NPD nagtala ng pinakamababang bilang ng focus crimes sa NCR
MANILA, Philippines - NAITALA ng Northern Police District (NPD) ang pinakamababang bilang ng walong Focus Crimes sa lahat ng police districts sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa unang 45 araw na pamumuno ni P/BGen. Benliner Capili, Acting District Director ng NPD.Ang makabuluhang tagumpay na ito ay sumasalamin sa pinaigting na pagsugpo sa krimen at mga pagsisikap ng...
P6M di otorisadong e-bike batteries, nakumpiska
PAMPANGA- Tinatayang nasa mahigit P6 Milyon halaga ng mga imported na e-bike batteries at charger na pawang wala umanong dokumento ang nasabat at sinamsam ng mga awtoridad matapos salakayin ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang warehouse na pinag-imbakan ng mga kontrabando sa Barangay Laug, Mexico. Sa bisa ng search warrant mula sa Korte, sinalakay...
Ilang kalsada sa Maynila, sarado dahil sa rally ng INC
MANILA, Philippines - ISINARA ang ilang pangunahing kalsada sa Maynila nitong Huwebes ng madaling araw kasabay ng pagtitipon ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Liwasang Bonifacio. Simula alas-4:00 ng madaling araw, ipinatupad ang road closure sa bahagi ng C.M. Recto Avenue mula Nicanor Reyes Street hanggang Mendiola Street, Legarda Street mula Figueras Street hanggang San Rafael Street,...
Pinaghihinalaang rocket debris, narekober sa baybayin ng Palawan
MANILA, Philippines - NAREKOBER ang isang pinaghihinalaang piraso ng rocket debris sa baybayin ng Sitio Taburo, Bisucay Island, Cuyo, Palawan nitong Miyerkules ng umaga, ayon sa Coast Guard Station Eastern Palawan. Sinabi ng Philippine Coast Guard na natanggap nito ang ulat bandang 6:46 ng umaga kaya agad na nag-deploy ng Quick Response Team (QRT) sa lugar. Narekober ang naturang bagay sa...
Pasahero tumilapon sa byaheng-langit na dyip
MANILA, Philippines - NAGLABAS ang Land Transportation Office (LTO) ng show cause order (SCO) laban sa driver ng isang jeepney matapos mahulog ang isang pasahero dahil sa mapanganib na pagmamaneho nito sa Aurora Boulevard, Quezon City. Sa kumalat na video online, makikitang biglang kumabig ang jeep upang mag-overtake sa isa pang sasakyan. Dahil sa matulin na takbo at matalim na...
Police corporal, patay sa pamamaril sa Zambo Sur
MANILA, Philippines - PATAY ang isang Police Corporal na miyembro ng 2nd Zamboanga del Sur Provincial Mobile Force Company matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo sa Barangay Tikwas, Dumalinao, Zamboanga del Sur nitong Miyerkules ng hapon. Kinilala ni Lt. Phillip Basaya Jr., hepe ng Dumalinao Municipal Police Station, ang biktima na si Police Corporal...
Hiwalay na kulungan sa menor na sangkot sa karumal-dumal na krimen, isinusulong ni Tulfo
MANILA, Philippines - ISINUSULONG ni Senator Raffy Tulfo ang pag-amyenda sa Republic Act No. 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act upang makapaglaan ng pondo para sa pagtatayo ng hiwalay na detention facility para sa mga Children in Conflict with the Law (CICLs) na sangkot sa heinous crimes. Sa pagdinig ng Senate Committee on Women and Children nitong Miyerkules, sinabi...
14-anyos na suspek sa Tacloban school shooting, gustong maging pulis
MANILA, Philippines - INAMIN ni PSSg. Arla Ray Pacencia, tiyahin ng 14-anyos na suspek na si alias "Nash" sa Tacloban school shooting, na minsan niyang isinama ang pamangkin sa firing range dahil nais nitong maging pulis. Sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality na pinamumunuan ni Senator Risa Hontiveros, sinabi ni Pacencia na hinahangaan...
PBBM, nagpaabot ng P1M tulong pinansyal sa Tacloban school shooting victims
MANILA, Philippines - INANUNSYO ng Malakanyang na nagpaabot ng mahigit sa P1 milyon na pinansiyal na tulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pamilya ng mga estudyante na nasawi at nasugatan sa pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City."Nakakadurog-puso, iyan ang naramdaman ni Pangulong Marcos Jr. sa pangyayari sa Tacloban kung saan may mga kabataan na nagbuwis ng buhay...
9-anyos na lalaki, patay sa talim ng traktora sa Pangasinan
PATAY ang isang 9-anyos na lalaki matapos mahulog mula sa inakyat niyang traktora at tamaan ng umiikot nitong talim habang ginagamit sa pag-aararo sa Barangay Amistad, Tayug, Pangasinan. Ayon sa Tayug Police Station, umaandar ang traktora nang mangyari ang insidente. Batay sa salaysay ng driver, ilang ulit niyang binalaan ang limang batang naroon, kabilang ang biktima, na lumayo sa traktora. Sa...












