Canada warship nasa Pinas para sa 5-day ‘goodwill visit’
MANILA — Dumating sa Pilipinas ang barkong pandigma ng Canada na HMCS Montreal at dumaong sa Manila South Harbor ngayong Biyernes habang sinimulan ng Royal Canadian Navy (RN) ang kanilang "goodwill visit" sa Pilipinas hanggang Agosto 6. Ang HMCS Montreal ay may kakayahang anti-submarine, anti-surface at anti-air warfare, search and rescue missions. Ang deployment ng barkong pandigma ay bahagi ng hakbangin...
Improvised oil spill boom pinagtulungang gawin ng mga mangingisda sa Cavite
MANILA, Philippines - Sa ginawang monitoring ng Bantay Dagat, MENRO, MDRRMO at Coast Guard ay wala pa sa territorial waters ng Rosario ang oil spill, gayun pa man naghanda na rin ang lokal na pamahalaan ng Rosario, Cavite katuwang ang mga mangingisda na gumawa ng improvised oil spill boom para sa oil spill. Matatandaang nitong July 25, 2024 ay lumubog...
BINI at SB19, pinagsasabong!
Manila, Philippines- May violent reaction ang ilang SB19 fans sa naiulat ni Karen Davila tungkol sa BINI na diumano'y sila ang posibleng magbubukas ng pinto para makilala ang Pinoy pop phenomenon sa buong mundo. Hirit ng maka-SB 19, ang all male Pinoy pop group daw ang unang gumawa ng pangalan internationally pero sinalungat naman ito ng mga maka-BINI. May mga nagtanggol...
Phreatic eruption naitala sa Taal Volcano
MANILA, Philippines - Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang isang steam-driven o phreatic eruption sa Taal Volcano sa Batangas sa nakalipas na 24 na oras, sinabi ng ahensya ngayong Biyernes. Sa kanilang bulletin, sinabi ng PHIVOLCS na tumagal ng limang minuto ang phreatic eruption. Isang napakalaking pagbuga ng mga abo na hanggang 1,500 metro ang taas ang...
Masusing inspeksyon sa lahat ng istraktura sa Maynila iniutos ni Mayor Lacuna
MANILA, Philippines - Iniatas ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan sa lahat ng building at fire officials na magsagawa ng masusing inspeksyon sa lahat ng instraktura sa Lungsod ng Maynila. Ang naturang kautusan ay bunsod sa naganap na trahedya na nagresulta sa pagkakasawi ng nasa 11-katao sa naganap na sunog sa isang residential-commercial building sa Carvajal St., Binondo, Maynila nitong Biyernes...
Tolentino: Gov’t agencies dapat magtulungan sa flood control
"Ang paghahanap ng mga epektibong solusyon sa pangmatagalang pagbaha ay nangangailangan ng buong pagtuon at pagtutulungan ng iba't ibang ahensya ng gobyerno."Ito ang iginiit ni Senate Majority Leader Francis 'Tol' Tolentino sa kanyang pambungad na pahayag sa Senate inquiry tungkol sa flood control master plan ng gobyerno na ginanap noong Huwebes. Ayon kay Tolentino, layunin ng pagdinig hindi upang maghanap...
Bagong tranches sa salary hike ng gov’t workers suportado ni Bong Go
Nagpahayag ng pagsuporta si Senador Christopher "Bong" Go sa panukalang paggamit sa excess fund upang ipatupad ang bagong tranche ng salary increase ng mga empleyado ng gobyerno. Pinuri ng senador ang Department of Budget and Management sa hakbang na ito na naaayon sa kanyang inihain na panukalang batas na nagmumungkahi ng Salary Standardization Law (SSL) 6. Noong nakaraang taon, inihain ni...
Pinas, Vietnam magsasagawa ng joint South China Sea exercises
MANILA, Philippines - Byaheng Pilipinas ang isang Vietnamese coast guard vessel para sa joint training exercises na siyang unang palitan sa pagitan ng mga bansang nakikipag-agawan sa Beijing sa South China Sea. Inaangkin ng Beijing ang halos buong South China Sea ngunit inaangkin ng Pilipinas, Vietnam at ilang iba pang mga bansa ang iba't ibang isla, reef at shoal sa...
Bilyong buwis inaasahang makokolekta sa online sellers
INAASAHAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na aabot sa bilyun-bilyong piso ang kanilang makokolekta buwis mula sa lumalagong industriya ng e-marketplace matapos nitong isailalim ang mga online sellers sa withholding tax system. “Itong withholding tax on online transactions, dahil effective na ‘yan, inaasahan natin na malaki rin ang maitutulong nito,” ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. kasabay ng...
350K katao sapul, P18M kita bawat araw lugi sa Cavite sa oil spill
MANILA, Philippines - May kabuuang 352,179 katao sa mga coastal barangay sa Cavite ang naapektuhan ng oil spill na umabot sa kanilang baybayin kung saan umaabot din sa P18 milyon ang nawawalang kita bawat araw, sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Biyernes. Sa isang pahayag, sinabi ng OCD Calabarzon na, "Sa kasalukuyan, base sa update ng Cavite ,...












