3 tulak arestado sa Cavite
CAVITE, Philippines - Tatlong hinihinalang tulak ang nadakip ng pulisya makaraang makuhanan ng droga at baril sa isinagawang buy bust operation sa Sito Pook, Brgy Paliparan 3 Dasmarinas City, Cavite. Kinilala ang naaaresto na sina alyas Jessie, alyas Paulo at alyas Norman ng pawang residente sa nasabing lugar. Batay sa ulat, bandang alas-3:30 ng hapon nang nagsagawa ng buy bust operation...
Mag-iina, pinatay sa loob ng bahay sa ZamboSur
ZAMBOANGA DEL SUR, Philippines - Isang 42-anyos na babae at ang kanyang tatlong anak ang natagpuang patay sa kanilang bahay sa loob ng Interfaith Academy Foundation Inc. compound sa Barangay Litapan, Josefina, Zamboanga del Sur nitong Lunes, Hunyo 29. Kinilala ang mga biktima na sina Arlene Fernan Dumaltte, 42; at ang kanyang mga anak na sina Nashyl, 16; En-en, 14;...
Congressional inquiry sa Tacloban school shooting hiniling na agad itakda ng Kamara
MANILA, Philippines - Inihirit ng Tingog Partylist at Leyte Rep Martin Romualdez sa House Leadership na agad itakda ang paglulunsad ng isang pormal na congressional inquiry hinggil sa naganap na madugong shooting incident sa San Jose National High School sa Tacloban City. Ayon kay Tingog Partylist Rep Andrew Julian Romualdez, ang nnaturang trahedya ay hindi lamang dapat humantong sa pagpapanagot...
Higit 38,000 kaso ng dengue naitala sa Malaysia
KUALA LUMPUR, Malaysia - Umabot na sa 38,842 kaso ng dengue ang naitala sa Malaysia mula Enero 4 hanggang Hunyo 27, 2026. Pinakamaraming kaso ang naitala sa Selangor, kasunod ang Kuala Lumpur at Johor. Ayon sa Health Ministry, DENV-3 na ngayon ang dominanteng strain ng dengue sa bansa. Nilinaw ng mga eksperto na hindi ito mas nakahahawa, ngunit mas maraming...
Senior citizen nakuhanan ng 3 baril sa raid sa Cavite – CIDG
CAVITE, Philippines - Naghihimas ngayon rehas na bakal ang isang isang 60-anyos na lalaki matapos makuhanan ng tatlong umano'y hindi lisensyadong baril sa isinagawang operasyon ng Cavite Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Barangay Pasong Kawayan 1, General Trias City, Cavite. Sa report mula sa tanggapan ni PLTCOL Mark Jayson Gatdula, hepe ng Cavite CIDG, bandang alas-4:12 ng hapon ng...
DepEd humiling ng dagdag pondo para sa school security guards
MANILA, Philippines - Hihingi ang Department of Education (DepEd) ng karagdagang pondo sa Department of Budget and Management (DBM) para makapag-hire ng mas maraming security guard sa mga pampublikong paaralan. Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, kulang na kulang ang mga security guard dahil 200 na lamang ang plantilla positions na natira matapos ang nationalization, kahit may mahigit 48,000 pampublikong...
Upuan para kay VP Sara sa impeachment trial, pinarereserba ng House prosecutors
MANILA, Philippines - Hiniling ng House prosecution panel sa Senate impeachment court na maglaan ng isang pisikal na upuan para kay Vice President Sara Duterte sa gaganaping impeachment trial upang malinaw na ipakita sa publiko na may nakalaang lugar para sa kanya sakaling piliin nitong humarap at personal na makibahagi sa paglilitis sa kanyang kaso, ayon kay House trial...
3 suspek sa engkuwentro sa Bulacan, kinasuhan ng PNP
MANILA, Philippines - Nagsampa na ng mga kaso ang Philippine National Police (PNP) laban sa tatlong suspek na nasugatan sa engkuwentro habang aarestuhin sa Bocaue, Bulacan. Ayon sa PNP, pinaputukan umano ng mga suspek ang mga pulis na magsisilbi ng warrant of arrest kaya napilitan ang mga awtoridad na gumanti ng putok. Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang tatlo. Iniimbestigahan...
BIR box ng mag-asawang Mans at VP Sara dapat buksan nang walang executive session – de Lima
MANILA, Philippines - Dapat buksan at markahan ang selyadong kahon mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na naglalaman ng mga tax record ng mag-asawang sina Viice President Sara at Mans Carpio nang hindi na nangangailangan ng executive session. Ito ang iginiit ni House impeachment prosecutor at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima matapos hilingin ng defense team ng...
Pasugalan, tinabunan ang pamahalaan
BATANGAS, Philippines - Binatikos ng mga mamamayan ng Sto. Tomas, Batangas ang pagtatayo ng isang dambuhalang karatula ng pasugalan sa kanilang lugar. Ayon sa isang lider-politikal na nakabase sa Batangas na tumangging ipabanggit ang pangalan, lantaran at harapang bastusan na umano ang naturang karatula ng Playtime on line casino na makikita sa ibabaw naman ng karatula ng tanggapan ng Bureau...












