Samar Rafflesia, muling nakita matapos ng 15 taon
SAMAR, Philippines - Muling nakita ang Samar Rafflesia (Rafflesia manillana), isa sa mga pinakabihirang at nanganganib na halamang namumulaklak sa Pilipinas, sa loob ng Samar Island Natural Park (SINP) matapos ang 15 taon. Natuklasan ito sa isang survey ng Protected Area Management Office upang alamin ang kasalukuyang kalagayan at lokasyon ng species. Huling naitala ang Samar Rafflesia noong Marso 2011. Kinumpirma...
High-value target, arestado sa Butuan; higit P3.4M tobats nasamsam
AGUSAN DEL NORTE, Philippines - Inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Caraga ang isang 41-anyos na high-value target sa isinagawang operasyon sa Barangay Agusan Pequeño, Butuan City noong Sabado. Nasamsam sa suspek ang 505 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na ₱3.434 milyon. Pinasalamatan ni PDEA-13 Regional Director Laurefel Gabales ang suporta ng iba pang law enforcement agencies, mga...
Higit P105M puslit na sigarilyo, nasamsam sa ZamboSur
ZAMBOANGA DEL SUR, Philippines - Mahigit ₱105 milyong halaga ng hinihinalang puslit na sigarilyo ang nasamsam ng mga awtoridad sa magkahiwalay na operasyon sa Pagadian City at Pitogo, Zamboanga del Sur. Sa Pagadian City, nakumpiska ang 611 master cases ng sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng ₱96.4 milyon, kasama ang isang Canter truck container van. Nadiskubre ang mga ito matapos dalhin...
Misis, tinangkang gilitan sa leeg ng kanyang mister
QUEZON, Philippines - Sugatan ang isang misis at kasalukuyang naka confine sa MMG General Hospital nang tangkain itong gilitan sa leeg ng kanyang mister kagabi sa Barangay Mayao Crossing lunsod ng Lucena, Quezon. Kinilala ang biktima na si alyas Lyn, 44, samantalang ang suspek na mabilis na tumakas na nakilala sa alyas Rod 49, kapwa nakatira sa nabanggit na lunsod. Base...
Regional mental health rapid response network isinulong ni Romualdez kasunod ng Tacloban school shooting
MANILA, Philippines - Iminungkahi ni Leyte Rep Martin Romualdez ang pagbuo ng isang regional rapid-response network ng mga mental health at child protection professionals matapos ang naging madugong pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City upang matulungan ang mga paaralan na mabilis na makatugon sa karahasan, trauma, at mga estudyanteng nakararanas ng matinding distress. Si Romualdez ay...
4 lalawigan sa Western Visayas nagpatupad ng ban laban sa ASF
MANILA, Philippines - Pansamantalang ipinagbawal ng apat na lalawigan sa Western Visayas ang pagpasok, pagbebenta, at pagbiyahe ng mga buhay na baboy, karne ng baboy, at iba pang pork products matapos makapagtala ng mga bagong kaso ng African Swine Fever (ASF). Ipinatupad ng Aklan, Antique, Guimaras, at Capiz ang ban sa mga produktong baboy mula sa Capiz, Negros Occidental, at...
2 paaralan sa Cavite, binulabog ng pagbabanta
CAVITE, Philippines - Dalawang eskuwelahan ang nakatanggap ng pagbabanta mula sa FB aacount na may sasaksakin na estudyante habang ang isa naman ay pasasabugin sa magkahiwalay na insidente sa lalawigan ng Cavite. Ayon sa nakalap sa report, dakong ala-1:50 ng hapon nang nakatanggap ang isang guro mula sa Cavite National High School na matatagpuan sa Martinez St., Barangay 31, Cavite...
Ombudsman: Walang bahid ng pulitika sa kasong plunder laban kay Marcoleta
MANILA, Philippines - Iginiit ng Office of the Ombudsman na walang bahid ng pulitika ang planong pagsasampa ng kasong plunder laban kay Sen. Rodante Marcoleta. Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, karaniwan umanong depensa ng mga opisyal na iniimbestigahan ang sabihing sila ay inuusig dahil sa pulitika, ngunit aniya, ang mga ebidensya ang magsasalita. Dagdag niya, malinaw ang kaso dahil maging...
14-anyos kinatay ng guro
BULACAN, Philippines - Patay ang isang babaeng menor de edad nang saksakin sa leeg ng suspek na amain sa Brgy. Subic, Baliwag nitong madaling araw ng Hunyo 29. Sa ulat ni PLTCOL Eisbon LLamasares, hepe ng Baliwag police station, ang biktima ay pawang 14 anyos, residente ng nasabing lugar. Ayon sa ulat ng istasyon, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang...
VP Sara: EDSA rally, senyales ng lumalaking sentimyento laban sa administrasyon
MANILA, Philippines - Sinabi ni Vice President Sara Duterte na ang mga taong nagtipon sa EDSA ay nagpapakita ng lumalaking sentimyento laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay Duterte, hindi umano natutugunan ng pamahalaan ang mga pangunahing problema ng bansa tulad ng mataas na presyo ng bilihin, kawalan ng katiyakan sa trabaho, at pagtaas ng gastusin. Iginiit...












