang ang pagkakadeklara sa Pilipinas bilang upper middle-income country. Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, ang nasabing milestone ay repleksiyon o pagpapakita ng mas malakas na economic fundamentals sa ilalim ng Marcos administration. "Hindi lang ito titulo. Ibig sabihin nito, mas lumalago ang ekonomiya natin. Mas dumarami ang trabahong nalilikha, mas lumalaki ang kita ng ating...
Malakas na ulan nag dulot ng mudslide sa South Cotabato
SOUTH COTABATO, Philippines - Nagdulot ng pagguho ng lupa ang malakas na ulan sa Barangay Landan, Polomolok, South Cotabato, na nagbaon sa ilang sasakyan at sumira sa mga ari-arian. Patuloy ang clearing operations noong Huwebes upang alisin ang putik at mga bato sa mga apektadong lugar. Noong Miyerkules, hindi madaanan ang bahagi ng kalsada sa Purok Dam dahil sa malakas...
CICL sa Tacloban school shooting isasailalim sa prelim investigation – DOJ
MANILA, Philippines - Isa sa mga Child Conflict with the Law o CICL na sangkot sa mass shooting sa Tacloban ang isasailalim na sa preliminary investigation process. Sinabi ni Usec. Ian Dato ng Department of Justice (DOJ) sa press briefing, ito ay kasunod ng isinagawang inquest proceedings sa Tacloban City Prosecutors Office noong June 24, 2026. Ang CICL na 15-anyos ay...
Plunder case vs Marcoleta, walang kinalaman sa impeachment – Barbers
MANILA, Philippines - Nilinaw ng House prosecution panel na walang anumang kinalaman ang nagbabadyang kasong plunder laban kay Senador Rodante Marcoleta sa nakatakdang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado. Ayon kay dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, na nagsisilbing House prosecution panel spokesman at impeachment trial adviser, malinaw na magkahiwalay ang dalawang isyu at hindi...












