P7.2T budget para sa 2027 iminungkahi ng PBBM admin
MANILA, Philippines - IMUMUNGKAHI ng administrasyong Marcos ang P7.2-trillion national budget para sa 2027, may katumbas ito na 21.7% ng gross domestic product (GDP) ng bansa. Ang panukalang 2027 budget ay mas mataas ng 6% o P407 billion kaysa sa P6.793 trillion national budget para 2026, base sa National Budget Memorandum (NBM) 158 na ipinalabas na Department of Budget and...
Maliliit na negosyo hinikayat ni Roque, samantalahin programa ng pamahalaan
MANILA, Philippines – Hinikayat ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ma. Cristina Roque ang mga may-ari ng maliliit na negosyo na makipag-ugnayan sa ahensya upang mapakinabangan ang mga programang makatutulong sa pagpapalawak ng kanilang negosyo, kabilang ang pagpasok sa pandaigdigang merkado. Sa pagbubukas ng tatlong araw na Wedding Fair sa SM Aura Premier sa Taguig City nitong Biyernes,...
Isa sa estudyanteng kritikal sa Tacloban shooting ‘now out of danger’ – DepEd
MANILA, Philippines - Ligtas na sa panganib ang isa sa mga estudyante na kritikal na nasaktan sa pamamaril sa paaralan sa Tacloban City, ayon sa Department of Education nitong Biyernes, Hunyo 26. Ang estudyante ay nagpapagaling na ngunit nasa ilalim pa rin ng Intensive Care Unit (ICU). "We are grateful to share the encouraging news that, based on the latest medical...
Australian national, 3 iba pa timbog sa ilegal na pag-okupa ng ari-arian sa Las Piñas
MANILA, Philippines - Apat na indibidwal, kabilang ang isang Australian national, ang inaresto ng Las Piñas City police dahil sa ilegal na pag-okupa ng isang pribadong ari-arian sa lungsod. Kinilala ni Las Piñas City police chief P/Col. Ricky Neron ang mga nadakip na suspek na sina alyas Israel, 49, Australian national; alyas Alberto, 58; alyas Lowie, 56; at isang alyas...
Seguridad paiigtingin ng Pasay police, SPD sa White Ribbon March
MANILA, Philippines - Isinapinal na ng Southern Police District (SPD) at ng Pasay City police ang paglalatag ng preparasyon para sa seguridad ng mga makikibahagi at dadalo sa nakatakdang White Ribbon March na magaganap bukas, Hunyo 28. Ito ay napag-alaman kay Pasay City police chief P/Col. Joselito De Sesto na nagsabing kanilang tinitiyak ang mapayapa at maayos na pagsasagawa ng...
Apat na articles of impeachment punto por puntong sinagot ng kampo ni VP Sara
MANILA, Philippines - PUNTO POR PUNTONG sinagot ng kampo ni Vice-President Sara Duterte ang bawat alegasyon sa articles of impeachment laban sa kanya. Sa isinumiteng sagot ng depensa, sinabi nitong protektado ng karapatan sa malayang pamamahayag ang mga naging pahayag ng Bise Presidente at wala umanong patunay na may plano siyang ipapatay sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza...
Pananaksak sa paaralan sa QC pinabulaanan
MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng pamunuan ng President Corazon Aquino Elementary School sa Quezon City ang mga balita sa social media na nagkaroon umano ng insidente ng pananaksak sa loob ng naturang paaralan. Anila, ang naiulat na nasaktan ay dahil sa nangyaring suntukan sa pagitan ng dalawang estudyante. Ayon sa school principal na si Dr. Gerry Isip, walang nangyaring pananaksak at...
Gov’t budget spending gagawing transparent sa binuksang online platform
MANILA, Philippines - BINUKSAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang digital transparency platform sa publiko kung saan pinahihintulutan ang mga Filipino na i- monitor kung saan inilalaan ng gobyerno ang pondo at saan ito ginagastos. In-update din ng Pangulo ang Philippines Public Financial Management (PFM) Reforms Roadmap 2024–2028. “On this occasion, we reaffirm a simple but defining belief of this...
Mga taxi drayber na nanaga, nagnakaw sa Thai models iniimbestigahan ng LTFRB
MANILA, Philippines - Nangako ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tutugisin nito ang dalawang taxi driver na umano'y nanaga ng singil at nagnakaw pa mula sa dalawang Thai models at pageant winners sa kanilang pagbisita sa Pilipinas. Sa pahayag, sinabi ni LTFRB Chair Vigor Mendoza II na nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang drayber...
Bahagi ng 999 mall sa Divisoria, nasunog
MANILA, Philippines - Sumiklab ang sunog sa isang kilalang mall sa Divisoria nitong Biyernes ng gabi, Hunyo 26. Hindi na naisalba pa ng mga negosyante ang karamihan sa mga paninda rito. Sa paunang ulat, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng mall alas-10 ng gabi at tuluyang naapula alas-3 ng madaling araw na ng Sabado. Wala nang nagawa ang mga negosyante at...












