Sen. Bato, nasa Pinas pa – NBI

0

MANILA, Philippines - May malakas na indikasyon na nasa Pilipinas pa rin si Senator Ronald "Bato" dela Rosa sa kabila ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC), ayon sa National Bureau of Investigation (NBI). Sa panayam sa isang ulat, sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na patuloy nilang sinusundan ang mga impormasyong may kaugnayan sa kinaroroonan ng...

Tamang paggamit sa LGSF sa BARMM, ipinanawagan sa SC

0

Nagtipon ang mga residente at iba pang grupo na pinangunahan ng Bangsamoro Movement for Peace sa harap ng Korte Suprema upang igiit ang umano'y wastong paggamit ng Local Government Support Fund (LGSF) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Hiniling ng mga nagprotesta ang transparency, pananagutan, at patas na pagdinig sa mga alegasyong ginagamit ang pondo para sa...

Psychosocial intervention sa studes, guro sa Tacloban shooting, isinagawa

0

MANILA, Philippines - Sasailalim sa serye ng psychosocial intervention at trauma management ang mga estudyante at guro na naapektuhan ng pamamaril sa Tacloban City, sa pangunguna ng Department of Education (DepEd) at sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH). Ayon kay Social Welfare Secretary Rex Gatchalian, pinangungunahan ni Education Secretary Sonny Angara...

Criminal liability ng minor offenders, susuriin kung ibaba o hindi – Tulfo

0

MANILA, Philippines - Inimbitahan ng Senado ang lahat ng eksperto sa criminal law, social welfare, juvenile justice, at law enforcement agencies sa isang pagdinig upang matukoy kung kailangan talagang ibaba ang edad ng criminal liability ng mga menor de edad sa bansa. Inihayag ito ni Senador Erwin Tulfo, chairman ng Senate Committee on Social Justice and Welfare, kasunod ng shooting...

PBBM, iniatas mabilis na resolusyon ng LRT-1 Cavite Extension right-of-way issues

0

MANILA, Philippines - Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Transportation (DOTr) na agad na lutasin ang usapin hinggil sa matagal nang right-of-way issue na naging dahilan ng pagkaantala sa pagkumpleto ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Cavite Extension project. Giit ng Pangulo, hindi na dapat nagtitiis ang commuting public sa mga konsikuwensya ng naantalang imprastraktura. Sa...

PNP Chief Nartatez nag-utos ng masusing imbestigasyon, pinalalakas seguridad sa mga paaralan matapos ang trahedya sa Tacloban

0

MANILA – Nag-utos si Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ng masusi at komprehensibong imbestigasyon kasunod ng madugong pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng ilan pang biktima.Nagpaabot din ng pakikiramay ang hepe ng PNP sa mga pamilya ng mga nasawi at tiniyak na pananagutin ang...

2K indibidwal lumahok sa Rainbow Parade sa Pasay

0

MANILA, Philippines - Kaugnay ng selebrasyon ng Pride Month ng LGBTQIA+ community, lumahok ang nasa 2,000 supporters at miyembro ng komunidad sa makulay na Rainbow Parade sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Pasay noong Miyerkules ng hapon, Hunyo 24. Ang taunang parada ay pinangunahan ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, kung saan anim na makukulay at madekorasyong floats ang...

Pamahalaan, pinalawak programa vs pagkabansot ng mga bata – Malakanyang

0

MANILA, Philippines - Pinalawak pa ng pamahalaan ang mga umiiral na programang direktang tumutugon sa suliranin ng stunting o pagkabansot sa mga batang Pilipino. Ginawa ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang pahayag sa isang press briefing sa Malakanyang nang tanungin kung paano tinutugunan ng pamahalaan ang problema ng stunting sa kabila ng pagpapatupad...

Police official sa Caloocan, inireklamo ng bagitong pulis sa ‘pananakit, pagmumura’

0

MANILA, Philippines - Nagsampa ng kaso ang isang bagitong pulis laban sa kanyang immediate superior dahil sa umano'y paulit-ulit na pananakit at pagmumura sa kanya sa harap ng kanyang mga kabaro sa Caloocan City. Ayon sa biktimang may ranggong Patrolman, nagsimula umanong sumiklab ang galit ng opisyal na may ranggong Lieutenant Colonel sa kanya nang umuwi siya noong gabi ng...

Pinas, Poland palalakasin ugnayan sa AI, digital governance

0

MANILA, Philippines - Tinitingnan ng gobyerno ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Information and Communications Technology (DICT), ang mas malakas na ugnayan sa Republic of Poland sa larangan ng digital transformation. Sa isang Facebook post, sinabi ni DICT Secretary Henry Aguda na sa idinaos na pagpupulong ay binigyang-diin ang halaga ng mas matatag na kooperasyon ng Pilipinas at Poland...