Guro sa Lanao del Sur, dinukot ng dalawang armadong lalaki
LANAO DEL SUR, Philippines - Dinukot ng dalawang armadong lalaki ang isang babaeng guro ng pampublikong paaralan habang pauwi sa Maguing, Lanao del Sur noong Miyerkules ng umaga, ayon sa pulisya. Kinilala ang biktima na si Baesarome Dagalangit Bagul, guro sa Malungun Elementary School at residente ng Barangay Malungun, Maguing. Batay sa imbestigasyon, sumakay si Bagul sa isang pampasaherong traysikel mula...
Lalaki arestado sa pagpapaputok ng baril
MANILA, Philippines - Arestado ang isang lalaki matapos magbanta at magpaputok ng baril sa Tondo, Maynila madaling araw ng Huwebes, Agosto 13. Sa imbestigasyon ng Manila Police District-Station 7, mahaharap ng kasong Grave Threat, Alarm Scandal at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek na si Henry Picar, residente ng Brgy. 50. Si Picar ay nagtamo ng tama ng bala...
WHO: Ebola outbreak sa Congo posibleng malampasan pinakamalalang outbreak sa kasaysayan
GENEVA, Switzerland - Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na ang kasalukuyang Ebola outbreak sa Democratic Republic of Congo ay maaaring malampasan ang pinakamalalang Ebola outbreak noong 2014–2016 sa West Africa na kumitil ng mahigit 11,000 katao. Sa ngayon, mahigit 2,000 na ang nasawi mula sa higit 4,300 kaso ng Ebola sa silangang bahagi ng Congo. Bagama’t idineklara lamang ang...
Dizon, DPWH tatalupan ng Senado sa palpak na EDSA rehab: ’Parang sungka’
MANILA, Philippines - Nakatakdang igisa ng Senado si Public Works Secretary Vince Hizon, ilang matataas na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Metro Manila at contractor ng rehabilitasyon at pagkukumpuni ng EDSA dulot ng tila sungkang lansangan pagkatapos ng ulan Sa pahayag sinabi ni Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson na kailangan imbestigahan ang rehabilitation at repair...
Pagdinig ng Truth commission sa EJK, magsisimula sa Agosto 14
MANILA, Philippines - Magsasagawa ng unang pagdinig ang Truth Commission na binuo ng Simbahang Katolika at mga civil society group upang idokumento ang mga umano’y extrajudicial killings (EJKs) kaugnay ng kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte. Ayon kay dating ICC judge Atty. Raul Pangalangan, gaganapin ang unang pagdinig sa Biyernes, Agosto 14, sa Pope Pius Center sa Maynila. Wala itong...
Leadership fund sa badyet, bubuwagin ni Lacson
MANILA, Philippines - Muling nanawagan si Sen. Panfilo "Ping" M. Lacson nitong Huwebes na buwagin ang "Leadership Fund" o allocables sa pambansang badyet, na hindi lamang isa pang anyo ng pork barrel kundi mas masahol na bersiyon ng ipinagbawal na sistema. Ayon kay Lacson, ipinakita ng testimonya ni dating Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan, gayundin ng mga kamakailang...
Higit 3.7M katao apektado ng habagat, bagyong Luis at Maymay
MANILA, Philippines - Umabot na sa 3,733,883 katao o 1,087,246 pamilya ang naapektuhan ng habagat at ng Tropical Cyclones Luis at Maymay, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Kabilang sa mga apektadong lugar ang National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula. Sa kabuuang...
Kaligtasan, kalidad ng serbisyo ng mga barko, pinaigting ng MARINA
MANILA, Philippines - Nakatutok ang Maritime Industry Authority (MARINA) sa pagpapahigpit ng kaligtasan at kalidad ng serbisyo ng mga barkong rehistrado sa Pilipinas sa ilalim ng panukalang Memorandum Circular. Sasaklawin ng panukala ang mas mahigpit na pagsunod sa mga alituntunin,operasyon at risk-based enforcement para maging mas ligtas at maayos ang mga domestic maritime operations sa bansa. Layunin nito na matiyak na...
Pinas nakakuha ng P14B pautang mula France para sa pangangalaga ng karagatan
MANILA, Philippines - Nakakuha ang Pilipinas ng 200 milyong euro na pautang (humigit-kumulang ₱14 bilyon) mula sa pamahalaan ng France, sa pamamagitan ng Agence Française de Développement (AFD), para sa pangangalaga ng marine ecosystems at pagpapalawak ng blue economy. Ayon sa Department of Finance (DOF), ang Marine Ecosystem for Blue Economy Development (MEBED) 1 ay susuporta sa mga repormang magpapalakas...
SB19 kikilalanin sa Senado; resolusyon inihain ni Pangilinan
MANILA, Philippines - Naghain ng isang panukalang resolusyon si SenadorFrancis "Kiko" Pangilinan na bumabati at kumilala sa Filipino P-pop supergroup SB19 sa kauna-unahang Pinoy na lumahok sa Lollapalooza, isa sa pinakamalaki at maimpluwensiyang music festivals sa buong mundo. Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan na inihain ang Senate Resolution No. 573 nitongMartes, Agosto 4 upang kilalanin ang makasaysayang performance ng SB19 ...












